Sixty One

2.2K 92 6
                                        

Maine's POV









Kausap ko ngayon Mama Helen, ang Mommy ni Kristoffer. Naguguluha na kasi ako sa mga pangayayari. Hindi ko naman maitatanggi na nairita ako nung nakita ko na may kasama siyang ibang babae. Buti na lang ay magaling na ako magtago ng nararamdaman ko. Nung araw din na yun ay nakaisip ng matinding kalokohan si Kristoffer at sinabing magpapakasal na kami. Tatanggi sana ako nung una pero ang sabi niya ay pagkatiwalaan ko lang daw siya.








"Anak. Hindi kita masisisi kung may galit ka pa sa puso mo. Pero sana naman wag mong idamay ang anak niyo. Ipakilala mo siya sa Tatay niya dahil karapatan niya yun." Paliwanag pa ni Mama Helen. Nakaupo lang ako at nakikinig sa kanya. Habang pahapyaw na tinitignan ang anak ko na naglalaro sa crib niya.








"Pero Mama Helen, natatakot kasi ako e." Nakayukong sagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinagod ang balikat ko.









"Saan? Wala namang masama kung bubuksan mo ulit ang puso mo para patawarin siya hindi ba? Wag kang mabuhay ng may sama ng loob kang dala dala, anak. Kasi hindi gaganda ang buhay mo. Magiging miserable ka. Maine, alam mo ang pakiramdam ng lumaking walang kinikilalang magulang. At sana wag mong iparanas sa anak mo yun." Napatingin ako kay Mama Helen. At biglang tumulo ang luha ko. Oo, alam ko ang pakiramdam ng walang magulang. At tama si Mama Helen. Hindi ko dapat yung iparanas sa anak ko.








"Magpatawad ka anak. Hindi ko sinasabing makipagbalikan ka sa Tatay niya pero kung kaya mong maging civil man lang, gawin mo. Pakiharapan mo siya ng maayos. Para na lang sa anak mo." Dagdag pa niya. Mabilis ko siyang niyakap. At nagpasalamat ako sa kanya. Maswerte pa din ako kasi nandyan sila. Sa kanila ko naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng pamilya. Bigla ko tuloy naalala si Tita Cherrie at Tito Richard. Malamang ay galit sila sa akin dahil sa ginawa ko. Pero tama si Mama Helen, hindi ako dapat maging madamot. Kahit ano gagawin ko, para sa anak ko.








Matapos ang pag uusap namin ni Mama Helen ay umuwi na kami. Kasama naman namin si Yaya Myrna kaya hindi problema kahit na ako ang mag drive. Hindi ko na mahintay si Kristoffer dahil na stuck siya sa mahabang meeting. Nakarating kami sa bahay. Hinatid ko lang talaga sila at pumunta na ako sa opisina ni Alden.









Nang makarating ako sa tapat ng building niya ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Paano ko nga pa pakikiharapan ang mga taong nakasama ko dito? Bigla na lang kasi akong nawala. Malamang ay hindi na din nila ako papansinin pa. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Malaki na ang pinagbago ng lugar na ito mula nung huli kong nakita. Mas lumaki at mas dumami ang empleyado.








"Miss Pia?" Tawag ko sa babaeng nakatalikod. Dahan dahan siyang lumingon at ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong yakapin. Napangiti naman ako dun kaya niyakap ko din siya pabalik.









"Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala. Babalik ka na ba?" Bakas pa din ang kasiyahan sa kanya. Ngumiti ako at umiling sa kanya.








"Hindi. Kakausapin ko lang sana si Alden. Andyan ba siya?" Pag iiba ko ng usapan. Masaya siyang tumango. Ihahatid niya pa sana ako sa opisina ni Alden pero tumanggi ako. Sabi ko ay kaya ko na mag isa. Lumakad ako papunta sa opisina niya. Nakailang hinga ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob. Ang laki na din ng pinagbago ng opisina niya.








Lumaki ito at mas dumoble pa yata. Very manly ang decorations. Nakita ko siya na busy sa binabasa niyang papel. Malamang ay hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya. Hindi pa din siya nag aangat ng tingin at ako naman ay tuluyan ng nakapasok.









"Dala mo na ba yung pinapahanap ko, Yassi? Kailangan ko na kasi." Bigla siyang nagsalita. Hindi pa din siya nag aangat ng tingin.








"Busy ka yata." Untag ko sa kanya. At nakita ko ang dahan dahang pag angat niya ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang gumuhit na pagkagulat sa mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Gusto ko sanang matawa sa kanya.









"Maine?" Tanging nasabi niya. Nakatingin pa din siya sa akin. Hindi talaga niya inaasahan ang pagpunta ko dito. Pero para sa anak ko kaya ko to ginagawa. At para sa kanya, lahat gagawin ko.









"Yes. Hindi mo yata inaasahan na darating ako. Nandito lang naman ako dahil may importante akong sasabihin sayo." Deretsong saad ko sa kanya at pilit ko siyang tinignan ng mata sa mata. Kahit na sa totoo lang ay nanlalambot ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Agad niyang binaba ang papel na hawak niya at tsaka siya tumayo. Ilang hakbang lang ang layo niya sa akin.








"Sure. May gusto ka ba? Coffee? Juice? Maupo ka muna." Alok niya pero umiling ako. Hindi din ako umupo. Kaninang nakaupo ka, hindi mo ko inalok umupo. Tapos ngayong nakatayo ka na, tsaka mo ko aalukin umupo. Kutusan ko kaya to sa batok!









"Hindi na. Nandito lang naman ako dahil nga may sasabihin ako sayo. I'll get straight to the point, Mr. Faulkerson. Its about Charmaine. Fine, alam kong naging rude ako nung huling beses na nagkausap tayo. Nandito ako para sana sabihin sayo na....." Taragis na yan! Bakit parang bigla akong nawala sa focus! "Na malaya ka ng makikita si Charmaine." Pagpapatuloy ko. At nakita ko na nagliwanag ang mukha niya.









"Talaga? Makikita ko na ang anak ko?" Bakas sa tono niya ang matinding kasiyahan dahil nakita ko ang pag ngiti niya. Tumango ako sa kanya.









"Oo, makikita mo na siya. At ipapakilala na din kita sa kanya. Malaya kang magiging ama sa kanya kung gusto mo. Ginagawa ko lang ang dapat at binibigay ko lang ang karapatan mo. Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo." Bigla ko naman naalala yung araw na pinagdudahan niya ako. Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. "And just so you know, Mr. Faulkerson, ang lahat ng ito ay ginagawa ko para sa anak ko. Pero hanggang dun lang yun. Then, that's it. Nasabi ko na sayo. I should go now." Hindi na ako naghintay pa ng sagot sa kanya at lumabas na ng opisina niya.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon