Maiosh Denz's POVSumisikip ang dibdib ko. Pumipintig nang malakas ang mga ugat sa kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikita siyang masaya kasama ang iba.
Ganito ba magselos? Ang hirap pala dahil parang nilalamon ka nito ng buo maging ang pag-iisip mo.
At ganoon nga ang nangyayari sa akin ngayon.
Nakita ko sila na magkasamang kumakain ngayon sa cafe. Masaya silang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.
Hindi ko dapat ito nararamdaman pero hindi ko naman ito mapigilan.
Noon ay masaya na akong nasa tabi niya ako palagi, na kaibigan lang ang turingan namin. Pero ngayon ay iba na ang nararamdaman ko.
Pinipigilan ko lang ito noon, pero ngayon ay hindi na ako mapalagay. Gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko ngayon.
Dali-dali akong naglakad sa kanila nang makitang nagtititigan lang sila doon. Hinablot ko siya patayo.
"Hiramin ko muna siya, Xander."
"Huh?" pagtataka ni Xander pero tinanguan ko lang siya. Ayoko namang maging bastos sa paningin niya nang dahil sa ginawa ko.
"W-Wait!" pagpalag ni Dane pero hinila ko na siya palabas hanggang sa nakarating na kami sa pinagtatambayan ko kanina.
Ang ganda kasi rito, nakakaginhawa. Mabuti nalang at may nakita akong ganito kagandang lugar.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Dane," mahinang tawag ko.
Kinakabahan ako. Mabilis na tumitibok ang puso ko pero hindi ko ito ipinahalata sa kanya.
Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin ang totoo kong nararamdaman.
Pero nang sasabihin ko na sana ang pakay ko ay may bigla namang sumulpot.
"Dil?" Napalingon kami ni Dane sa pinanggalingan ng boses, wala akong nagawa kung hindi ang magulat.
"T-Tito Fil?" saad ni Dane at kumawala sa pagkakahawak ko. Kung gano'n ay kilala niya ito?
Lumapit ang lalaki sa amin, "Mukhang naistorbo ko yata kayo ah?" Ngumisi siya sa akin pagkatapos ay tumingin siya kay Dane, "Ang laki mo na ah, ang tagal na rin nating hindi nagkita. At mukhang magkakatotoo talaga ang inaasahan ko nang mangyari noon pa man."
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maibuka ang bibig ko dahil sa matinding gulat. Hindi ko talaga inaasahan na dito ko pa siya makikita.
"Huh? Ano pong inaasahan?" tanong ni Dane na may himig ng pagtataka. "Hanggang ngayon ba naman Tito ay gustong-gusto mo pa rin akong nililito sa malalalim mong salita? Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago."
Napatawa naman ang lalaking sinasabi ni Dane na Tito Fil kuno, "Ikaw nga rin ay hindi pa rin nagbabago. Gano'n pa rin pala ang taste mo," sabi nito at tumingin sa 'kin.
"Ano'ng taste na naman ang sinasabi mo, Tito?"
"Taste sa—"
"Dad."
Sa wakas ay naibuka ko na rin ang bibig ko. Tumingin ito sa akin at ngumiti nang malaki, si Dane naman ay nanlalaki ang matang napalingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020