Maiosh Denz's POV
Ipinasok ko ang kotse ni Dane sa garahe. Hindi ko nga inakalang may garahe pala kami at may apat pang kotse sa loob. Malawak naman dito kaya kasya pa ang kotse ni Dane.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa katabi ko dahil kanina pa ito hindi umiimik. Wala na akong choice kung hindi ang patuluyin muna siya rito, ipapaalam ko nalang siya mamaya sa parents niya.
"Yeah," aniya sa mahinang boses na namamalat kaya lumingon ako sa kanya. Naalarma ako nang makitang masyado na itong nanginginig sa lamig.
Wala akong makitang kahit na anong telang pwede sanang pampulupot sa kanya dito sa kotse kaya dali-dali na akong lumabas at inalalayan siyang pumasok sa bahay.
Ang lamig niya, kanina pa siguro siya nandoon sa playground kung hindi lang ako dumating.
Pagpasok namin, walang tao sa sala, siguro nasa kanya-kanya silang kwarto. Pinaupo ko muna si Dane sa sofa.
"Ma?! Meian?!" tawag ko sa kanila.
"Oh? Bakit ang late mo naman atang umuwi?"
Napalingon ako kay Mama na nanggaling sa kusina. Nagulat pa siya nang makita ako kasama si Dane na basang-basa ng ulan.
Tumayo si Dane at yumuko, "Ah, hello po Tita."
"Danedria?" Lumapit siya sa amin at hinawakan si Dane sa balikat, "Bakit basang-basa kayo ng ulan? Ano pa ba ang ginagawa mo, Denz? Get a towel! Nilalamig na 'tong bisita mo oh."
Dali-dali naman akong pumunta sa banyo malapit dito at kumuha ng tuwalya. Si Mama na ang mismong nagpulupot sa kanya nito.
"Thank you po," namamaos na sabi nito.
Nag-aalala namang tumingin si mama sa kanya, "Baka magkasakit ka pa niyan. Ano ba kasing ginawa niyong dalawa at basang-basa kayo? Hindi ba't may payong ka naman, Denz?"
"Ma, pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap?"
"Okay, just borrow clothes from Meian para may pamalit siya. And you two go to shower after, magluluto lang ako ng dinner."
"Sige po," sagot ko at iniwan muna si Dane para pumunta sa kwarto ni Meian.
Kumatok ako at pumasok, hindi naman ito naka-lock.
Pagtingin ko sa kapatid ko, napabalikwas pa siya nang biglaan kaya nabitawan nito ang cellphone na nakatapat sa mukha niya. Ayun, natamaan tuloy ang mukha.
"Ouch!"
Napabunghalit ako ng tawa sa naging reaksyon niya.
"Ang sakit! Kasalanan mo 'to eh," asar na sabi nito.
"Sorry," hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko.
"So? What do you need, Kuya?"
Napaayos naman ako ng tayo dahil naalala ko kung ano ang ipinunta ko rito.
"Pahiram ng pinakamalaki mong shirt at pajama."
"And what's that for? Isusuot mo?" pang-aasar nito kaya napaismid ako.
"Para kay Dane," wika ko na ikinalaki ng mata niya.
"WHAT?" bulalas nito. "Nandito si Ate Dane?!"
"Oo, kaya akin na yung hinihingi ko. Tapos bagong underwear na rin pala."
"Nag-uwi ka ng babae!" sigaw nito na ikinangiwi ko.
"Bunganga mo supalpalan ko diyan eh," banta ko sa kanya na hindi niya binigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
