Maiosh Denz's POV
"DAD!"
Napatulala ako sa pangyayaring nasasaksihan ko sa harapan ko ngayon.
Pasko ngayon, at malapit na mag-twelve nang bigla siyang dumating.
Niyakap siya ni Meian. "Welcome home, Dad."
"Na-miss kita bulilit, pero mas na-miss ko si binibini." Humarap si Dad kay Mama at niyakap ito nang mahigpit.
Si Mama naman ay sumubsob kay Dad at parang ayaw nang bumitaw. Ngayon ko lang nakita si Mama ng ganito, yung hinahayaan niya lang na dumaloy ang nararamdaman niya. Mukhang miss na miss niya talaga si Dad.
"Yieeehh, ang sweet naman. Pero Dad, pinaiyak mo ata si Mama oh," puna ni Meian nang mapansing gumagalaw ang mga balikat ni Mama.
"Sabing Mom ang itawag mo sa kanya eh," sabi niya kay Meian, pagkatapos ay malamyos na tumingin ulit kay Mama. Ngumiti siya at hinaplos ang buhok nito, "Sshhh, tahan na. Hindi na ako aalis, okay? Huwag kang mag-alala, promise, matatapos na ang lahat, malapit na."
Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanila dahil nakikita ko talagang mahal na mahal nila ang isa't isa. Nagse-sway sway sila na parang sumasayaw at parang hinihele ni Dad si Mama na parang bata.
Ganito ba ang itsura ng mga taong nagmamahal? Kung gano'n ay gusto ko rin itong maranasan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana ay maging ganito rin kami ni Dane sa hinaharap.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? Hindi mo ba ako iwe-welcome, Denz?" tawag niya sa 'kin.
Kahit na matagal kaming hindi nagkasama ay hindi ako kailanman nakaramdam ng pagkailang sa kanya. Mas matimbang nga ang pagkasabik kaya hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya.
"Merry Christmas, Papa."
"Sabing Dad ang itawag mo sa 'kin eh!" Natawa nalang ako dahil alam kong gano'n ang magiging reaksiyon niya.
Ngayong pasko, ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Masaya at buong pamilya.
__________________________________________________
Dandrei's POV
Kung hindi lang para kina Mom at Dane ay hindi ako makikisabay na kumain sa hapag namin ngayon.
Paskong pasko ay naiinis ako sa presensya niya.
"Let's eat," sabi niya, may gana pa siyang ngumiti. Nakakaasar lang.
Nagsimula na kaming kumain pero wala ni isa ang nagsalita. Tahimik lang kami at tanging mga kalansing lamang ng kutsara't tinidor ang naririnig sa bawat sulok ng dining area.
Sa pagkakaalam ko, ang pasko ay isang selebrasyon para mapagtibay ang koneksiyon ng bawat miyembro ng pamilya. Nararamdaman dito ang ispirito ng pagkakaisa. Pero wala, wala akong maramdaman. I can't feel the spirit of Christmas at all.
Magpapatuloy pa sana ang katahimikan kung hindi niya lang ito binasag.
"Hindi pala ako makakauwi sa New Year. May tatapusin akong project sa Palawan."
Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Na-realized ko na dahil kay Dad ay hindi na kami nakakagalaw ng maayos kagaya ng dati. Parang may bigla na lamang lumitaw na barrier at kinubong kami para maging limitado nalang ang kaya naming gawin.
"A-Ah, sige. If it's for the compa—"
Nagitla silang lahat nang malakas kong inilapag ang mga hawak kong kubyertos.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
