Twenty Three

2.5K 124 11
                                    

Maine's POV






Matapos na naman niya akong halikan ay hindi ko na nagawang magsalita pa. Nakatulala pa din ako dito sa may pader at parang hindi makapaniwala sa ginawa niya. But then, wala akong maramdaman na galit o inis. At higit sa lahat, respeto yung nararamdaman ko. Para akong isang babasaging baso na ingat na ingat siyang bumagsak para hindi mabasag.




Kanina pa pala siya nakaalis. At ngayon lang ako bumalik sa katinuan ko. Napahawak ako sa labi ko. At wala sa sariling napangiti ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang nahuhulog na ako sa kanya. Bahagyang napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ko.





Baka kaya lang niya ginagawa yun ay dahil sa may utang na loob ako sa kanya at sinasamantala niya lang ang pagkakataon dahil alam niyang hindi ako makakapalag sa kanya. Pero sa kabilang banda, may pakiramdam ako na hindi ganun. Na mas higit pa dun.





Para akong maloloka sa naiisip ko kaya naman nagpasya ako na maglinis na lang ulit ng buong bahay. Naging abala ako ng mga sumunod na oras ng biglang may mag door bell. Kinabahan naman ako. Siguradong hindi si Alden yun dahil pwede naman siyang dumeretso na agad sa loob.






Inayos ko ng konti ang sarili ko at humugot ng malalim na buntong hininga. Sana naman hindi girlfriend ni Alden to. Baka masabunutan ako ng wala sa oras.






Pagbukas ko ng pintuan ay bumulaga sa akin ang isang dalagita na mahaba ang buhok at tunay na napakaganda talaga. Kung hindi ako nagkakamali ay kapatid niya ito. Dahil magkamukha sila.






"Hi. Si kuya?" Nagulat pa ako dahil napaka galang ng batang kaharap ko. Ang akala ko kanina ay tatarayan niya ako.





"Hi. Wala e. Pumasok. Halika muna dito sa loob." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya at napahinto ako ng bigla niya akong yakapin. I feel so welcome.







"Ako si Bianca, Ate. Actually, hindi naman si Kuya ang sadya ko kaya ako pumunta dito. Ikaw talaga. Gusto kasi kitang makilala. At hindi nga nagkakamali si Kuya. Maganda ka nga." Namula naman ako sa sinabi niyang yun. Niyakap ko din siya pabalik. Bigla ko naman namiss si Ingrid. Kamusta na kaya siya.





"Ay. Nakakahiya naman sayo. Halika dito nagluto ako. Para makakain ka na." Nahihiya pa din ako sa kanya. Pumasok siya sa loob ng bahay.






"Wag ka ng mahiya sa akin Ate. Gusto ko nga dito mag stay muna. Ma feel ko man lang na magkaroon ng Ate. Sorry ah? Madaldal talaga ako lalo na pag magaan ang loob ko sa isang tao. Wag ka na maiilang sa akin Ate." Ngumiti siya muli sabay sinabit ang kamay niya braso ko kaya naman mas natuwa ako.




Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong treatment. Sa ibang tao pa. Yung pagtanggap na hindi ko inaakalang mararanasan ko pa pala. Naging masaya ang araw para sa akin. Lalo na ngayon na nandito si Bianca. Madami na din kaming napagkwentuhan kaya hindi na namin namalayan ang oras.





"Siguro Ate may gusto sayo si Kuya." Napahinto ako sa paghahalo ng Pork steak na niluluto ko dahil sa sinabi niya.






"Naku. Wala. Magkaibigan lang kami ng Kuya mo." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at ngumiti ng may halong pang aasar. Napatingin ako sa orasan at pasado alas syete na. Parating na yun si Alden. Inayos na namin ni Bianca ang hapag kainan para pagdating ni Alden ay kakain na lang kami.








Alden's POV







Nagmamadali akong umuwi dahil gutom na ako. Sigurado ako na nagluto yun si Maine. Tataba ako nito sigurado e. Ang sarap pa man din ng mga niluluto niya kaya mas ginaganahan ako lalo umuwi.






Nag park ako at tsaka sumakay ng elevator paakyat sa unit ko. Si DJ at James kasi ay nasa kanya kanyang mga bahay nila. Pero bago pa man ako makapasok ng bahay ay narinig ko na may nagtatawanan sa may bandang kusina.






"Bianca?!" Gulat na gulat ako dahil nandun ang kapatid ko. Well, hindi na bago sa akin na bigla siyang nasulpot dito. Ang ikinagulat ko ay yung masaya silang nag uusap ni Maine at parang close na close na agad sila.






"Oo. Bakit Kuya? May iba ka pa bang Bianca na kilala?" Pamimilosopo niya sa akin. Kaya naman nagmamadali akong lumapit sa kanya at kinutusan siya. Pero yung may halong biro. Masaya ako na makita ang isa sa pinaka importanteng babae sa buhay ko.






"Ouch! Kuya naman e!" Tatawa tawang sabi niya sa akin. Napansin ko si Maine na masayang pinagmamasdan kaming dalawa. At nakakatuwang isipin na nakapalagayan siya ng loob ng kapatid ko. Open naman kasi kami ni Bianca sa isa't isa. Kaya nabanggit ko na din sa kanya si Maine.






"Halika na. Kain na tayo. Kanina pa kasi nag uungot si Bianca e. Sabi ko hintayin ka na namin." Nakangiting sabi ni Maine sa amin. Kaya naman masaya kaming pumunta sa hapag kainan at pinagsaluhan ang dinner na niluto daw nilang dalawa. Panay ang kwento ni Bianca sa amin at nakikinig lang kami.





Natapos ang dinner namin at dun lang ako nagkaroon ng pagkakataon na masolo si Maine.







"May nakakalimutan ka na naman!' Parang bata na maktol ko na naman sa kanya. Napataas naman ang kilay niya. Nakakatuwang isipin na hindi na siya masyadong naiilang sa akin.






"Hoy! Ang usapan natin ay pag aalis  ka o aalis ako. Wala ka naman sinabi na hanggang sa pag uwi mo! Hindi mo na pwedeng dagdagan yung kalokohan na rules mo or else, mapapawalang bisa lahat yun!" Mataray na tugon niya sa akin at tsaka ako tinalikuran. Hindi man lang ako nakasagot dahil napanganga ako dun! Ang tanga mo Alden! Hindi mo nga pala nilinaw na pati pag uwi ay may kiss dapat!





"Maine!" Sigaw ko sa kanya tsaka hinabol siya pero para siyang bingi. Sinundan ko siya hanggang sa pintuan ng kwarto nila ni Bianca.






"Goodnight na. Antok na kami." Pang aasar pa niya.







"Ang daya mo naman e!" Nagmamaktol pa din ako pero tatawa tawa lang siya. Biglang dumungaw si Bianca.






Walang ano anong dahan dahan niyang tinulak si Maine palabas dahilan para mapasandal siya sa dibdib ko. "Ate. Yung mga gamit mo nasa room na ni Kuya. Dun ka na matulog ah? Goodnight!" Sabay sinara niya ang pintuan at iniwan kaming nakatulala. Thank you my little sister. May ice cream ka saken bukas. Wahaha!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon