Maiosh Denz's POV"Huy! Nakatunganga ka na naman, baka mapagalitan ka ni coach."
Iniling ko ang ulo ko at nag-focus sa pagte-training.
"Dan, may sasabihin ako. Huwag ka sanang magagalit," sabi ko habang sabay kaming tumatakbo.
"Na ano? Na nililigawan mo ang kapatid ko?" paniniguro niya at nang-aasar akong tinignan.
Nagulat ako na alam niya kaya napahinto ako sa pagtakbo. Huminto rin siya at hinila ako sa gilid para hindi kami maging sagabal sa pag-eensayo ng iba.
Napalunok ako. Galit ba siya? Tutol ba siya? Hindi ko maiwasang kabahan.
"P-Paano mo nalaman?"
Inakbayan niya ako, "Ano ka ba naman, ang dense mo. Siyempre may mga mata kami para makita kung ano ang mero'n sa inyo ng kapatid ko. Halos lahat na ata ay alam kung ano ang nangyayari sa inyo eh."
Napakamot ako sa ilong ko. Masyado ba akong walang pake para hindi malaman ang mga nangyayari sa paligid ko?
"Halata ba talaga?"
"Oo, halatang-halata. Parang hindi na nga kayo mapaghiwalay eh." Natawa siya at napailing-iling, "Namumula ka, bro."
"Mainit lang, katatapos lang kaya nating tumakbo, normal lang 'to 'no."
Sinuntok niya nang mahina ang balikat ko, "Defensive mo naman, parehas lang kayo ni Dane."
"Hindi ka ba galit na ngayon ko lang sinabi sa 'yo na nililigawan ko ang kapatid mo?"
"Nah. Hindi naman ako mababaw. Tsaka kilala naman kita at alam ko namang may gusto ka na kay Dane noon pa. Ang mahalaga ay 'wag mo siyang sasaktan, kung hindi ay ako talaga ang makakalaban mo."
Nagulat pa ako sa sinabi niya pero seryoso akong tumingin sa kanya, "Hindi ko 'yon gagawin."
"May tiwala ako sa 'yo. Make my sister happy, Denz." Ngumiti siya, "'Geh, practice na tayo. Kahit naman na ako ang captain eh hindi ako tino-tolerate ni coach."
Hindi ko alam kung ako lang 'to pero parang may kakaiba sa awra ni Dan ngayon. Pati si Dane ay gano'n din, may nangyari ba ulit sa bahay nila?
Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa pagpa-practice. Imagination ko lang siguro 'yon.
Paghahandaan ko nalang muna ngayon ang paghingi ng permiso sa mga magulang ni Dane na liligawan ko siya.
**********
Cafe de Swifthon, ngayon nalang ulit ako nakapunta rito mula noong umalis ako sa pagwe-waiter dito.
Ang ganda talaga ng ambiance, cozy sa pakiramdam ang atmosphere kahit na hindi ito high-end na cafe. Nakaka-relax pa rin dito kahit nasa loob lang ito ng akademya.
Ang ganda na sana ng mood kaso parang wala naman sa sarili ang kasama ko. Lumilipad na naman ang isip niya.
Mga favorite pa naman niya ang in-order ko, sayang kapag hindi niya ito kakainin. Tsaka hindi na masarap kapag lumamig na.
"Dane," tawag ko pero walang effect. "Ny," pagpapapansin ko ulit pero wala talaga.
Limang araw na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit ang klase pero ganito pa rin siya hanggang ngayon. Ayaw naman niya sabihin ang problema dahil naiiyak daw siya kapag naaalala iyon.
Kaya dinala ko siya rito para malayo naman kahit papaano ang isip niya mula sa problema, pero kabaliktaran ata ang nangyayari, hindi niya pa rin ito maalis sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020