Fifty Three

2.4K 100 5
                                    

Maine's POV








"Babe. Gutom ako." Mukmok ko kay Alden. Alas tres pasado na ng madaling araw pero yung tyan ko ay ayaw magpaawat sa pagkulo. Madalas talagang ganitong oras ako gutumin. Gumalaw siya ng konti at pilit na minulat ang mata niya. Nakayakap kasi siya sa bewang ko. Naninuguro lang daw siya baka kasi umalis na naman ako. Nasabi niya na din sa akin yung naging usapan nila ni Louise. At kahit ako ay hindi makapaniwala sa narinig ko.








Sabagay. Baka naman talagang narealize lahat ni Louise yun. Lahat naman ng tao may karapatang magbago. Buti na lang at hindi ko naisipan ang umalis na lang basta basta. Hindi ko siya kayang iwan. Katulad ng hindi niya pag iwan sa akin nung mga panahon na wala akong katuwang. Kaya minabuti ko na lang na sa bahay ng parents niya pumunta. Buti na lang at hindi ako nagkamali ng naging desisyon ko.








"Anong gusto mo Babe?" Pupungas pungas pa siyang umupo sa kama at kinukusot ang mata niya. Bakas din ang pagod sa mukha niya. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan niya ako para makababa ng kama.






"Hindi mo naman ako kailangan alalayan all the time Babe. Kaya ko naman." Nakangiting tugon ko sa kanya. Hawak niya pa din ang kamay ko pero nauuna siyang maglakad sa akin.







"Just making sure na hindi mo na ako ulit iiwan." Kahit na hindi ko siya tignan. Ramdam ko ang pagtatampo sa tono niya kaya naman huminto ako sa paglalakad. Napahinto din siya syempre.






"Babe. I'm sorry." Nagsimula na naman akong maiyak! Damn these hormones! Napaka sensitive ko masyado. Sana lang kaya akong pagpasensyahan ni Alden. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.






"Babe. Ssshhh. Don't cry." Pag aalo niya sa akin pero mas lalo lang akong naiyak. Hindi ko alam pero talagang bumubuhos yung luha ko e. "Makakasama kay baby yan. Wag ka na umiyak Babe." Malambing na ang pagkakasalita niya at hawak niya pa din ang pisngi ko. Ako naman ay naiyak pa din.








"Kasi... pakiramdam ko galit ka sa akin. Sa ginawa ko. Sorry na. Hindi naman talaga kita iiwanan e." Himihikbi kong sagot sa kanya.







"No no no. Hindi ako galit sayo." Kinabig niya ako para mapalapit sa kanya at niyakap ako ng sobrang higpit. At namiss ko yung feeling na yun. Ilag oras lang kami hindi nagkasama pero miss na miss ko siya talaga. Parte pa din yata kasi yun ng paglilihi ko.






"Babe. Wag ka na umiyak. Wala na yun. Tapos na. Nakausap ko na si Louise. At siguro naman sincere siya sa mga sinabi niya. Basta wala ng aalis Babe kasi hindi ko kakayanin e. Ikaw ang buhay ko. Kayong dalawa ng anak natin." Sincere ang pagkakasabi niya. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at hinalikan siya. Oh how I badly missed his lips.




Natigil na din ang pag iyak ko. Matapos kumain ay bumalik na din kami ni Alden sa pagtulog at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Sana nga ay wala ng problemang dumating sa amin. Kasi baka pag may sumunod pa. Hindi ko na kayanin.










Alden's POV








Maaga akong nagising para maghanda ng breakfast namin ni Maine. Napangiti ako ng makita siyang himbing na himbing sa pagtulog. Nakanganga pa nga siya e. Hinalikan ko ang noo niya. At yung tyan niya. Hindi pa masyadong halata pero excited ako. Sobra. Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak namin.








Tumayo na ako at bumaba sa kusina. Naabutan ko pa nga dun si Nanay. Siya na daw ang magluluto pero pinigilan ko siya. Special para sa akin ang araw na to kaya naman hindi ako papayag na hindi ako ang maghanda ng kakainin ng misis ko. My future Misis.








"Alden!" Napalingon ako ng marinig ko sila DJ. Kasama niya syempre si Kathryn. Kasunod naman nila si Nadz at James. Niyakap pa nga nila ako.







"Ano na? Okay ka lang ba? Buti na lang sabi ni Tito nandito ka." Gusto kong bigwasan si DJ dahil sa pagka OA niya e. Haha!







"Mukha ba akong hindi okay? Tss. Parang ikaw ang girlfriend ko kung makaarte ka e." Biro ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na nandito lang si Maine.








"Si Maine--"









"Hep! Nasa taas lang ang girlfriend ko. Natutulog. To make the story short, akala ko talaga iniwan niya ako. Pero nung umuwi ako dito para sana magpatulong kay Daddy na hanapin siya tapos biglang nakita ko siya na nandito lang pala sa bahay." Paliwanag ko sa kanila. Nakatunganga lang sila sa akin at parang ayaw pang maniwala sa sinasabi ko.








"Huhu! Buti na lang!" Si Nadz ang unang nagsalita. Napangiwi naman si James sa naging reaksyon ni Nadine.







"Tsh! Hindi ka man lang nag abalang sabihin sa amin na nakita mo na si Maine! Alam mo bang nagmamadali kaming pumunta dito sayo dahil akala namin nagpakamatay ka na!" Bulyaw sa akin ni James at parang nanunumbat pa. "Kagabi kaya nag ikot kaming apat! Pinagtiisan kong kasama ang babaeng yan dahil kailangan namin mahanap si Maine!" Dagdag pa niya. Natuwa naman ako sa mga kaibigan ko.






"Hey! Hindi ko sinabi na samahan mo ko! Ikaw ang nagyaya sa akin!" Pairap na sagot sa kanya ni Nadz. Hindi ako nagsalita pa at niyakap ko silang lahat. Group hug!








"Maraming salamat sa tulong niyo. Pasensya na hindi ko na nasabi agad sa inyo. May inayos pa kasi ako kagabi at alam niyo naman na lutang pa ako. Pero salamat. Maraming salamat." Sincere na sabi ko sa kanila. Tanging ngiti lang ang sinagot sa akin ni Nadz at Kath. Habang yung dalawang tukmol naman ay parang nandidiring kumakawala sa yakap ko.







"Oo na! You're welcome na. Bitawan mo na kami! Masyado kang masaya e." Napatawa ako at binitawan ko na ang pagkakayakap ko sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Nakakainis dahil kailangan ko pang dagdagan para sa kanila. Yun na lang daw ang pambawi ko dahil napagod sila kagabi.








*****
A/N: Hello! Huhu! Its been awhile update. Pasensya na po. Something just came up kaya nawalan ako ng focus. Kamusta na ang mga baby ko? Andyan pa ba kayo? Promise hindi na ko mawawala ulit ng matagal. Please do vote and comment para naman ganahan ako ulit. I love you babies ko! Abangan ang mga susunod na kabanata. -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon