Epilogue

49 0 0
                                    


Danedria's POV

"Well, ano po ba ang kailangan naming gawin?" tanong ni Kuya. Namromroblema kami sa kompanya kaya wala na kaming nagawa kundi ang humingi ng tulong.

Wala na si Dad kaya wala na ring magha-handle ng kompanya namin. Tsaka hindi pa nakakapag-train si Kuya kaya hindi pa niya gamay ang pagpapatakbo ng kompanya. Si Mom naman ay hindi niya forte ang business kaya hindi rin niya alam ang gagawin.

Sinabi ko ang problema namin kay Denz kaya inirekomenda nito ang kanyang tatay.

Namayapa na ang gusot sa pamilya naming dalawa kaya maayos na ang pagsasamahan namin. Alam na rin nila na kami na ni Denz. Well, it's easier to move around together when we're legal, hindi kagaya ng iba na itinatago pa ang relasyon.

"Simple lang," sabi ni Tito Fil at itinaas ang isang daliri. "Una, ipapa-handle niyo ito sa taong susunod sa pwesto ng Dad niyo, yung nasa pangalawang pwesto. Pero ang disadvantage lang nito ay siya na ang magiging may-ari ng kompanya at maaaring ibahan niya rin ang patakaran dito. Depende na lang siguro kung papayag siyang makipag-compromise na mapupunta sa 'yo ang pwesto kung kailan handa ka nang patakbuhin ito."

"Si Gilbert Raymundo ang susunod sa pwesto. Hindi pwedeng siya ang susunod na magmamay-ari ng kompanya dahil noon pa man ay inaasam-asam na nito ang pwesto," pahayag ni Mom na umiling.

Tahimik lang ako sa tabi dahil hindi ko naman alam ang gagawin. Narito rin si Denz sa tabi ko ngayon para damayan ako.

"May isa pa namang option, ito ay ang maghanap kayo ng taong inclined sa business na pinagkakatiwalaan niyo para ma-handle ang kompanya niyo temporarily."

"Most of our relatives were inclined to business pero sakim naman sila. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko sila rito," naiiling na sabi naman ni Kuya.

I agree with him. Ang iba kasi naming kamag-anak ay naiinggit sa kung ano ang mero'n kami. We owned a school and a company na sikat na sikat sa buong bansa. Kaya mahirap talagang pagkatiwalaan ang iba naming mga kamag-anak.

"So? Ano na ang gagawin niyo?" tanong ulit ni Tito Fil na nakapagpatahimik sa amin.

Napahilamos ng mukha si Kuya, "Hindi ko na alam."

"Well, I can help," he suggested that made us look at him. He smirked, "I can handle it temporarily and will train you as well. My company can invest para mas mapalago ang sa inyo. It's a win-win situation, maaari tayong magtulungan."

"Sandali lang," pigil ni Mom, nakakunot ang noo. "Hindi ba't matagal nang wala ang kompanya ninyo? It disappeared when you went away. How are we suppose to benefit with your so called company?"

Tito Fil's grin grew bigger, "Hindi ibig sabihing nawala kami ay nawala na rin ang kompanya namin. Itinago lang namin ito sa madla."

"And how is that?" Mom asked with confusion. Ngayon ay pare-parehas na kami ng reaksyon.

He crossed his arms on his chest and sat comfortably, "Connections, of course."

Napakunot ang mga noo namin nang may kinalikot siya sa cellphone niya bago binuksan ang TV.

"Mr. Deistone, we are not here to watch television," mariin na sabi ni Mom, mukhang naiinis na sa pasikot-sikot ni Tito Fil. "We are facing—"

"Sshh," putol nito na seryoso na. "Just watch."

Nagtataka man ay sinunod na lang namin ang sinabi niya. Eksakto namang breaking news ang ipinakita.

"Breaking news mga kaibigan! Sa loob ng ilang taon, ngayon lang nagpakilala ang nagmamay-ari ng D Group of Companies, ang pinakakilalang kompanya sa bansa at pati na rin sa buong mundo! Siya ay walang iba kung hindi si Denvis Raymond Deistone, ang may-ari ng Deistone Corporation na bigla na lamang nawala. Ilang taon na walang balita sa kanya ngunit ngayon nga ay isang nakakagulat na pangyayari ang bigla niyang pagbabalik sa industriya..."

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon