Chapter 14

42 3 0
                                    


Maiosh's POV

Mas mahirap ata ang gagawin ko ngayon kaysa ang magtrabaho sa cafe. Para akong babysitter sa gagawin kong pagbabantay kay Danedria. Haay, ano ba yan.

"Hindi ka lang pala pato, pagong ka pa. Ang bagal mo, bilisan mo nga!"

Itinulak niya ako mula sa likod, sumusunod kasi siya sa 'kin.

"Huwag mo akong sundan kung nababagalan ka. Mauna ka na kasi."

Kahit sinabi ko 'yan, alam kong susunod pa rin siya sa 'kin dahil hindi niya daw alam ang pabalik, kaya wala siyang choice kundi sumunod.

"Hindi ko nga kasi alam yung daan pabalik."

"Kung gano'n, huwag ka nang magreklamo. Mas lalo lang tayong babagal sa kadadaldal mo. Tsk."

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung pagsagot-sagot ko sa kanya. Noon, pautal-utal lang ako tapos ngayon, kaya ko nang makipagsabayan sa sagutan, lalo na kay Danedria. Siguro napuno na talaga ako kaya hindi ko na siya hinahayaang gawin ang lahat ng gusto niya.

"Tsk tsk-kin ko mukha mo, hmp. Gusto mo lang makasama ako ng matagal eh, aminin mo na, crush mo ako 'no?"

Hinawakan niya yung mga balikat ko mula sa likod at niyugyog habang naglalakad.

"Hindi. Paano ako magkakagusto sa babaeng sumisira ng araw ko?"

"Aba-aba-aba, choosy ka pa ah. Lahat kaya sila nahuhulog sa charms ko 'no."

"Hindi lahat, at isa na ako doon."

Itinigil na niya ang pagyugyog at itinutulak nalang ako.

"Che, okay lang 'no, hindi ka naman kawalan. Ayaw ko rin namang magkagusto ang isang ugly duckling na kagaya mo sa 'kin."

Makapanlait, ang sama talaga ng ugali niya.

"Ang sama talaga ng ugali mo 'no, mapanlait."

"Pati ikaw mapanlait, nilalait mo ang ugali ko. Kinampihan ka lang ni Mommy, ang lakas na ng loob mong sagut-sagutin ako. Hmp, diyan ka na nga."

Tinulak niya ako tsaka nagpapadyak na pumasok sa building. Yung babaeng yun talaga, haay. Ibang klase, isip bata.

Pumasok na lang din ako sa building, umakyat sa hagdanan hanggang fifth floor. Nadaanan ko pa si Danedria sa hagdanan papaakyat sa fifth floor, nakahawak siya sa railings ng hagdanan. Sumigaw siya.

"Hoy, hintayin mo ako!"

Hinintay ko nalang siya sa harapan ng hagdanan. Nakaakyat na ako, habang siya, papaakyat palang. Nauna pa siya sa 'kin kanina pero naunahan ko pa rin siya.

"Whooh! Ang sakit na ng paa ko. Ikaw ba, hindi ka man lang ba napagod?"

"Hindi naman masyado. Hindi ko kasi binilisan kaya hindi ako masyadong napagod."

Basa na siya ng pawis, ang bilis kasi niyang maglakad kaya mabilis ding napagod. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad papunta sa classroom. Nararamdaman kong nakasunod lang siya sa likuran ko.

Pumasok na ako, wala pa yung sunod naming teacher kaya maingay ang klase. Tumahimik sila nang pumasok ako o kami pero bumalik din sa pagiging maingay. Nagtaka nga sila kung bakit daw kami magkasama. Isang nerd at isang prinsesa, magkasama? Tsk.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon