Five

2.2K 123 3
                                    

Maine's POV





Hawak ko ang dibdib habang nakasandal sa pintuan ng kitchen. Damn! Sa dinami dami naman ng restaurant na pwede nilang puntahan, bakit dito pa? Gusto ko na yatang maniwala na maliit talaga ang mundo.


"Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Bakla ka." Sita sa akin ni Kath. Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Hawak ko pa din ang dibdib ko at rinig na rinig ko ang pagkalabog ng puso ko.



"Wala. Napagod lang ako talaga. Nasaan na yung order dun sa table 5. Kailangan na." Pag iiba ko na lang ng usapan para lang mawala na din sa isip ko ang kaba na nararamdaman ko. Okay Maine. Breath. Kakain lang sila. Siguro naman hindi siya gagawa ng eksena dito.



"Ready na yung order ng table 5. Dalhin mo na dun." Inabot sa akin ni Nadz yung tray. Nanginginig yata ang kamay ko na kuhanin yun. Pero syempre hindi ko pinahalata yun sa kanila. Ayoko ulanin ng katanungan.



Naglakad ako ng dahan dahan. Bilib din naman ako sa tyan ng tatlong to. Ang dami nilang inorder. Ganyan talaga pag madaming pera. Balewala lang sa kanila.




"Here's your meal, Sir. Enjoy po." Tipid na sabi ko sa kanila matapos ilapag yung order nila. Yung dalawang lalake na kasama niya ay parang nakangiti sa akin o guni guni ko lang. Pero siya, ramdam ko na sa akin siya nakatingin talaga at hindi ko kayang salubungin yun. Parang hinuhubaran niya ako.



"Mauna na po ako." Paalam ko sa kanila at mabilis na lumakad palayo. Pero hindi pa man ako nakakarating sa unahan ay bigla na naman niya akong tinawag.



"Miss." Gusto kong himatayin ng mapalingon ako at nakita ko siyang nasa likuran ko na. Nakangiti siya sa akin ng ubod ng tamis. Ang gwapo pala niya talaga. At kung hindi ako nagkakamali ay may pasa ang mukha niya. Malamang ay dahil yun sa pagkakasapak ko sa kanya kagabi.



"Bakit po?" Malumanay na sagot ko kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam kong nakatingin na din sa akin ang ibang staffs. Pati sila Nadz at Kath. Lagot na naman ako mamaya sa kanila. Malamang uulanin na naman ako ng tanong nila.




"Wala lang. Gusto ko lang sanang maningil. Ang sakit kasi ng panga ko." Nakangising tugon niya bagay na nagpainit ng magkabilang pisngi ko. Ano bang ginagawa niya?!



"Sir. May trabaho po ako. Hindi po ako pwedeng makipag usap sa inyo." Nagmamadali akong tinalikuran siya pero naramdaman ko na lang ang paghigit niya sa braso ko dahilan para mapaharap akong muli sa kanya at walang pasintabing hinalikan na naman ako. Ramdam ko na napakurap ako sa ginawa niyang yun.



"Now we're even. Nakadalawang sapak ka saken. Nakadalawang halik din ako sayo." Bulong pa niya sa akin kaya nagtayuan lahat ng balahibo ko. Namalayan ko na lang na nakatalikod na siya sa akin at prenteng bumalik na sa upuan kasama ang mga kaibigan niya.



At hindi nakaligtas sa paningin ko na nagtawanan sila. Parang nanliit naman ang tingin ko sa sarili ko. Ang baba. Pakiramdam ko hindi ako naiiba sa mga babaeng nakakasama namin sa bar gabi gabi. Yung mga nakiki-table at nagpapalabas sa mga customers. At hindi ko alam kung bakit may parte ng puso ko ang kumirot dahil sa pinagtawanan niya ako.


Nag unahan ng umagos ang luha sa mga mata ko kaya't nagmamadali akong lumabas. Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga nakakita?



"Maine. Uminom ka na muna ng tubig." Alok sa akin ni Nadz. Bakas sa mukha nila Kath ang pag alala. Tipid akong ngumiti at tinanggap yun. Sinabi ko na din lahat sa kanila ang pangyayari kagabi. At katulad ko ay nang gigil din sila.




"Tama lang pala na sinapak mo siya! Yun lang ang hirap e. Akala nila mga prosti din tayo porket doon tayo nagtatarabaho. Pero wala naman tayong magagawa. Hindi natin hawak ang isip nila. Basta hayaan mo na lang. Sa susunod na halikan ka pa niya ulit. Wag ka ng umiyak pa. Sapakin mo ulit tapos nagreklamo ka na." Gitil na gitil na sabi Nadz. Nagpasalamat ako sa kanila dahil gumaan ang pakiramdam ko. Bumalik na din ako sa trabaho at hindi ko na sila tinignan pa.










Alden's POV





"Dre. Umiyak yung babae." Ang kaninang natatawang si DJ ay biglang naging seryoso. At hindi nga ako nagkamali. Pagtingin ko sa kanya ay nakayuko siya tapos pulang pula yung ilong niya. Umiyak nga siya talaga.



"Tsk tsk. Wrong move. Sabi ko naman sayo. Kung gusto mo gumanti, sa bar mo gawin. Wag dito. Hindi mo na naisip na may ibang tao din dito na hindi alam ang issue niyo." Si James naman. Mga gagong to. Kanina lang natawa sila sa ginawa ko tapos ngayon kung mangaral akala mo hindi din sila nagpapaiyak ng babae.



May kung anong guilt akong naramdaman sa ginawa kong yun. Lalo na nakita kong nagpupunas siya ng ilong. Tapos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Mali ba talaga ako?



"Letse! Kanina lang ang lakas pa ng tawa niyo! Tapos ngayon ganyan na kayo!" Pagsusungit ko sa kanila.



"Kasi dre napansin mo ba? Hindi siya sanay sa ganun. Kahit pa sa bar siya nagtatrabaho. Kung sa ibang babae ay pwede yung ginagawa mo, tingin ko kanya hindi. Isipin mo sinapak ka na nga. Tsk tsk. Kawawang babae. Baka matanggal pa yun dito." Anang ni DJ at napaisip naman ako dun. Napalingon ako sa kanya at namumula din pala ang mata niya. She did cry so hard.





"If I were you. I will apologize. Hindi lahat ng babae pare pareho dre. Pero ang masasabi ko lang. Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo." Tumawang muli ang dalawang kaibigan ko at sinamaan ko naman sila ng tingin.



Binalewala ko na lang ang nararamdaman kong guilt at pinilit na wag na siyang lingunin. Kasalanan naman niya e. Kung nagpahalik na lang sana siya sa akin. Edi okay kami ngayon. But I have to admit one thing. She's really beautiful and naive.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon