Third Person's POVUmagang-umaga ng valentines day ay nagkukumpulan ang mga estudyante sa loob ng gymnasium. Nagaganap ngayon ang mainit na laban sa pagitan ng Swift Academy at Cronus University sa larangan ng basketball.
"Go, Cronus University! Whooh!"
"Swift Academy for the win!"
"Waaah! Ang daming pogi!"
"Caelen! We love you!"
"Dandrei, jowain mo na ako!"
Kanya-kanyang cheer ang naganap sa kanilang mga bias. Ngayon din ang unang laro ng mga varsity sa Swift Academy para sa city meet.
"Do we really need to watch the game? Ang daming tao oh!" protesta ni Dane sa kanyang mga kaibigan.
"Come on, ayaw mo bang panoorin ang bebe mo?" taas kilay na tanong ni Almina at ngumisi.
"Tsaka lahat kami ay pupunta, wala kang kasama dito sa labas. You'll just die in boredom," saad naman ni Bleindy habang may lollipop sa kanyang bibig.
"'Kay, whatever. Basta makahanap tayo ng magandang pwesto," sagot na lang niya dahil ayaw niyang mapag-isa.
Marami-rami na rin ang tao sa loob kaya nahirapan silang makahanap ng pagpe-pwestuhan.
"So, what now?" ani Dane na nababagot na sa kakalakad.
"Just use your connections," maikling sabi ni Caevy.
Napaismid na lang siya at ginawa ang sinabi. Tinawagan niya ang kanyang kapatid na inaya silang maupo sa harap na bench dahil naka-reserve na raw talaga iyon para sa kanila.
Tumungo na sila at agad umupo. Ganito talaga kapag ma-impluwensya. Maraming privilege.
Hindi pa nagsisimula ang laro ay masyado nang maingay ang gym.
Nagpa-practice muna ang mga manlalaro sa pag-shoot kaya nagpaalam muna si Dane na lalabas at pupuntang cafeteria.
Medyo nagugutom siya at nauuhaw. Nagpasama siya sa mga kaibigan pero busy sila sa pagtingin ng players sa kalabang eskwelahan. Mga bruha. Mas importante pa ang pagbubusog ng mata kaysa sa samahan siya.
Papasok na sana siya sa cafeteria nang makabunggo ang taong lalabas sana roon.
"Ouch! Watch where you're going, idiot!" singhal niya dito dahil pakiramdam niya ay napango siya sa pagtama sa matigas na dibdib ng lalaki.
"Idiot daw oh," natatawa namang asar ng kasama ng taong nakabunggo sa kanya.
"Sorry dahil nabangga kita, Miss. Pero kailangan mo ring mag-sorry sa 'kin dahil nabangga mo rin ako," nakataas ang kilay ng lalaki kaya tinaasan niya rin ito ng kilay.
Sa tingin niya ay varsity sila ng Cronus University dahil sa suot nilang uniform. Matangkad ang lalaking nakabangga niya at may itsura pero hindi siya nagpatinag.
"Meh, that's not my thing," sabi niya at nilagpasan ang dalawa.
"Ang bastos naman!" sigaw nito pero hindi na niya pinansin.
"Hoy, Caelen! Nanggugulo ka na naman," sabi ng isang boses na sa tingin niya ay babae.
"A-Aray! Crushie naman eh, namimingot ka na naman!" Huling narinig niya bago siya makalayo roon.
Crushie? Ang weird naman na pangalan 'yon.
Nagtungo siya sa counter at bumili ng makakain. Hindi na sana niya bibilhan ang mga kaibigan dahil sa pag-iwan sa kanya ng mga ito pero bumili pa rin siya para sa kanila. Napangiti siya. Isa talaga akong mabait na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020