Forty Four

2.3K 111 12
                                    

Maine's POV









Dalawang buwan ang nakalipas at smooth naman ang takbo ng relasyon namin ni Alden. Nandun pa din ako nakatira sa kanya. Madalas ay nasa bahay nila kami kasama ang parents niya. Si Ingrid naman ay nagkikita pa din kami. Binibigyan ko siya ng allowance pero mahigpit kong bilin na wag na wag sasabihin kay Nanay Connie. Ang sabi niya ay nagtitinda daw si Nanay Connie pero hindi pa din natigil sa pag inom at pagsusugal.







Nasa cubicle ako at abala sa dami ng trabaho ko ng biglang may bumagsak na kung ano sa harapan ko. Hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat. Binagsak kasi ni Louise yung bag niya sa harapan ko mismo. Nakuha niya nga ang atensyon ng mga tao sa paligid namin. Tinignan ko lang siya. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya, malamang kanina pa ko nakahandusay at duguan dito. Pero dahil wala naman siyang kwenta, tinignan ko lang din siya at tsaka binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko.









"Kanina pa ako nandito. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Mataray na sabi niya sa akin. Hindi ko pa din siya pinapansin. Si Ate Pia nga ay wala ding pakialam sa kanya. Busy pa din ako sa ginagawa ko. Hindi man lang siya makahalata na walang may pakialam sa presensya niya. Hindi pa talaga siya umalis.








"Bakit ba ang yabang mo? Porket girlfriend ka lang ni Alden. Akala mo kung sino ka na dito!" Nagulat kami ng lahat sa biglaang pagsigaw niya kasabay ng binalibag niya yung mga papel na nasa tabi ko. Shit! Mga dokumento yun e! Okay. Naaasar na siya. Kaya mas mang aasar ako kahit na napipikon na din ako.







Tinignan ko lang siya ulit. Walang ganang pinulot ko yung mga nagkalat na papel na hinagis niya. Mas importante sa akin na maayos ko to kesa makipagtalo sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kasama ko. Malamang ay dahil nakikita nilang umuusok na ang ilong ni Louise dahil sa pang aasar na ginagawa ko.








"Ano ba?! Kausapin mo nga ako! May gusto lang akong ipamukha sayo kaya ako nandito! Kung inaakala mo na magkakatuluyan kayo ni Alden, pwes! Nagkakamali ka. Hindi ako papayag. Dahil sa akin siya! Akala mo kung sino ka! E galing ka lang naman sa squatter diba? Kung hindi mo nilandi si Alden ay malamang wala ka dito. Hindi ka nababagay dito. Kaya kung ako sayo, umpisahan mo ng ayusin lahat ng gamit mo at umalis ka na sa lugar na to. Lumayas ka na din sa buhay ni Alden!" Galit na galit na sigaw niya. Kasalukuyan kasing nagpupulot pa ako ng mga papel na kinalat niya. Foul na. Kailangan ko na yatang magsalita. Itatago ko na muna yung mabait na side ko. I will show her my evil twin sister.








"Ms. Louise, unang una. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. If you want Alden, then so be it. Nasa meeting lang siya. Hintayin mo makabalik tsaka mo puntahan sa opisina niya hindi yung dito ka nagsasalita ng kung ano ano. E nananahimik kaming nagtatrabaho dito. As far as I remember, sinabi sa akin ni Alden na mahal niya ako. Hindi ko siya nilandi. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin kaya wag kang magbibigay ng opinyon mo lalo na kung hindi ko naman hinihingi. Oo, sa squatter ako galing. Pero sa pinapakita mo? Sino ba sa atin ang mas mukhang galing sa squatter? Maayos akong nagtatrabaho dito. Kaya wag mo kong iniistorbo. So please keep your stinky mouth shut and go back to the slums." Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita ko. Kitang kita ko ang pamumula niya sa galit. Dagdag pa na nagpalakpakan lahat ng kasama ko sa opisina.








Pero ganun na lang ang gulat ko ng biglang may tumama sa akin. Parang nagdilim ang paningin ko at nahilo ako. Ramdam ko na lang na parang babagsak ako. Hinawakan ko ang ulo ko at nakita ko na nagdudugo. Shit! Stapler yung binato niya sa akin! Kahit na nahihilo ako ay pinilit kong tumayo. Kailangan kong gumanti! Hindi pwedeng ganito. Ayoko ng tatapakan ako ng ibang tao. Hindi na ako pwedeng saktan ng kahit sino!








"Masakit ba? Mas masakit pa dyan ang kaya kong gawin kaya ngayon pa lang mag isip isip ka na kung gusto mo akong kalabanin!" Bulyaw niya sa akin. Hindi na ako nakapagpigil pa. Kusa na akong tumakbo palapit sa kanya at hinaltak ang buhok niya! Hindi na ako papayag na masaktan ulit! Ayoko ng magmukhang kawawa sa harap ng madaming tao katulad ng naranasan ko noon kay Nanay Connie!








"Ouch!" Dinig ko sa sigaw niya. Pero hindi niya naitatanong na marunong akong makipag away dahil araw araw ko yang nakikita sa amin noon. Winagayway ko ang buhok niya. Tapos ang higpit ng hawak ko sa anit niya kaya alam kong nasasaktan siya. Tsaka ko siya sinampal ng malakas. Pero sadyang sanay din sa away ang babaeng to.









Nahila niya ang braso ko at ramdam ko yung kuko niya na sumayad sa balat ko. Pero hindi ko siya hinayaan. Sinipa ko siya sa may tyan dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Madaldal ka lang. Pero ako maldita. Kung di mo naitatanong, batang Sampaloc din ako kaya sanay ako sa mga basag ulo dahil laging may nag aaway sa lugar namin. Hindi na sana kita papatulan pero ikaw ang nauna. Louise, wala akong pakialam kung sino o ano ka sa buhay ni Alden. Hindi ko kailangang makipag kumpetensya sayo. Kung tutuusin mas angat ka sa akin. Pero naitanong mo ba sa sarili mo kung bakit hindi ikaw ang pinili ni Alden? Ayusin mo muna yung sarili mo. Wala akong inagaw sayo. Kaya please lang wag mo kong idamay sa pagiging desperada mo dahil hindi ko linya yang trip mo!"







Masama ang tingin niya sa akin pero pinanlabanan ko yun. Nahihilo na din ako dahil sa pagbato niya ng stapler saken pero hindi ko ininda yun. Biglang lumapit si Ate Pia at inakay ako papunta sa rest room. "Louise, lumayas ka na dito. Makakarating kay Sir Alden ang ginawa mo." Sabay hinila na ako ni Ate Pia.



----
A/N: Gusto ko yung palaban na Maine. Wahaha! Agree ba kayo na basagin natin mukha ni Louise? Haha. Vote & Comment! Love you all. -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon