Third Person's POV"Happy birthday, Daezen!"
Nagkakasiyahan ang lahat dahil sa ika-anim na kaarawan ng batang si Daezen. Naglaro silang mga bata habang ang mga matatanda nama'y abala sa pakikipagkamustahan sa isa't isa.
Nakita naman ng batang si Albrent si Daezen na pumuslit paalis sa kumpulan ng mga batang nagkakasiyahan. Sinundan niya ito at nakita niyang umupo ito sa lamesang nakalaan sa kanilang pamilya. Namataan niya ang pagkuha nito ng tablet at pagkalikot niyon.
Nayayamot ulit ang bata, isip niya dahil alam niyang hindi ito nakakatagal sa maraming tao.
"Daezen baby, bakit nandito ka? Your friends are playing over there oh?" narinig niyang tanong ng mommy ni Daezen.
Umiling ito habang hindi nag-aangat ng tingin, "Ayoko, Mommy. Nakakabagot."
"Haay, kukuhanan na lang kita ng pagkain." Tumalikod ang mommy nito pero napatigil nang mamataan siya. Ngumiti ito, "Oh, Albrent! Pwedeng samahan mo muna ang anak ko? Papasok lang ako sa bahay."
Tumango siya at ngumiti, "Yes po, Tita."
Umalis na ito kaya lumapit na siya kay Daezen.
"Dae Dae, tignan mo 'to oh." Ipinakita ni Albrent ang hintuturo niya sa batang babae na nakaharap sa tablet nito.
Tumingin naman ito at tinarayan siya, "Ano namang mero'n diyan?"
Ngumisi siya at ipinahid sa ilong ni Daezen ang icing na kanina pa nakahanda sa kabilang kamay niya. Natawa siya dahil sa naging itsura nito.
"MOMMYYY!" sigaw nito na malapit nang umiyak kaya nagtatakbo bigla ang mommy nito na may hawak pang cake.
Ang kanina namang natatawang si Albrent ay biglang na-guilty at tumulong na rin sa pagpapatahan sa bata.
"S-sorry na Dae Dae, tahan na—oh!"
Hindi inaasahan ni Albrent na papahidan din siya ni Daezen ng icing mula sa cake na hawak ng kanyang mommy. Nangisi naman siya at kumuha na rin ng icing.
"Ganyan pala ang gusto mo ah. Humanda ka Dae Dae."
"Bleh, hindi mo ako mahahabol."
Nagtakbuhan na ang dalawang bata hanggang sa maging ang iba ay nakisali na rin sa pagbabatuhan nila ng icing.
Natatawa na lang ang kanilang mga magulang habang pinapanood ang mga anak nilang nagkakasiyahan.
Napalingon naman ang mommy ni Daezen nang mamataan ang asawa. Ngumiti siya at lumapit.
"Denz!" tawag niya at hinalikan ito sa pisngi. Kagagaling lang nito sa isang cake shop para bumili pa ng mga cake.
"Bakit parang ang gulo naman dito? Nasa'n ang anak natin?" tanong ni Denz at hinapit siya sa bewang.
"Ayun, nagbabatuhan ng cake. Ang dami nang nasayang na pagkain tsaka ang dami na naman nating lilinisin."
Natawa ito ng bahagya at hinila siya sa kanilang anak na nakikipagkulitan pa rin kay Albrent.
"Daddy!" Napukaw ang atensyon nito at nagpakarga sa ama. Napailing-iling na lamang si Dane dahil daddy's girl ang anak at nagmana pa ng ugali rito.
"Albrent! Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?" tanong nang papalapit na si Almina at hinila ang anak para matitigan ito. "Ang dumi at ang lagkit mo na."
Bumitaw ang anak nito at tinuro si Daezen, "Wala po akong ginawa, Mommy. Naglaro lang kami ni Daezen."
"But I'm sure that you're the one who started it," panunuri ni Almina kaya napanguso na lamang ang anak.
"Nagmana kasi sa 'yo kaya ganyan," sambit naman ni Brent, asawa ni Almina, na papalapit sa kanila.
"Eh, anong magagawa ko? Anak ko eh," nangingiting ani nito at niyakap ang anak, hindi alintana ang kadungisan nito dahil magkapitbahay lang naman sila nina Dane. Madali lang silang makakapagpalit ng damit.
"Daddy, baba mo na ako. Magpe-play muna kami ni Albrent," puna ni Daezen kaya ibinaba na ito ni Denz.
"Dae Dae, laro muna tayo kina Jaevy at Bleizer!" Hinila ni Albrent si Daezen papunta sa anak nina Bleindy at Caevy.
"Sa tingin ko, magkakatuluyan ang dalawang 'yon," puna ni Almina na nagpakunot sa kanilang lahat.
"Masyado pang bata para diyan ang anak ko, A," sagot ni Dane at sinamaan ito ng tingin.
"What? Naisip ko lang naman eh, kasi laging magkasama yung dalawa."
Napailing na lang si Dane at tinignan ulit ang kanyang anak na masayang naglalaro kasama ang mga anak ng kaibigan niya.
Si Daezen ay bipolar, papalit-palit ng mood kagaya niya. Kamukha niya ang bata pero nakuha naman nito sa ama ang kaseryosohan at katalinuhan nito.
But nevertheless, mahal na mahal niya ito dahil ito ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Denz.
After many years na magkasama sila ni Denz ay maraming nagbago. Kahit na maraming problema ang pinagdaanan nila ay nakayanan pa rin nila itong lagpasan ng magkasama. Walang sumuko hanggang sa nagpakasal sila at nagkaroon na ng anak. They succeeded and became happy in the end.
Gano'n din ang mga kaibigan niyang sina Almina, Bleindy, Caevy, at Eera na may sirili na ring mga pamilya. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin napipigtas ang kanilang pagkakaibigan. Hanggang ngayon ay buo pa rin sila at paminsan-minsan pa ring nagkakasama at nagba-bonding.
They have already found true happiness with each other and with their own family. It's now time for their children to find happiness through the person they will truly love in the future.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020