Seven

2.3K 105 2
                                    

Alden's POV





T*ngina! Hindi siya interesado sa akin! Walang epekto ang mga halik ko sa kanya! Gusto kong magwala dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko! Nahalikan ko nga siya pero parang mas ako ang napahiya! Parang ako pa ang lumalabas na naghahabol sa kanya! Talagang iniinis ako ng babaeng yun.



"Kung ayaw kasi wag mo na pilitin. Baka sadyang hindi lang interesado sayo." Iiling iling na sabi ni James sa akin. Nasa sasakyan na kami at pauwi na. Si DJ ay lasing na lasing sa likod. Wala daw sila sa mood na makipag sex sa mga babae at mas gusto nilang matulog.




"Hindi ko siya pinipilit! Nakakatawa lang kasi akala mo kung sino siya! Wag na nga natin pag usapan yung babaeng yun! Naiinis lang ako lalo!" Pag iiba ko ng usapan. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan para makalanghap man lang ako ng sariwang hangin.



"Wala naman masama kung magiging magkaibigan kayo e." Panunukso pa niya. Hindi na ako sumagot pa. Tinuon ko ang atensyon ko sa daan. Buti na lang at si James ang nagprisinta na mag drive. Pag ako kasi baka ibangga ko lang yung sasakyan ko sa sobrang inis ko. Magkikita pa naman tayo e. At hindi ako titigil hanggat hindi ka nahuhulog sa akin.




Nakarating kami sa condo unit ko. Magkakapit bahay lang kami actually. Magkakatabing unit lang. Haha! Binili ito ng magulang namin as graduation gift. Tutal lagi naman daw kaming magkakasama e.




Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Hindi po ako interesado. Gusto ko na naman magwala! Ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganun at hindi ko matanggap yun. Natapakan ang ego ko!





Naligo ako at natulog na. Madami pa akong aasikasuhin bukas at kailangan maaga akong magising. Ayoko naman may masabi na naman sa akin ang Daddy ko. Mabuti na nga lang at nasa States sila ni Mommy. Wala pang kasiguraduhan kung kailan ang balik nila. All along, galit sa akin si Dad. Dahil lagi na lang daw akong puro kalokohan ang inaatupag. Yung kapatid ko naman na si Bianca ang lagi kong kausap. Namimiss ko na ang little sister ko.





KINABUKASAN



Tambak ang mga papel sa mesa ko. Tulad naman ng inaasahan ko. Mabuti na din yun para magamay ko ang trabaho ko. Isa pa, paulit ulit kong naririnig yung sinabi ng babaeng yun! Hindi pa din mawala.




Lunch break na. Naisipan kong lumabas at kusang nagpunta ang mga paa ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya sa umaga. Si Maine. Ang ganda ng pangalan niya.




Pagpasok ko pa lang ay nakita ko agad siya. Nakatalikod man siya. Alam kong siya yun. Kausap niya ang mga kasamahan niya. Agad akong inasikaso ng isang waiter doon. Binigyan niya ako ng upuan.



"What would you like to eat, Sir?" Tanong niya sa akin. Nag order lang ako ng isang Carbonara at Iced Tea. Hindi trip kumain ng madami ngayon. Hindi naman ako gutom. Ewan ko ba kung bakit ako nandito.



At sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin siya sa akin. Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan na naman ng aura niyang masungit.



Pagkatapos nun ay hindi na niya ako muling nilingon. Bagay na kinaasar ko na naman ng sobra. Bakit ba walang talab sa kanya!



At dahil wala naman akong choice, tinapos ko na lang ang pagkain ko at umalis na. Hindi ko na siya nakita pagkatapos nun. Ano bang nangyayari sa akin! Bakit parang ang dating ay ako ang gustong gusto na makuha ang atensyon niya imbes na siya ang humabol sa akin!









Maine's POV







"Bumalik na naman yung barumbado na yun. Mukhang ayaw kang tigilan." Bulong sa akin ni Kath habang nag aayos ng orders. Nagkibit balikat naman ako at tinulungan siya.



"Hayaan mo siya. Hindi ko na nga lang pinansin e. Baka isipin niya naman masyado ko siyang sinusungitan." Sagot ko sa kanya. Madami kaming ginagawa ngayon dahil konti nga lang ang tao pero parang fiesta naman kung mag order.



"Pero aminin mo, gwapo siya diba?" Pang aasar ni Nadz. I have to admit that. Silently.




"Gwapo nga. Bastos naman. Waley din." Si Kath. Natawa ako sa sinabi niyang yun. Siya ang man hater sa amin. Si Nadz naman ang mabilis ma inlove. Parang baliw lang. Pero wala pa naman akong nababalitaan na naging boyfriends nila. Kaya nga kami magkakasundo e. NBSB lahat.




"Sabagay. May point ka dun. Ayusin na natin to. Mukhang gutom na yung dambuhalang yun." May kasamang pag irap na sabi ni Nadz. Isa kasi yun sa masungit pero loyal customer namin. Araw araw ba naman nandito.



Lumipas na naman ang maghapon at nasa bar na naman kami. As usual, waitress is life e. Haha! Umaga at gabi ba naman eto ang trabaho namin. Ang pinagkaiba nga lang. Mas madaming bastos sa gabi kaysa sa umaga. Nababastos din naman kami sa restaurant. Pero pasimple lang. Hindi tulad sa bar.




Napailing ako ng makita ko si Mr. Del Mundo. Isang matanda na laging nasa bar na ito. Wala naman siyang ginawa kundi ang titigan ako. Naiilang ako minsan pero hindi ko na lang pinapansin.




"Maine, ayan na naman si tanda. Ikaw ang gusto niyang mag serve sa kanya." Naiilang na sabi ni Nadz. Wala na naman akong choice. Lumapit ako sa kanya at ang tindi ng tingin niya sa akin. Para akong hinuhubaran.




"Yung dati pa din po ba, Sir?" Naiilang na tanong ko. Hindi muna siya sumagot. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Ako naman ay pansamantalang iginala ang paningin ko para makaiwas lang sa kanya. Ayoko nga makipagtitigan sa matandang hukluban na to.



"Oo. Pero mas espesyal sana kung uupo ka sa tabi ko. Wala akong makausap e." Ang boses niya ay punong puno ng kamanyakan at gusto kong kilabutan.



"Madami pong babae dito Sir. Waitress po ako. Hindi yan kasama sa trabaho ko." Pilit ngiting tugon ko sa kanya. Pero hindi pa din ako natingin.




"Sa dami nila, ikaw talaga ang una kong nakita. Come on. Maupo ka na dito sa tabi ko. Ako ng bahala sayo." Akmang hahawakan niya ako pero mabilis akong nakaiwas sa kanya.



"Hatid ko na lang po yung order niyo. Madami ho akong trabaho." Nagmamadali akong umalis at hindi ko na siya hinintay sumagot pa sa kanya.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon