Sixty

2.3K 86 7
                                    

Maine's POV








Dalawang araw ang nakalipas at balik sa normal ang buhay ko. Nasa restaurant ako at kasalukuyang nag aayos ng mga orders. Si Charmaine kasi ay iniwan ko na muna kay Yaya Myrna. Siya yung kasa-kasama namin lagi ni Kristoffer sa States kaya malaki na din ang tiwala ko sa kanya. Hindi na nasundan pang muli ang pagkikita namin ni Alden. Mabuti naman.








Abala ako sa pag aayos ng mga orders ng biglang sumulpot si Kristoffer. Nakasandal pa nga siya sa may pintuan. Inirapan ko na lang siya. Sanay na siya sa akin na lagi ko siyang sinusungitan. "Busy ako!" Pagtataboy ko sa kanya. Narinig ko ang impit na pagtawa niya.








"Tss. Di na nawala sayo yang ganyan e. Wala pa ngang sinasabi e. Nandito lang naman ako para sabihin na nagugutom na ako kaya samahan mo kong mag lunch sa labas." Prenteng sabi niya kaya inismiran ko naman siya.









"Dito ka na mag lunch. Ang dami daming pagkain dito! Gusto mo pa talaga sa labas e!" Maktol ko sa kanya. Nakakainis naman kasi talaga nasa restaurant na nga siya tapos magyayaya pa sa iba.









"Gusto ko naman sa iba." Sinamaan ko siya ng tingin. Aba ang damuho na to ah! "Hep! Bago ka magsalita, alam mo naman na favorite ko lahat ng nasa menu dito kaya lang gusto ko din naman matikman yung ibang putahe! Hindi lang dito. Kaya halika na!" Hindi na niya ako hinintay sumagot at hinaltak na lang ako ng basta basta. Isa to sa mga katangian ni Kristoffer na gusto ko. Yung lagi niya akong pinapatawa kahit na nakakainis na yung eksena. Kaya kami magkaibigan e.









"Tss! Buti hindi nagseselos si Joyce sa atin no?" Asar ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papunta sa kung saan. E malay ko ba naman kung saan trip ng gagong to kumain. Ngumisi lang siya.









"Di magseselos yun sayo! At tsaka ano pa bang ikakaselos niya e niyaya ko na nga siyang magpakasal!" Natawa ako sa sinabi niyang yun. Totoo naman kasi na engaged na sila ni Joyce at hindi din nagseselos sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kanya na pagkakaibigan lang talaga ang mayroon kami ni Kristoffer. Syempre inunahan ko na at ayoko naman na may masabi siya.







Nakarating kami ni Kristoffer sa isang mall. Ewan ko ba naman sa gagong to kung bakit ba ako niyaya dito. Siguro kung hindi namin kakilala ang nakakakita sa amin ay iisipin na may relasyon kami. Natural na kasi sa amin yung naglalakad tas nakaangkla ang kamay ko sa braso niya. Tawa pa kami ng tawa dahil lahat ng makakasalubong namin ay pinipintasan niya.








"Tama na! Ang sakit na ng tyan ko kakatawa! Lagot ka kay Lord. Napakasama mo!" Pigil ko sa kanya habang hawak ko pa din ang tyan ko kakatawa. Pero ganun na lang ang gulat ko ng may makasalubong kami. Damn! Bakit ba sa dinami dami pa ng pwede namin makasalubong! Bakit siya pa?!











Alden's POV









Sinamahan ko si Julie Anne na bumili ng regalo para sa boyfriend niya. Ayoko nga sana kaya lang sadyang mapilit siya. Naging magkaibigan kami dahil na din sa negosyo. Medyo clingy nga lang siya pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang sa kanya dahil hindi niya daw ako type. At tsaka para ko na lang din siyang kapatid.








Abala kami sa pag iikot sa mall. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakasalubong namin si Maine. At parang gusto kong magwala sa nakita ko. Kasama niya si Kristoffer at nakahawak pa siya sa braso nito. Para silang magboyfriend at girlfriend na masayang naghaharutan! Hindi ko maitago ang pagdilim ng mukha ko sa nakita ko.








"Kristoffer?" Biglang tanong ni Julie Anne. Magkakilala sila? Takang nilingon ko si Julie Anne at bakas sa mukha niya ang saya ng makita yung baduy na si Kristoffer. Maging si Maine ay nakita kong nabigla din sa nakita niya. Masayang niyakap ni Kristoffer si Julie Anne. Talagang kilala niya?









"Julie Anne! Kamusta na? Its been a long time." Bati sa kanya ni Kristoffer. Kami naman ni Maine ay nagpalipat lipat lang ng tingin sa kanila.









"Oo. Wala na nga akong balita sayo e. Akala ko nasa States ka na?" Tanong pa ni Julie Anne sa kanya. Hindi ko na masyadong inintindi ang pinag uusapan nila dahil nakafocus ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Matapos kasi ang naging usapan namin nung nag dinner kami kila Nadz ay hindi na niya ako ulit pinansin pa. Kahit tingin ay hindi na din magawa. Oh how I badly missed you, Maine.









Pinakilala nila kami sa isa't isa. At hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Kristoffer. Kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya. "Sabay sabay na tayo mag lunch." Anang ni Kristoffer. Tumango naman si Maine at nagpauna silang lumakad. Parang wala lang ako sa kanya. Akala mo hindi nila kami kasama. Nakita ko ang pagtawa niya. At halos magtagis ang bagang ko ng bigla siyang akbayan ni Kristoffer at parang may binubulong pa sa kanya.








"Hey? Are you okay? Ang tahimik mo naman!" Sita sa akin ni Julie Anne. Hindi! Hindi ako okay dahil nagseselos ako!








"Oo naman. Okay lang ako." Tipid na sagot ko sa kanya. Sa isang Italian restaurant kami napadpad. Magkatabi kami ni Julie Anne. Nakamasid lang ako sa kanila. Ang laki na ng pinagbago niya. Parang ang taas taas na niya at ang hirap abutin. Abala siya sa pagtitingin sa phone niya.









"Maine, kamusta naman ang restaurant mo? May catering service ka ba? Kung meron, sabihan mo naman ako." Masayang sabi sa kanya ni Julie Anne. Walang kamalay malay na si Maine ang babaeng sinasabi ko sa kanyang pinakamamahal ko at hinihintay ko pa din hanggang ngayon.









"Sure. Sabihan na lang kita." Nakangiting sagot ni Maine. Hindi man lang talaga niya akong magawang tignan.









"Promise ah? Aasahan ko yan." Pangungulit pa ni Julie Anne. Kaya natawa naman si Maine sa kanya.









"Hep! Tsaka ka na. Nauna akong magpaschedule sa kanya kasi siya mismo ang mag aayos ng venue at food sa kasal namin." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.










****

A/N: Hello babies! Kamusta na kayo? Hehe! Nakakatuwa naman mga comments niyo. Please tell me what you feel sa flow ng story. Hihintayin ko mga comments niyo! It means a lot. Sana madagdagan pa. Thank you! I love you all! -Ate Jen.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon