Forty One

2.6K 117 5
                                    

Alden's POV











"I can't blame her, dude. Ang OA mo naman kasi talaga. Gets naman namin na nakakainis talagang isipin na may ibang nagpakilig sa kanya pero matagal na yun e. Hindi pa nga kayo magkakilala nung mga panahon na yun tapos kung makapag react ka akala mo naman nandun ka mismo nung nangyari yun. Grow up man!" Asar sa akin ni James. Nasa Burnham Park kasi kami ngayon. Nakatanaw lang ako sa girlfriend ko na galit sa akin dahil sa pagiging OA ko.










"Kaya nga. Tapos iniisip pa ni Kath na siya yung dahilan kung bakit kayo nag away. Dahil dyan sa pagiging isip bata mo, ang daming naaapektuhan e. Isipin mo nga, paano kung kami naman ang magkwento tungkol sa mga kalokohan mo sa mga babae noon. Tapos mag react ng ganyan si Maine. To think na wala pa siya sa buhay mo nung mga oras na yun. Hindi ka ba mapipikon?" Si DJ naman. Minsan talaga masarap kausap ang dalawang to e. May sense. Kaya masaya ako dahil kaibigan ko sila.












"E ano ngang gagawin ko?" Frustrated na sabi ko sa kanila. Naguguluhan na ako. Paanong sorry ba? Akmang tatawagan ko si Ate Pia pero pinigilan nila ako.











"Tignan mo to! Hindi mo ba kayang mag sorry sa sarili mong paraan? Mang iistorbo ka pa ng mga taong nagtatrabaho. Mas maaappreciate niya kung ikaw mismo ang mag eeffort hindi yung maghahanap ka pa ng kakampi mo!" Si James na naman. Panay sigaw niyo saken mga tukmol kayo! Pag nagkabati na kami ng mahal ko humanda kayo!











"E ano nga? Niyakap ko na siya kanina! Ayaw niya naman ako pansinin."  Napakamot ako ng ulo. Nakakatanga naman yung ganito pero gagawin ko ang lahat para magkabati lang kami ni Maine. Ayoko ng ganyan siya sa akin e. Imbes na masaya kami ngayon, eto kami nagkakatampuhan.











Lumipas ang maghapon. Napagod na yung mga babae sa pamamasyal kaya nagyaya na sila umuwi. Kotse na lang ni DJ ang ginamit namin dahil yun ang medyo malaki. Kahit sa sasakyan ay ayaw niyang dumikit sa akin. Kay Nadz siya tumabi tapos tahimik lang siya. Pagdating namin sa bahay ay agad siyang umakyat sa kwarto at nagbihis. Ako naman ay naiwan sa sala. Nakaupo at nag iisip.









"DJ, may gitara ba dito?" Tanong ko sa mokong na to at tumango naman siya. Ngumiti ako at hinatak sila ni James papunta sa labas.











Maine's POV









Nasa kwarto namin ni Alden ngayon si Nadz at Kath. Hindi pa daw kasi sila inaantok kaya nakipag kwentuhan muna sila sa akin. Naiisip ko pa din si Alden. Naaawa na ako sa kanya pero wala e. Kailangan ko talagang gawin to.









"Patawarin mo na kasi. Ikaw naman. Intindihin mo na lang din na masyado kang mahal nung tao kaya ganun." Suggest ni Nadz. Napangiti na lang kasi wala naman akong masagot e.









🎵🎵
Ipagpatawad mo.
Aking kapangahasan
O binibini ko,
Sana'y maintindihan






Nagkatinginan kami nila Nadz dahil sa narinig namin. Alam ko kung sino ang nakanta na yun. Hindi ako pwedeng magkamali e. Kitang kita ko yung pag ngiti nung dalawa.








🎵🎵
Alam kong kailan
lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo'y
ayaw ng lumayo.
Ipagpatawad mong
Minahal kita agad







Hinila agad ako nung dalawa para buksan yung bintana sa kwarto namin ni Alden. At para naman akong maiiyak dahil sa nakita ko. Nasa baba siya at may hawak na bulaklak. Si James ay nagbe-beat box habang si DJ naman ay nag gigitara.









🎵🎵
Di ka masisi,
na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang
tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo
ayaw ng lumayo
Ipagpatawad mo
Ako ma'y naguguluhan.








Ayan na! Tutulo na yung luha ko. Halata kasing sincere siya e. Si Nadz at Kath ay namimilipit naman dahil sa kakiligan. Sinisiko pa nga nila ako. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.









🎵🎵
Aaahhhhh....
Minahal kita agad.
Aaahhhh.....
Minahal kita agad.
Ipagpatawad mo.








Kusa ng tumulo ang luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Sino bang mag aakala na ang isang Richard Faulkerson Jr. ay matututong mangharana ng isang NicoMaine Dei Mendoza. Sino ba naman ako? Pero eto, kitang kita ko yung effort niya.









🎵🎵
(Minahal kita....)
Aaahhhh...
Minahal kita agad.
(Kay tagal tagal.)
Sana nama'y ipagpatawad mo
Ang malabis na
PAGKASELOSO ko.
Ngunit ang lahat ng ito'y
totoo.

Aaahhhh...
Minahal kita agad.
Aaahhhh...
Minahal kita agad.
Ipagpatawad mo....









Sa sobrang saya ng dalawang kaibigan ko ay hindi yata nila napigilan ang mapatili at mapapalakpak. Ako naman ay nagpapahid ng luha ko na hindi ko na napigilan dahil sa kilig at saya na nararamdaman ko.








"Babe! Sorry na! Hindi ko na kaya na ganito tayo e. Hindi na ko magiging isip bata ulit. Hindi ba ako magiging seloso. Patawarin mo lang ako. Bati na tayo?" Parang bata siyang nakikiusap sa akin. Nakadungaw lang ako sa kanya at nakangiti.








Walang ano anong hinila ako nung dalawa. Kulang na lang ay liparin namin yung hagdanan para lang makababa na kami. Sinalubong ako ni Alden at inabot sa akin yung bulaklak na hawak niya.








"Sorry. I'm so sorry." Bakas ang sincerity sa bawat salita niya. Hinahaplos niya ang pisngi ko kasi hindi pa din natigil ang pagpatak ng luha ko. "Don't cry, my love. Hindi ko sinasadya. Sorry."








"Hindi naman ako galit sayo. Naiinis lang. Sorry kung tiniis kita. Kailangan kong gawin yun e. I'm sorry din. Ikaw lang naman kasi talaga e." Hinawakan ko ang pisngi niya.









"Ang tagal ng kiss!" Napalingon kami pareho sa sinabing yun ni Kath. Natatawang tinakpan ni DJ ang bibig niya. Si Nadz at James naman ay nakangiti din na nakatingin sa amin.








"Dali na! Mahamog na!" Sigaw naman ni Nadz. Napatawa kami ni Alden dun. Tumingin ako ulit sa kanya at tsaka hinawakan siya sa magkabilang kwelyo.









"I love you so much. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino kasi nag iisa ka lang dito sa puso ko. Kaya bawas bawasan mo yang pagiging seloso mo. Kasi sa susunod na ulitin mo pa yan. Kahit mahal kita, hindi ako magdadalawang isip na kutusan ka." And then I kissed him.





-----
A/N: Fast forward na tayo babies. Wala na kong maisip na pwede nilang gawin sa bakasyon nila e. Thanks for reading. -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon