Alden's POV
"Bakit ba kasi atat na atat kang malaman kung bakit siya may pasa? Tss. Halatang halata ka dre!" Pang aasar sa akin ni DJ at James. Nakita kasi nila na hindi ko nilulubayan ng tingin si Maine. Nakakapagtaka lang kasi bakit may pasa siya?
"Pwede ba! Tigilan niyo nga ako kakaasar niyo. Hindi ako interesado sa kanya okay?" Syempre ipinagtanggol ko ang sarili ko. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa kanya e.
"In-denial stage pa. Aamin din yan sa mga susunod na kabanata." Inambahan ko ng suntok si DJ dahil ayaw pa din niya tumigil. Nasa kotse na kami at hindi ko maiwasan mag alala sa kanya. Baka kasi sundan na naman yun ni Tanda e.
"Kung wala kang pakialam sa kanya, anong ginagawa natin dito? Diba dapat kanina pa tayo umuwi. Wala naman tayong inaabangan." Napatingin ako kay James. Oo nga! Ngayon ko lang naisip na kasama ko nga pala sila. Tsk! Mahuhuli ako nito e.
"Ako wala akong inaabangan. Ewan ko lang dito sa isa." Gatong pa ni DJ. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Panigurado na hindi nila ako titigilan.
"Kayo lang ang hinihintay ko! Tss." Pag iiba ko na lang ng usapan at nagmamadaling binuksan ang kotse tsaka ako sumakay. Ihahatid ko na muna ang dalawang to kesa masuntok ko sila dahil walang tigil ang mga bibig nila sa kakasalita. Daig pa nila mga babae.
Nasa kotse kami at mabilis ang byahe. Sinasadya ko talagang bilisan dahil 11PM na. Baka hindi ko na maabutan si Maine.
"Sana sinabi mo na lang sa amin na mag taxi kami ni DJ! Sa impyerno mo pa yata kami balak dalhin!" Nakasimangot na sita sa akin ni James. Napabilis yata ang takbo ng sasakyan. Haha!
"Sana nga! Para kayong mga babae! Kailangan hinahatid pa! Bumaba na nga kayo at uuwi na ako!" Pagsusunget ko sa kanila. Tinapik nila ako sa balikat at tsaka sila bumaba. Bumusina na lang ako tanda ng pag alis ko.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nagmamadaling bumalik sa bar na pinagtatrabahuhan ni Maine. Hindi ko alam kung ano bang meron. O bakit ako nandito. All I know is that, I care about her. I really do.
Maine's POV
"Ouch! Dahan dahan naman Nadz." Ginagamot kasi ni Nadz ang sugat ko sa gilid ng labi. Magaling na sana at wala na ang pamamaga. Pero sa kasamaang palad ay bigla akong natamaan sa mukha ng mga kabataan na nasa gitna ng dance floor kanina kaya dumugo na naman.
"Isumbong na kaya natin yang Nanay mo sa mga pulis." Seryosong sabi ni Kath. Bahagya naman akong natawa. Hindi ko kayang gawin yun.
"Lilipas din to." Tinago ko ang lungkot ko. Ayokong isipin ang mga problema ko dahil nahihiya na din ako na lagi na lang puro kalungkutan ang sinasabi ko sa mga kaibigan ko.
"Yung sugat mo lilipas. E yung sama ng loob na nakaipon dyan sa dibdib mo? Kailan lilipas?" Tinignan ko silang dalawa. Bakas sa mukha nila ang awa. Nangilid na ang luha ko. Tama sila.
"Pag pagod ka na. Pwede ka naman magpahinga. Kaysa naman malamog yang mukha mo dahil ginagawa kang punching bag ng Nanay mo. Hindi mo naman kailangan talikuran si Ingrid e. Pwede mo naman siya suportahan. Alam kong hindi ka naman sasang ayon sa amin pero in case na magbago ang isip mo. Nandito lang kami." Nakangiting tugon ni Kath at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko na sila.
Natapos ang maikling drama namin at pinilit kong pagaanin ang nararamdaman ko. Uwian na pala. Umaga na naman. Ilang oras na lang ang itutulog ko. Madami na namang labahin sa bahay ngayon. Wala namang ibang gagawa nun kundi ako.
Palabas na ako ng bar. Nauna ng limang minuto yung dalawa. Hindi pa kasi ako tapos. Wala na din masyadong tao.
"Ang tagal mo naman lumabas." Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may magsalita. Hindi ko inaasahan na nandito pa siya.
"Bakit nandito ka pa? Madaling araw na." Pilit ko siyang iniiwasan dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin. Nagpauna ako lumakad pero hindi ko inaasahan na susunod pa din siya.
"Wala kasi akong magawa. Kaya tumambay na lang ako." Nakasunod pa din siya sa akin.
"Ah ganun ba. Sige mauna na ako." Akmang tatalikuran ko na siya pero bigla naman niya akong hinawakan sa braso. Ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko at nagtayuan ang lahat ng balahibo ko.
"Sandali. Ihahatid na kita. Madaling araw na. Baka kung ano pang mangyari sayo." Napapikit ako sa sinabi niyang yun at hindi ko maiwasan ang magtaka.
"Noon ko pa ginagawa to. Nauwi ako mag isa. Kaya ko na to. Hindi naman ako imbalido para ihatid mo pa. Sige ah?" Tinapik ko siya sa braso at nagmamadaling lumakad palayo sa kanya. Parang hindi naman ako makakahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Hay! Bahala ka nga dyan!" Rinig ko pa ang pagkairita sa boses niya. Gusto kong matawa dahil nainis siya sa akin. Pero mas mabuti na yung ganun. Ayokong nakadepende sa ibang tao.
Mabilis akong nakauwi. Buti na lang at may jeep na dumaan. At madaming nakasakay. Kaya panatag ang loob ko na umuwi.
"Ate!" Nagulat ako kay Ingrid kasi gising pa siya. Madaling araw na ah? Sinalubong pa niya ako sa daan.
"Ingrid? Bakit gising ka pa? Madaling araw na ah?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Oo ate. Ngayon lang kasi ako natapos mag review. Wala ang Nanay. Dalawang araw daw siya o higit pa na hindi makakauwi. Kaya ako ang naglinis at naglaba. Dun man lang makatulong ako sayo Ate." Na touch naman ako sa sinabi ng kapatid ko kaya inakbayan ko siya ay niyaya na bumili ng makakain. Nagutom din kasi ako.
May isang lugawan na 24 hours bukas at dun kami bumili ng makakain namin. Pero parang may nahagip ang mata ko o akala ko lang yun. Si Alden?

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...