Zajmin's POVAfter entering this juvenile compound, I have one thing that I realized. I have and have been wasting my youth.
Hindi ko man lang na-enjoy ang pagkabata dahil palagi akong busy sa mga missions na ipinapagawa ni Dad. All I ever think is how am I going to please him. I did not think about myself.
Kasalanan ko rin naman kung bakit ako naririto ngayon. I deserved it. Alam ko kung ano ang tama pero sinunod ko pa rin ang mali.
Since I am only seventeen, hindi pa ako pwedeng ikulong. But I am under the control of juvenile compound for a while. Narinig ko na hanggang dalawa o limang buwan akong mamamalagi dito depende sa sanction at kung ano ang magiging performance ko dito.
I sighed and look up at the ceiling. Isang buwan pa lang ako rito pero sawa na kaagad ako sa mga pinapangaral nila sa akin. They have been counselling me for about weeks. Paulit-ulit.
Pati ang mga librong naririto sa kinalalagyan ko ay tungkol sa mga rules and good conducts. Mababaliw na ako sa pagka-bored. Hindi man lang kasi nila pinahintulutang dalhin ko ang phone ko dito. Kahit man lang sana 'yun lang. Haay. My life sucks.
"Kailangan mo lang pirmahan ang mga 'yan at makakaalis ka na."
"Thank you, Miss Leah," I said and smiled at her. For the past three months, she's been monitoring and counselling me. Kahit na nakakasawa ay may natutunan pa rin naman ako kahit papaano. My time here did not put into waste. It's worth it. I can finally have a new life.
Pero nalulungkot pa rin ako dahil mag-isa na ako ngayon. Wala na akong pamilya na makakasama.
Wala akong kilala na relatives sa mother's side because Mom is an orphan. Wala siyang kinalakihang kamag-anak dahil palaboy-laboy lamang daw siya hanggang sa napunta na siya sa Deus Organization. Nakulong naman ang sa father's side ko dahil sila ang namamahala sa organisasyon.
I sighed. Ngayong nakalabas na ako ay naisipan ko munang bumisita sa presinto. Matagal-tagal na rin mula nang huli naming pagkikita.
"Tita." Ngumiti ako pagkakita sa kanya, "Kumusta ka dito?"
"Gaya ng nakikita mo, hindi maayos." Pagkakita ko sa kanya ay nahalata ko kaagad ang pangangayayat niya at ang matamlay niyang mukha na noon ay punong-puno ng kasiglahan.
Nalungkot ako. Siya ang kapatid ni Dad na siyang tumayo na ring parang nanay ko. Sa mga nagdaang taong wala na si Mom, siya ang tumayong pamilya ko. Siya ang nandyan at minahal ako noong paghihiganti na lang ang nasa isip ng tatay ko. For me, she is the most precious family I've ever had. Kung wala siya, baka na-control na ako ng tuluyan ni Dad.
Nadamay lang naman siya at nakulong dahil siya ang mga gumagawa ng mga iniuutos ni Dad sa akin. Ayaw daw niyang madungisan ang kamay ko kaya siya na ang gumawa ng lahat para mailigtas ako. 'Yun nga lang, nawalan siya ng kalayaan ng dahil sa akin.
I am the one to blame. If only I could stand up for myself. If only I had the strength to oppose Dad, hindi na sana ito mangyayari kay Tita.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, iha. Biktima ka lang din sa paghihiganti ng tatay mo. Kung may nagawa man lang sana ako para pigilan siya, ginawa ko na. Pero pati ako na kapatid niya ay ayaw niya talagang pakinggan. Nabulag na siya ng tuluyan ng paghihiganti."
Ngumiti lang ako ng tipid. Nag-usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa oras na para siya ay bumalik.
"Bibisita na lang ulit ako sa susunod, Tita."
"Sige, mag-iingat ka."
Pinabalik na siya sa kanyang selda habang ako naman ay nanatili sa waiting area. May kailangan pa akong kausapin dito.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
TienerfictieMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020