Brenton Gali Guillero's POV"Hi, Gali!"
I sighed when this irritating woman just popped up like a mushroom out of nowhere. She sat across me and stared at me while I'm doing my research.
She's been annoying me since we've met. Palagi niya na lang akong ginugulo kapag nakikita niya ako. Hindi ko nga alam kung paano nakakatagal si Eera na maging kaibigan ang isang 'to. Hindi kasi siya nakikipagkaibigan sa isang maarte at nakakairitang tao, pero ngayon ay parang nag-click pa ang dalawa dahil sa kalokohan.
At first, I thought that we could get along with each other well because I like her personality. Modest, decent, and a fine woman. Pero habang tumatagal, pakulit siya nang pakulit hanggang sa nakakairita na.
At pati rito sa college library ay pumupunta pa siya para manggulo.
"Wow. Hello? Nandito rin ako oh, hindi mo ba ako babatiin?" sarkastikong pagpukaw ni Eera sa kaibigan. Katabi ko siya ngayon habang nagbabasa ng kanyang notes.
"Well, hello there E," simple nitong bati na hindi man lang binalingan ng tingin si Eera. Nakatutok lang talaga ang mata niya sa 'kin, staring shamelessly at me.
Kumunot lang ang noo ko at hindi na siya pinansin. Masyado akong busy para pansinin pa ang presensiya niya.
This is my last year in college, kaya mas nape-pressure ako sa pag-aaral. I have been doing my best para makapasa. Ayoko kasing ma-disappoint ang family ko dahil inaasahan nila na ako ang nararapat na mamahala ng kompanya namin.
"Matunaw 'yan, Almina."
"Edi mabuti, para mapansin niya ang nag-aalab kong pagtingin."
"Baliw 'to."
"Yeah, crazy for him."
"Eeww, nawala na talaga ng tuluyan ang utak mo ano? Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? Me, as his best friend, can't even see what's good in him."
"Well, kung ako ang tatanungin, he's really—"
Napahinga ako nang malalim at napainat. Finally! Tapos ko na!
Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko, "I'll head out first. Ipapasa ko pa 'tong report sa prof ko."
Nagpaalam na ako sa kanila. Bago ako makaalis ay nagkatinginan pa kami ni Almina. She has these expressive eyes that I can't comprehend. Maraming sinasabi pero hindi ko naman maintindihan. Parang napakalalim na mahirap halukayin.
"You were in grade 12 now, Almina. Until now, hindi mo pa rin talaga alam ang gusto mo?"
Eera scolded her when we visited her friends at the high school cafeteria. First year college na si Eera kaya hiwa-hiwalay na sila. At ayoko sanang sumama dito pero mapilit itong best friend ko kaya sumunod na lang din ako.
"Unfortunately," sabi niya nang may alanganing ngiti.
"Nahihiya lang si A na sabihing pagiging clown talaga ang gusto niya," sabi ni Dane na isa sa mga kaibigan nila.
"Pero ang pinakagusto niya talaga ay maging bold star," sabi naman ni Bleindy na ikinatawa nila. Napansin kong napangiti rin ang boyfriend ni Dane na si Denz. All I can say with this two is that, they are really suited with each other. Bagay sila.
"Tumigil nga kayo! Huwag niyo akong pangunahan, ang gusto ko talaga ay maging alipin ng isang prinsipe," biro naman ni Almina.
Napailing nalang ako. How does these girls' brains even work? Parang magkakaparehas sila ng isip pagdating sa kalokohan. Just, wow.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020