Maiosh Denz's POVPagkatapos ng tryout, umuwi na agad ako para magpahinga. Hindi na muna ako pumasok sa trabaho dahil ayaw ko namang ma-over fatigue. Nakakapagod. At bukas pa naman daw malalaman ang mga nakapasok sa final screening. Oo, may final screening pa na gaganapin sa biyernes kaya kailangan ko daw mag-practice ng maigi sabi ni Dandrei para makapasok.
Pagpasok ko naman sa bahay, nabungaran ko si mama na nakaupo sa sofa katabi si Meian na naka-uniform pa. Mukhang kakauwi lang din ng isang 'to.
"Ma, ang aga mo ata ngayon?" tanong ko at sinara ang pinto.
"We have something important to talk about."
Napakunot ang noo ko dahil doon, "Ano po ba 'yon? Sasabihin niyo na ba ngayon ang mga kababalaghang nangyayari sa akin?" Umupo ako sa pang-isahang upuan at sumandal.
"No, it's about your different works," sagot nito na may seryosong tono.
"What about it?" Napa-English na rin ako dahil sa kaka-English ni mama. Aish.
"Kailangan mo ng mag-resign sa lahat ng pinagtatrabahuan mo."
"ANO?! Bakit naman ma?!" Napaayos ako ng upo dahil sa gulat. Bakit naman naisip ni mama na paalisin ako sa trabo? 'Yon na nga lang ang pinagkakaabalahan ko at paraan para na rin sa pangtustos ng pag-aaral namin.
"I'm concern about your welfare, Denz. Ayokong mapahamak ka kaya ko sinasabi ngayon sa 'yo 'to. Alam kong maraming nagmamanman sa mga ikinikilos mo sa mga lugar na pinagtatrabahuan mo. Bawat lugar na pinupuntahan mo ay may isa o ilan ang nagmamanman sa 'yo. Hindi man halata, pero baka isa na sila sa mga katrabaho mo ngayon."
Ang dami kong gustong itanong, bawat salita na sinasabi ni mama ay nadadagdagan pa ang mga katanungang umiikot sa isip ko. "Paano mo nalaman ang mga iyon, ma?"
"Tinitignan lang natin ang bawat posibilidad, Denz. And as for where the informations came from, siguro kailangan mo nang malaman." Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng seryoso, mata sa mata, "I'm part of an agency that takes down certain organizations that lead people to a wrong direction. In short, hindi talaga ako nagtatrabaho sa Wilthon's Corporation, isa akong agent na nagtatrabaho sa isang sikretong agency, ang Regala Welfare Agency."
Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Napakurap ako, natulala, at nanlamig. Isang agent ang nanay ko. Kung gano'n ay sa kanya siguro namin natutunan ang estilo sa mga pakikipaglaban.
Pero habang lumulutang ang isip ko, napansin kong umiling si mama.
"No, I'm not the one who taught you how to fight, if that's what you're thinking. Ang dad niyo halos ang nagturo sa inyo lahat ng alam niyo ngayon," sabi ni mama at ngumiti.
"Wala akong maalala tungkol sa kanya o sa mga naituro niya sa akin noon. Gusto ko mang maalala pero hindi ko naman mapilit ang sariling mag-isip ng malalim para maibalik na ang alaala ko."
Lumungkot ang mga mata ni mama, "Huwag mong pilitin ang sarili mo na mag-isip, Denz. I'm sure babalik din ang alaala mo in time, just be patient, okay?"
"Opo," sabi ko at tumango. "Pero bakit niyo inilihim sa akin ang pagiging agent mo, ma?"
"Sensitive kasi ang pag-iisip mo noong bumalik ang ulirat mo mula sa pagkaka-comatose. Hindi mo siguro naaalala pero nang marinig mo lang ang ilan sa mga nangyari noong nakaraan ay sumakit ng husto ang ulo mo. Hindi namin kinayang makita ka sa ganoong kundisyon kaya hindi na muna namin sinabi sa iyo ang lahat. Nararapat na unti-untihan nalang muna natin ito sa ngayon."
Marami pa mang katanungan ang umiikot sa isipan ko ngayon ay nagpapasalamat ako, at least nasagot na ang ilan sa mga katanungan ko.
"Ma, hindi mo ba sasabihin kay kuya ang tungkol kay dad?" Napaangat ako ng tingin sa kapatid ko nang nagtanong siya tungkol sa tatay namin. Wala akong masyadong alam sa kanya kundi ang sinabi nilang in-ambush siya five years ago na dahilan ng pagkamatay niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020