Third Person's POVPumasok na sina Dane at Almina sa kanilang klase. Pagkaupo ni Dane sa kanyang upuan ay agad siyang umubob.
Nasa third row at second column na ang kanyang upuan ngayon. Malapit sa teacher's table.
Nag-change seats na kasi sila mula pa noong second week ng January. Sa araw na hindi na pumasok si Denz. Mabuti nga at hindi pa ito na-eexpel sa pag-aabsent.
Hindi niya malaman kung bakit pero parang pagod na pagod siya. Gusto na niya kaagad umuwi at huwag nang pumasok sa kanilang afternoon classes. Pero hindi niya iyon nagawa dahil nahila na siya kanina ni Almina papasok.
Sa hindi niya malamang dahilan, biglang umugong ang ingay sa kanilang classroom. Nairita siya dahil sinusubukan niyang magpahinga pero ang iingay ng kanyang mga kaklase.
"Bakit ngayon nalang ulit siya pumasok?"
"Dunno."
"Parang nag-iba siya ng slight."
"Oo nga."
"Uhm, saan pala ako uupo?"
Nang marinig niya ang isang pamilyar na boses ay kaagad siyang nag-angat ng tingin.
Nakita niya si Denz sa may pinto. Nagtama ang kanilang mata kaya ngumiti ito sa kanya. Siya naman ay nag-iwas ng tingin.
Hindi niya ito masyadong naaninag kahapon kaya hindi niya nakita ang pagbabago nito. Ngayon niya lang nakita na medyo lumaki ang katawan nito at mas tumangkad pa. Gulo-gulo ang buhok at nakasuot na naman ng salamin, pero yung maliit lang.
Kahit na ganoon ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nito. Mas naging mature nga ito sa paningin ni Dane ngayon.
Nagulat naman siya nang biglang dumilim ang paningin niya. 'Yon pala ay may tumakip lang sa kanyang mga mata.
"Guess who~"
**********
Maagang pumasok sa eskwelahan si Denz. Alas-sais palang ay nando'n na siya at nagsimulang maglinis.
Ito ang naging parusa niya sa pag-absent sa mga trainings nila. Dalawang linggong paglilinis. Kung alam niya lang na ito ang aabutin niya ay sana hindi na lamang siya sumali sa varsity.
Naglinis lang ang ginawa niya hanggang sa malapit na'ng mag-time.
Kinuha na niya ang bag at akmang aalis na nang may pumigil sa kanya.
"At saan ka pupunta?" tanong ni Dandrei na kararating lang kasama ang kanilang coach.
"Pupunta na sana sa classroom. Nalinis ko naman na ang buong gym kaya pwede na siguro akong umalis," sagot naman niya at inayos ang salamin.
Naisipan niyang suotin itong muli dahil sumasakit paminsan-minsan ang kanyang mga mata kapag nagko-contact lens.
Mapaglarong napangisi si Dan sa kanya. Lumapit ito at inakbayan siya, "Siyempre hindi pa natatapos doon ang parusa mo. Kailangan mo munang maka-100 laps habang nagdi-dribble, 100 free throws, 2 pointers, at saka 3 pointers. Si coach na ang bahala sa 'yo, imo-monitor ka niya kapag free time niya."
Naguguluhan siyang tumingin dito, "Tig-100 lahat?"
"Yep," saad nito na parang wala lang.
"Pero paano ang klase ko?"
"Ipinaalam ka na namin. Tsaka kaya mo namang pagsabayin ang studies tsaka extracurricular activities eh. Sige, maiwan na kita."
Akmang aalis na ito nang tinawag niya ang kaibigan. Tumigil ito pero hindi na lumingon.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020