Chapter 47

23 0 0
                                    


Danedria's POV

Pagkarating namin sa hotel, kumain muna kami bago nagpahinga. Kahit na wala akong ginawa sa biyahe ay parang pagod pa rin ang buong katawan ko kaya lumagapak kaagad ako sa kama.

Maaga naman kaming ginising kinaumagahan. Five palang ay nasa paanan na kami ng bundok. Mahaba-haba uling lakaran ang mangyayari kaya sana nga lang ay makayanan namin.

"Waaah, malayo pa ba?" tanong ni Almina. She's sweating hard, dahil dito ay wala na rin ang kanyang poise.

"Medyo malapit-lapit na po tayo, Madam," sabi ng tour guide na kasama namin ngayon.

"Nako, kanina mo pa 'yan sinasabi kuya huh! Tatadyakan na talaga kita kapag nakita kong malayo pa!"

Gusto ko sanang matawa sa himutok niya, but I'll just save my energy walking rather than rant with her. Parehas lang kami ng kalagayan ngayon pero dahil nga sa lintek na rules ni Mom, mas nahihirapan sina Kuya.

Hindi nabawasan ang laman ng bag nina Kuya, habang kami naman ni Denz ay isang gamit ang nabawas. Pero dahil nga sa hindi pwede sa akin ang mabigat, kinuha ni Denz ang ilang gamit na dala ko. Ang thoughtful talaga ng friend ko 'no.

Though marami na siyang buhat, parang ang smooth pa rin niyang maglakad. Hindi man lang halata ang pagod sa kanya, mas halata nga ang pagod sa 'kin eh.

"Guys! Tingin sa camera! Smile!" Sumulpot bigla sa harapan namin si Caevy at itinutok ang camera.

Dahil nga sa pagod ay hindi ko na alam ang naging itsura ko sa camera. Bahala na, maganda pa rin naman ako kahit haggard na.

"Tigil-tigilan mo ako Caevy ah! Baka hindi kita matantsa't maiuntog kita!"

Nauna na si Caevy habang natatawa-tawa. Yung bruhang 'yon kasi ay walang buhat kaya selfie-selfie lang ang ginagawa. Gano'n din sana ako ngayon kung wala lang rules. Hmp.

"Malapit na po tayo," sabi ulit ng tour guide.

"Kuya ha, warning. Kung hindi pa, susuntukin na kita!" banta ulit ni Almina.

"Malapit na po talaga Madam," sabi ng guide na nahintakutan ata sa sinabi ni Almina. Minsan lang kasing ma-beast mode ang isang 'to kaya nakakatakot talaga kapag nagalit na.

Kagaya nga ng sinabi ng guide, malapit na kami dahil nakikita na namin ang resort mula rito sa nilalakaran namin. Halos tatlong oras kaming umakyat para lang dito. Sana naman worth it.

Kinumusta lang namin saglit ang may-ari ng resort na kakilala ni Mommy bago umakyat sa kwarto namin.

"Haaay, sa wakas!"

Bumagsak kaagad si Almina sa kama niya pagkapasok palang namin ng kwarto. Nagpalit muna kami ng damit bago bumaba para kumain. Gutom na gutom na ako.

Gusto ko sana munang matulog pero hindi naman ako makakatulog kapag hindi ako nakakain.

"Almina, kumain daw muna tayo." Niyugyog ko ang paa niya dahil mukhang nakaidlip na ang bruha.

"Hmm."

Nagtinginan kami nina Bleindy at pare-parehas na nagsitanguan.

"WAAAAHHH!"

"Hahahahaha!"

Grabe ang tawa namin dahil sa naging reaction ni Almina. Hinila namin ni Bleindy ang paa niya nang biglaan kaya kitang-kita kung paano ang naging itsura niya. Si Caevy naman ay kinuhanan ng video ang nangyari kaya may panonoorin na naman kami nang paulit-ulit mamaya.

"Mga bruha kayo! Humanda kayo!"

Nagsilabasan kaming lahat sa kwarto at tumakbo. Pumunta ako sa dining area. Naabutan ko na naroroon na ang mga kasama namin kabilang na si Eera girl na lumipat sa kabilang kwarto dahil ayaw niya atang makasama kami. Bahala siya.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon