Maine's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may nakadagan sa akin. Hindi ko na nga alam kung anong oras na. Masyadong mahaba ang gabi para sa aming dalawa. Hindi ko inaasahan ang maririnig ko sa kanya. Hindi ko din inaasahan yung paghihirap na naranasan niya nung nawala ako sa kanya. Tinignan ko siya at halatang malalim ang tulog niya dahil nakaawang pa ng kaunti ang bibig niya. Kamukhang kamukha ni Charmaine.
"Alden... Ta-tatayo na na ako. Maghahanda ako ng kakainin natin." Bahagya kong inurong ang paa niya na nakadagan sa akin at inalis ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko pero hindi pa man ako nakakaalis ay nahigit na niya agad ako pabalik sa kanya. "Ay shit!" Biglang sabi ko. Nakakagulat naman kasi.
"Dito ka lang." Nakapikit na sabi niya. Ramdam ko ang paghinga niya sa tenga ko at naramdaman ko din na mainit siya.
"Alden. Mainit ka." Pero imbes na sumagot siya ay tanging ungol lang ang narinig ko. Tumayo ako sa pagkakahiga niya at umayos ng upo. Sinipat ko ang noo niya at talagang ang taas ng lagnat niya. Tsk. Naulanan nga pala kami kagabi. Masama siguro talaga ang pakiramdam niya dahil mabilis siyang nakatulog. Dahan dahan akong tumayo para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Si Charmaine ay nasa Lolo at Lola niya kaya literally, dalawa lang kaming nandito sa bahay.
Naghanap ako ng pwede kong lutuin matapos kong maghilamos. Sinuot ko na lang yung tshirt niya na mahaba dahil yun ang unang nakita ko sa cabinet. Tinatamad akong maghanap ng damit. Gusto ko lang ay yung komportable. Pinusod ko ng mataas ang buhok ko at tsaka nagsimulang magluto ng soup. Kailangan niya ng mainit e. Habang nagluluto ay tinawagan ko ang Mommy ni Alden para ipaalam na hindi namin masusundo si Charmaine.
"Bakit anak? May nangyari ba?" Alalang tanong ni Tita Cherrie. Lihim akong natuwa sa kanya. Talagang mahal na mahal niya si Alden. At gusto kong maging katulad niya. Mamahalin ko din si Charmaine.
"Wala po Ti-- Mommy. May lagnat lang po si Alden. Baka kasi mahawa si baby. Kung okay lang po dyan muna siya." Nahihiya pa din kasi akong tawagin siyang Mommy. Pero nagtatampo naman siya pag Tita ang naririnig niyang tawag ko sa kanya.
"Huh? Bakit nagkasakit? Siraulo talaga nyang batang yan. Oo naman. Dito lang muna ang apo namin. Pabor sa amin yun. Ikaw anak? Okay ka lang ba dyan? Kaya mo ba alagaan si Alden? Sabagay. Baka mas gusto pa niyang magkasakit para alagaan mo e." Nang aasar na sabi niya pa at pinamulahan naman ako ng mukha.
"Opo. Okay lang po. Ako na pong bahala kay Alden. Salamat po ulit." Hinintay ko na lang siyang sumagot at tuluyan ng nagpaalam. Kailangan ko ng matapos ito para mapakain ko na siya at mapainom na din ng gamot. Nagmamadali akong nag ayos ng tray at dinala na yun sa kwarto namin. Hay. Kwarto talaga namin.
Naabutan ko siyang nakadapa naman. Nakabalot siya ng kumot. Hininaan ko naman yung aircon. Hindi kasi pwedeng patayin. Para lang mabawasan ang init niya sa katawan. Kumuha din ako ng planggana na may mainit na tubig at bimpo na may alcohol para ipunas sa kanya. Naramdaman niya siguro yung ginawa ko. Nakita ko siyang nagmulat ng mata.
"Halika dito. Pupunasan lang kita para bumaba na yang lagnat mo." Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Matamlay ang mga mata niya kaya halatang may sakit siya. Lumapit ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Gustuhin ko mang mailang sa paraan ng pagtitig niya ay wala naman akong magawa. Kailangan ko siyang punasan. Pinalitan ko din siya ng damit pagkatapos.
"Wala akong gana kumain e. Mapait panlasa ko." Nanghihinang tugon niya. Syempre hindi ako pumayag. Tinignan ko siya at parang nagets niya naman yung tingin ko na yun. "Sabi ko nga kakain na ako e. Nakukuha naman po ako sa tingin." Aba't nakuha pa talagang magbiro.
"Kumain ka ng madami kasi kailangan mo yan. Para makainom ka ng gamot." Parang Nanay na sermon ko sa kanya and I hear him chuckle. Sinamaan ko naman siya ng tingin at para siyang bata na nakagat ang labi niya. "Kung gusto mong masundo agad yung anak mo. Magpagaling ka. Dun muna siya sa Mommy at Daddy mo habang may sakit ka pa." Patuloy ko pa. Unti unti kong niligpit ang mga pinagkainan niya.
"Do you know why I love you so much?" Awtomatikong napatingin ako sa kanya at napatigil sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo ako sa harapan niya. Wala sa sariling napasunod ako. "Its because I learned to enjoy every simple things whenever I am with you. Kahit na ganito lang tayo. Kahit na walang ginagawa. Basta magkasama lang tayo. I find peace. Your arms is my comfort zone. And wherever you are is my home." Hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi yun sa akin. Parang gustong huminto ng tibok ng puso ko sa narinig ko.
"Nung nawala ka. Nawala din ako. Naligaw ako ng landas. Hindi ko maisip na nawala ang mag ina ko dahil sa sarili kong kagaguhan. Sabi ko noon, hinding hindi kita sasaktan. Pero sinaktan pa din kita. I'm sorry Babe. Araw araw akong nagsisisi kung bakit nawala kayong mag ina sa akin. I deserve that. Hindi ko naisip na hindi lang ikaw ang mawawala sa akin. Pati na din ang anak natin. Sorry Babe. Hindi ako perpekto. Sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. I caused you so much pain. And I don't know how to take that away. Paano ba Babe? Sabihin mo naman. Gagawin ko." Mas napatunganga ako sa kanya ng biglang tumulo ang luha niya sa harapan ko. Mas kitang kita ko ngayon dahil wala ng ulan.
"Spank me. Punch me. Slap me. Kahit ano. Lahat gagawin ko patawarin mo lang ako. Let me correct the wrongs and make it right. Ibigay mo sa akin lahat ng sakit at sama ng loob. Ako ang magdadala. Gago kasi ako e. Pero alam mo bang walang ibang kayang mahalin ang gagong to kundi ikaw lang? Ikaw lang ang kilala ng puso ko. Kaso gago nga ako e. Ginawa kong bato yan. Wala na bang pag asa Babe? Kasi kahit wala na, hahanap at hahanap ako ng dahilan para magkaroon ulit tayo ng kahit maliit na pag asa pa. Kahit konti lang. Please? Take me back. Be with me again. Come back to me." Kung kanina ay naiyak siya. Ngayon ay nahagulgol na siya. Kaya naiyak na din ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at inangat ang tingin niya. I can see the pain, loneliness and agony in his eyes.
"Sshhh. Don't. Don't blame yourself. May kasalanan din ako. Hindi kita hinayaan magpaliwanag. Akala ko kasi ako lang yung nasaktan. Hindi ko naisip na mas masasaktan ka din pala. I'm sorry din Alden. Pinagdamot ko ang lahat. Pinagdamot ko sayo yung anak mo. Hindi mo narinig yung unang pag iyak niya. Hindi mo naramdaman yung unang pagpadyak niya. Hindi kita hinayaang maramdaman yung kasiyahan na naramdaman ko dahil mas inuna ko yung galit ko. And let's make things right. Hindi natin itutuloy kung saan tayo nagtapos. Kasi magsisimula ulit tayo ng bago." Hinayaan kong lumabas sa bibig lahat ng yun at siya naman ang nakatanga sa akin. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil hinatak ko na agad ang batok niya para halikan siya.
****
A/N: Guys! Malapit ng matapos to. Huhu! Pero may ibang story pa na nakapending. Sana suportahan niyo din yun. For the mean time, please vote and comment. Thank you!

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...