Thirty Seven

2.6K 97 3
                                    

Maine's POV









Hindi ko malaman kung paanong tingin ang gagawin ko kay Alden matapos ang nangyari sa amin. Ano bang pumasok sa isip ko? Hindi ko alam. Basta na lang naramdaman ko na gusto ko din yun mangyari at wala akong pagsisisi. Nanlalambot ang tuhod at binti ko. Anong oras na kaya? Baka hinahanap ako nung mga kasama ko. Simula kasi nung umalis ako kaninanh lunch break ay hindi na ako nakabalik pa.









Niyakap ako ni Alden at hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa bewang ko. "I'm sorry." Bulong niya sa akin. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.








"Hey. Ginusto ko yung nangyari. Wala kang kasalanan. Okay lang ako." Ngumiti ako kahit na ang sakit ng parteng yun. Hinalikan niya ako ulit at sa ikalawang pagkakataon ay nagpaubaya ako.








Kinabukasan. Maaga akong bumalik sa opisina. Masakit pa din ang parteng yun pero hindi ko na lang ininda. Late na nga kami umalis ni Alden sa office kasi sinigurado na muna namin na wala ng tao. Nakakahiya kasi. Inayos ko lahat ng naiwan kong trabaho kahapon.








"Bakla ka saan ka galing kahapon? Bigla ka na lang nawala." Napabuntong hininga na lang ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga tanong nila dahil alam ko naman na hindi ako makakaligtas.








"May emergency lang Yassi. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sa inyo." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at bumalik na sa trabaho niya. Buti na lang at hindi na sila nagtanong pa. Pilit akong nag focus sa trabaho ko dahil ayokong indahin ang masakit na parteng yun. Si Alden ay busy din sa trabaho niya.







"Maine!" Napaangat ang tingin ko ng biglang magsalita si Nadine at Kath. Nakatingin lang ako sa kanila at hindi pa din makapaniwala na nasa harapan ko sila.








"Hoy! Ano ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" Sabay pitik sa akin ni Nadz sa noo. Para akong nagising sa ginawa niya. Nakatingin lahat ng empleyado sa amin. Kaya naman pinandilatan ko sila.








"Bakit kayo nandito? Oras ng trabaho ko. Tsaka paano kayo nakapasok dito?" Takang tanong ko sa kanila. Bigla naman sumulpot si James at DJ ss likuran nung dalawa. At parang mahihimatay yung mga babaeng nasa paligid namin nung nakita silang dalawa. Iba na talaga pag gwapo.






"Nagyaya kasi gumala si Alden. Kaya nandito kami. Tumayo ka na dyan aalis na tayo." Parang malalaglag ang panga ko sa narinig ko. Alam kong hindi nakaligtas sa kanila yung sinabi na yun ni Nadz. Dahil bulong bulungan agad ang narinig ko.








"Yes. Just so you know, the girl right here. Happens to be my girlfriend. At ngayong alam niyo na. Siguro naman aware kayo sa company rules ko. Ayokong may maririnig na negative comments about her. If you respect me, respect my girlfriend as well. Mabait ako sa inyo kaya sana wag niyong sayangin yun. You may continue with your works. By the way, half day na kayo ngayon. Sinabi ko na sa HR Department." Kulang na lang ay mahulog ako sa kinauupan ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Ano bang meron? Bakit biglang sinabi ni Alden yun. Nagpalakpakan lahat ng tao sa paligid sa sinabing yun ni Alden.








Nakanganga pa din ako. Naramdaman ko na lang na inaakay na ako patayo ni Alden. Sila Nadz ay nauna na sa baba. Kami ay nasa opisina niya.








"Hindi mo man lang ako sinabihan na may announcement ka pala. Ginulat mo naman ako dun." Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya. Nakita ko ang pag ngisi niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako.








"Hindi ka din naman papayag pag sinabi ko. Kaya inunahan na kita. We'll be spending the rest of the week sa vacation house nila DJ sa Baguio. Kaya halika na." Niyaya niya na ako sa baba at hindi na ako tumanggi pa. Hawak niya ang kamay ko nung lumabas kami mula sa opisina niya. Talagang mahal siya ng mga empleyado niya. Lahat ay maganda ang ngiti sa amin at panay sabi ng mag ingat kami.








"Guys! Alis na kami. Half day kayo ngayon ah? Wala naman tayong masyadong shipments. Ate Pia will take over habang wala ako. So, kung anong desisyon niya. Yun ang susundin natin. We'll be gone for the rest of the week so sana wala akong mababalitaan na hindi maganda ah?" Hawak niya pa din ang kamay ko habang nakikipag usap sa mga employees niya. I can't help but smile. He loves his people. And his people loves him.







"Sir! Pasalubong naman namin." Biro ni Yassi. Tumawa lang si Alden at nangako na papasalubungan namin sila pagbalik namin. Ilang minuto din tumagal ang paalamanan at walang tigil na bilin nilang mag ingat kami. Natatawa kaming sumakay ni Alden sa elevator.








"You're a good leader and boss. You love your people." Papuri ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng nakangiti.








"Sabi nga kasi Babe, take care of your employees and treat them like a family. Because you're employees will take care of your clients. Mababait naman silang lahat kaya ganun din ako sa kanila." Sagot niya. Napangiti naman ako dun. Sana lahat boss katulad ng boyfriend ko.








"Sana sinabi niyo na iikutin niyo pa yung buong opisina niyo para hindi kami naghintay ng matagal." Sarcastic na sabi ni James. Kanina pa pala kasi sila naghihintay sa baba. Haha!







"E bakit kasi ang aga niyo pumunta? Usapan natin after lunch hindi before lunch!" Bulyaw ni Alden sa kanya.








"Nagmamadali kasi yung kaibigan mo!" Nguso ni James kay Nadz. Si Kath at DJ naman ay halatang nag eenjoy sa company ng isa't isa. Bumulong ako kay Alden na lalapitan ko lang yung dalawa.







"Bruha kayong dalawa bakit magkakasama kayo? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Asar ko sa kanila. Si Nadz ay ang asim asim ng mukha. Alam ko naman na may chance na maging si DJ at Kath pero si Nadz at James? Hindi ko alam.








"Babe. Halika na. Mahaba pa ang byahe natin." Tawag sa akin ni Alden. Lumakad na ako papunta sa kotse ni Alden habang si Kath naman ay nasa kotse na ni DJ. Si Nadz ay akmang bubuksan ang back seat ng kotse ni Alden.








"Nadz. Dun ka daw kay James." Sabi ko sa kanya. Umasim na naman ang mukha ng kaibigan ko kaya nagkatinginan kami ni Alden.








"Ayoko! Dito na lang ako. O kaya kina Kath." Lalakad na sana si Nadz ng bigla siyang kargahin ni James na parang sako. Tsaka pilit na sinakay sa kotse niya.







"Ano ba---"








"Dyan ka! Manahimik ka dyan! Pinagpaalam kita sa inyo tapos sa kanila sa sasabay? Bro! Tara na." Sigaw ni James kay Alden at James. Hindi maipinta ang mukha ni Nadz. Kami naman ay hindi mapigilan ang matawa. Hay! Thank you Lord for giving me these people.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon