Maiosh Denz's POV
"Denz, musta? Nag-practice ka ba?" Umupo sa tabi ko si Dandrei kasunod si Xander.
"Hindi eh—"
"Kuya! Nandito ka na naman," sabat ni Danedria na kausap ang kapatid niya. Pinaggigitnahan ako ng dalawang 'to habang nagbabangayan.
"Eh ano naman? May masama ba do'n?"
"Ang gulo-gulo mo kaya."
"Hindi naman ako nanggugulo ah."
Medyo nao-awkward ako sa pinaggagagawa ng dalawa pero nanatili akong tahimik. Nagsisigawan ba naman sila sa magkabilang gilid ko.
"Pwede ba, tumigil na kayong magkapatid? Para kayong mga bata," nagsalita na rin si Xander na kanina pa nanonood ng mala-soccer game na eksena ng dalawa.
"Hindi ako nandito para sa 'yo, nandito ako dahil kay Denz."
"At ano na naman ang kailangan mo sa kanya?" sabat na naman ni Danedria habang nakataas ang kilay.
"Bakit ikaw ang nagrereklamo? Hindi naman ikaw ang pakay ko ah."
Hindi na sumagot pa si Danedria, bagkus ay sumimangot pa ito kaya bumaling na sa akin si Dandrei. "So, nakapag-practice ka na ba?"
"Hindi," maikli kong saad at umiling.
"Ano?! Pero kailangan mo no'n para makapasok," bulalas ni niya.
"Hindi na kailangan. Kung makakapasok man ako, edi sige lang. Kung hindi naman, okay lang, nakita ko namang marami ang mas magaling sa akin na players."
Tinapik niya ako sa balikat, "Ano ka ba naman Denz, we know that you are great. Kung gusto mo, mag-practice tayo mamayang lunch para sure na makakapasok ka."
"Sa tingin ko'y magiging pandaraya na 'yon. Unfair sa iba na nagpa-practice ako kasama ang mga varsity."
Tinitigan niya ako at bumuntong hininga siya pagkatapos,"Okay, I'll respect your decision. Galingan mo mamaya ha, ilabas mo ang galing mo."
Pagkatapos no'n, tumayo na sila at umalis. Hindi ko alam kung bakit ba gusto niya akong makapasok sa varsity.
**********
"3 points for the newcomers! Number 10, Danger is on fire! Beware of Danger, ika nga nila. Magaling ang ipinapakita ni number 10 sa larong ito mga kaibigan."
Nasa third quarter na ang laro, 40|47 ang score. Siyempre, ang varsity ang lamang. Ginawang isang buong laro ang screening, every year level ang makikipaglaro sa varsity pero kami ang naunang nakipaglaban dahil ngayon naka-schedule ang laro namin. Next week naman ang mga nasa junior high.
Pumasok din si Dandrei sa larong ito, pati na rin ang kaklase kong si Jhuro. Hindi ko inaasahang varsity player din ang playboy na 'to.
Gusto sana akong bantayan ni Dandrei pero si Jhuro ang palaging bumubuntot sa akin. Alam kong palagi siyang naiinis sa akin sa hindi ko malamang dahilan, palagi niya nga akong binabangga sa laro eh.
Nang ipinasa ng kasama ko ang bola sa akin, hindi ko ito nakuha dahil sa higpit ng pagbabantay ni Jhuro. Agad ko naman itong hinabol para hindi ito tuluyang mapunta sa labas ng court.
Maaabot ko na sana pero bigla na naman akong binangga ni Jhuro. Malakas ito, buong pwersa ata ang ginamit niya sa pagbangga sa akin na pati siya ay natumba rin kagaya ko.
"Argh!" napahiyaw ako pagbagsak ko, ang sakit ng pagkakatama ko. Padapa akong sumalpak sa semento habang siya'y patagilid na nakadagan sa akin. Nakadagdag pa ang bigat niya sa sakit na naidulot ng pagbagsak ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Novela JuvenilMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
