Sixty Seven

2.6K 101 11
                                    

Maine's POV









"Ang bastos bastos mo Babe! Pinagsamantalahan mo yung kahinaan ko! Ano na lang ang mukhang maihaharap ko pagkatapos ng ginawa mo? Kababae mong tao! Isusumbong kita sa anak natin!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang yun. Matapos kasi yung nangyari kanina ay nagmamadali akong pumasok sa sasakyan niya! Fuck! Nakakahiya! Hindi ko naman talaga sinasadyang mahawakan e! Kasalanan to nung dalawang kabataan na nagawa ng milagro!








"Ho--hoy! Hindi ko sinasadyang mahawakan yang---"










"Sige banggitin mo pa! Alam mo bang kanina pa ko hirap na hirap dito? You're torturing me!" Parang bata pa din na daldal niya. Pero halata kasi sa bawat galaw niya na medyo hindi siya komportable. Napaawang na lang ang bibig ko at napangisi. Mukhang gusto kong mang trip ngayon ah.









"Tsk! Hindi ko naman kasi talaga sinasadyang mahawakan yang angry bird mo! Tss." Nagpipigil ako ng tawa. Nakasimangot naman siyang tumingin sa akin. "Oh bakit?" Maang maangan na tanong ko pa sa kanya.









"Sinasabi ko sayo tigilan mo yan. Ihihinto ko tong sasakyan at sisiguraduhin kong mas malakas yung sigaw na gagawin mo kesa dun sa dalawang nakita natin kanina!" Banta pa niya. Napangiti talaga ako sa itsura niya. Ang sarap niyang asarin e. Hindi na ako kumibo pa. Baka kasi totohanin niya bigla yung sinabi niya e.









"Urgh!" Bigla na naman siyang nagmaktol. Takang napatingin ako sa kanya. Nakasambakol pa din ang mukha niya.









"Hindi na kita inaano dyan ah! Bat nag aamok ka pa din?" Tanong ko sa kanya. At ganun na lang ang gulat ko ng bigla niyang ihinto yung sasakyan. Kung hindi siguro ako naka seatbelt ay baka nahalikan ko na yung salamin sa unahan. "Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Bulyaw ko sa kanya.








"Oo! At ikaw ang papatay sa akin! Alam mo ba yung ginawa mo kanina? Tsk!" Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil bigla niyang sinakop yung bibig ko. Hindi ako makagalaw. Shit! Unti unti kong pinikit ang mata ko at sumabay sa halik niya.









Naghahabol kami ng hininga pareho matapos ang eksenang yun. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. "Sa susunod wag mo kong bibiruin ng ganun kung ayaw mong masundan agad si Charmaine. Pero pabor sa akin yun Babe. Gusto ko na ng baby e." Bumalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya at pinaghahampas ko siya.









"Ikaw ang bastos! Basta ka na lang nanghahalik dyan!" Inis na sigaw ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya. At biglang hinuli ang dalawang kamay ko. Napalunok ako sa kanya dahil ang lapit na naman ng mukha niya sa akin. "I love you."  And then he claimed my lips again.











Alden's POV









Nasa Laguna na kami at halos ayaw na kaming pauwiin ni Mommy at Daddy. Giliw na giliw kasi sila sa apo nila. Maayos pa din ang pakikitungo nila kay Maine. Kailanman ay hindi nagtanim ng galit ang pamilya ko sa babaeng mahal ko.








"Ate Maine, sige na. Dito na kayo matulog. Hindi pa nakakapag sleep over si baby dito e." Pakiusap ni Bianca sa kanya. Sana pumayag siya. Tas pipilitin ko si Daddy na sa tabi nila matulog si Charmaine. Gusto kong masolo ang Mommy niya ngayon.









"Sige na nga. Pero dun ako sa room mo matutulog ah?" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niyang yun. Narinig ko ang pagtawa ni Daddy.









"Cannot be Ate. Maliit lang kama ko tas malikot ako matulog. Dun na lang ikaw sa room ni Kuya ah?" Sabay tingin sa akin ni Bianca. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Ang bait bait talaga ng kapatid ko!










"Maine, anak. Sa tabi namin ng Mommy mo matutulog ang apo namin ah? Please? Gusto kasi namin siya makasama ng matagal e. Dun ka na lang sa kwarto ni Alden. Sigaw ka na lang pag may ginawa siya sayo." Namula ang mukha ni Maine pero halata naman na nagpipigil lang siya ng tawa. As if naman marinig ka nila pag sumigaw ka. Sound proof kaya yung kwarto ko.








"Si-sige po." Alanganin ang sagot niya. Pero sapat na yun para magdiwang ang puso ko sa saya. Gusto ko tuloy mag trumphets dito sa gitna. Napatingin siya sa akin at nginisian ko naman siya. Inirapan niya na lang ako.









Dumating na ang oras ng pagtulog. Ang pinakahihintay ko. Humalik muna kami sa anak namin bago tuluyang lumabas ng kwarto nila Mommy. Nauna akong gumamit ng banyo sa kanya. "Mommy Babe. Ikaw na." Malambing na sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako at deretsong pumasok sa banyo.








Humiga na ako sa kama at naglaro muna sa phone ko. Pero ganun na lang ang gulat ko nung lumabas siya ng banyo! Naka red na nighties siya. Ilang beses akong napalunok. Putcha! Ang sexy niya! Tuloy pa din siya sa pag aayos ng buhok niya. Hindi talaga ako pinapansin.









"Staring is rude." Untag niya. Napalunok naman ako ulit ng makita kong palapit na siya sa higaan namin. Damn! Ang sexy niya talaga sobra! Humiga siya sa tabi ko pero nakatalikod naman saken! Damn!










Ikot ako ng ikot at hindi ko alam kung paano ako matutulog. Sino ba namang makakatulog kung katabi mo ang babaeng pinakamamahal mo na nanay ng anak mo tapos ganito ang suot. Ang masakit pa nun, hindi ko siya pwedeng hawakan kasi baka masapak ako.










"Ano ba? Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka!" Bulyaw niya sa akin. "Para kang bulate na nilagyan ng asin! Tsk!"









"Tsk! Are you seducing me?" Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na siya. Medyo dim lang ang ilaw kaya kita ko pa din ang mukha niya. At parang nang aasar pa siya. "Stop biting your lips! Shit!" I hissed. Ang mukha niya ay hindi ko malaman kung matatawa ba o sisimangot.










"Wala akong ginagawa sayo! Kung ang balak mo ay mag zirko dyan sa higaan mo, lilipat na lang ako sa baba--"










"Fvck! Sa baba ka matutulog ng ganyan ang suot mo?! Hell no! And please stop seducing me my future wife..... because I can't take it anymore." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Napaawang pa ang bibig niya at walang sabi sabing hinalikan ko na lang siya.










****
A/N: Happy Monday babies! And please do vote and comment. Thanks! 😁

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon