Alden's POV
Naging masaya ang first date namin ni Maine. Kung saan saan kami pumunta at nag gala. Gabi na ng nakauwi kami at bakas sa kanya ang pagod dahil sa maghapon kaming namasyal. Ang dami kasi namin pinuntahan. Mostly, nag occular yata kami sa lahat ng simbahan at isa lang naman ang dasal ko. Yun ay yung makasama siya habang buhay.
Nasa bahay na kami at umupo agad ako sa sala. Sumakit ang mga binti ko dahil sa kakalakad at pagmamaneho. But its all worth it. Isinandal ko ang ulo ko at narahang pumikit. "Nagugutom ka ba?" Napadilat ako ng tanungin ako ni Maine.
"Hindi po Babe. Busog pa ako e. Ikaw?" Hinila ko siya palapit sa akin. Sinandal naman niya ang ulo niya sa may dibdib ko. I can't help but smile. Sapat na sa akin ang ganito kami araw araw. Basta masaya siya sa akin at nasa tabi ko lang siya pakiramdam ko kumpleto na ang na ako. I'm so inlove with this girl.
"Hindi na din. Inaantok na nga ako e. Linis lang ako ng katawan ko tapos tulog na tayo. May pasok pa bukas e." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Maya maya na. Dito muna tayo." Niyakap ko siya ng mahigpit. Yung parang hindi na siya makakawala sa akin. "Bango bango mo naman kahit na hindi ka na maligo. Okay lang sa akin." Pagbibiro ko sa kanya. Marahan niya akong hinampas at sabay tumawa siya.
"Loko ka. Halika na. Linis na tayo tapos tulog na." Pinilit niyang umalis mula sa pagkakayakap ko.
"Sabay tayo?" Nakangising tugon ko sa kanya at kitang kita ko kung paano mamula ang pisngi niya sa sinabi kong yun. Sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagpigil. Lalo na pag magkatabi kami matulog. Minsan pa nga ay napasarap yata ang tulog niya at hindi niya namalayan na natanggal na yung kumot sa katawan niya. Nakita ko yung makinis niyang hita. Pikit mata kong tinakpan yun kahit na sa totoo lang iba na ang nasa isip ko.
"Ano ka? Nanalo sa lotto? Kakagaling lang natin sa simbahan tapos ganyan na nasa isip mo!" Pagtataray niya. Kahit na namumula na ang mukha niya. Tinalikuran niya agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob. Naiwan akong natatawa sa reaksyon niya.
Kinabukasan ay nasa opisina na ako. Lagi naman akong masaya simula nung dumating si Maine sa buhay ko. Lalo pa ngayong akin na talaga siya. Ganado ako lagi magtrabaho. Biglang nag ring ang cellphone ko at nakita ko na si Mommy yun.
"Hi Mom!" Masayang bati ko sa kanya. Miss na miss ko na ang Nanay ko e.
"Hi anak. Kamusta na? Balita ko may girlfriend ka na. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" May bahid ng tampo na sabi niya sa akin.
"Sinabi na agad sayo ni Bianca? Inunahan pa talaga ako ng bruha na yun. I'm about to tell you Mom. Kaso inunahan na ako ng bunso mong anak na ubod na maldita." Tatawa tawang sagot ko sa kanya and I hear her laugh.
"Sinabi na niya sa akin anak. At alam kong sayo siya nakatira. Wala namang problema sa akin kaya lang napapaisip ako minsan kung anong ginagawa niyo ng girlfriend mo pag kayong dalawa lang." Parang gusto kong mamula sa sinabi ni Mommy. Alam ko naman kung anong point niya. Ang awkward lang pala talaga pag Nanay mo na ang nagsasabi.
"Ma. Wala po kaming ginagawa. Believe me. Natutulog kami sa kwarto ng kaming dalawa lang pero hindi naman kami nagawa ng bagay na alam kong hindi pa niya kayang gawin. She's so innocent and naive. Ayokong mag take advantage because I respect her so much. Katulad po ng respeto ko sa inyo." Paliwanag ko sa kanya. Kahit na hindi ko nakikita si Mommy, alam ko sa sarili ko na nakangiti siya ngayon.
"That's my boy. What's her name? I can't wait to meet her na anak." Mas excited na sabi niya sa akin.
"Pag uwi niyo po." Naisip ko bigla si Dad. He's a monster. Alam kong hindi niya gugustuhin si Maine but I don't fvckin' care. Ipaglalaban ko ang mahal ko.
"Really? Sige. Sabi sa akin ng Daddy mo uuwi na daw kami next week. Yun nga pala ang sasabihin ko sayo kaya ako napatawag." Bigla akong kinabahan.
"Okay Mom. See you." Binaba ko na ang phone at bigla akong napaisip. Pero agad kong inalis ang negative thoughts na yun sa utak ko. Ipaglalaban ko si Maine. Kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaan na si Daddy ang maging dahilan para masira ang mayroon kami ngayon. My Dad only wants Louise for me. Noon pa man alam kong may kasunduan na sila ng Daddy ni Louise but I don' t give a fvck.
"Lunch na Babe." Napaangat ang tingin ko ng makita ko ang babaeng pinakamamahal ko. Maganda ang ngiti niya sa akin. Tumayo ako para salubungin siya.
"Really? Ang bilis naman ng oras." Niyakap ko siya at inamoy amoy ang buhok niya. Her presence is enough para mawala lahat ng pangamba sa dibdib ko. In fact, lalo pa akong nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban siya knowing that she's here beside me and she's all that matters to me now.
"Opo. Ang lalim naman yata ng iniisip mo kaya hindi mo namalayan ang oras e." Pagbibiro niya at pinisil ang ilong ko. Ang cute niya lang.
"Oo. Iniisip ko kasi yung maganda kong girlfriend e. Mahal na mahal ko po siya." Malambing na sagot ko sa kanya at agad naman siyang namula. Marahan pa niyang kinagat ang labi niya.
"Stop doing that Babe." Saway ko sa kanya. Alam naman niyang weakness ko yung labi niya e.
"What?" Para pa talaga siyang nang aasar at tinuloy niya pa din. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at hinalikan na agad siya. I missed her lips so much. Kahit na maghapon ko yata halikan yun hinding hindi ako magsasawa.
Gumanti din siya ng halik sa akin. Siguro dahil sa marunong ako kaya napapasabay na lang siya. I'm her first kiss. At mas gusto ko na sa akin siya unang natuto. Lumalalim ang palitan namin ng halik at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ramdam ko ang kamay niya na humihigpit ang hawak sa kwelyo ko at ako naman ay naglalakbay ang kamay ko sa likuran niya.
"Please tell me to stop." Bulong ko sa kanya ng sandaling maghiwalay ang mga labi namin.
"No. Please don't." Bulong niya. At siya na ang unang humalik sa akin. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa mini bedroom ko sa opisina. And then the rest is history.
------
A/N: Hi babies! Its been a while. Medyo busy lang si Ate these past few days kasi madami akong trabaho sa opisina. So please bear with me. Medyo nakakainis pag may nagsasabi saken ng UPDATE. Yung tipong akala mo binabayaran ako kung makautos. Am I over reacting? In some way nagpapasalamat ako kasi may nag aabang sa story ko. But please wag niyo ko ipressure na mag update kasi may ginagawa din ako. To those who are patiently waiting and considerate enough to wait, this chapter is for you. Ayun lang. Thank you babies. Comments please. Love you. 😘 -Ate Jen
BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...
