Seventeen

2.5K 124 7
                                    

Alden's POV





Kakalabas niya lang ng ospital at nandito kami ngayon sa condo ko. Tulad ng napag usapan namin ay sa akin na muna siya titira. Hindi ko talaga siya papayagan na bumalik sa kanila. Lalo na't nakita ko kung paano siya tratuhin ng Nanay niya.


"Saan ako mag stay?" Tanong niya habang hawak ko siya. Pilay pilay pa din kasi siya lumakad kaya kesa naman bukas pa kami makarating sa unit ko dahil sa bagal niya lumakad ay kinarga ko na lang siya.


"Sa kabilang room. Dalawa ang kwarto ko dito dahil minsan ay nandito ang kapatid ko." Sagot ko sa kanya nung maibaba ko na siya. Nagpalinga linga siya sa buong kabahayan.


"Kinakabahan ako. Baka kasi malaman ng magulang mo na nandito ako. Panget tignan." Nakayukong sabi niya. Natawa naman ako dun. Ibang klaseng babae talaga. Lagi niyang iniisip ang sasabihin ng iba.


"E ano naman ngayon? Bahay ko to. Papatirahin ko kahit sinong gusto ko. Wag ka na nga mag isip dyan." Iniba ko na lang ang topic namin. Masaya akong makita na hindi na siya masyadong naiilang sa akin.


"Salamat talaga, Alden." Ngumiti siya kaya naman ngumiti din ako. Inayos ko ang tutulugan niya. Hindi ko minsan naisip na aabot ako sa puntong to. Yung pagsisilbihan ang babaeng kailan ko lang nakilala. Pero masaya ako. Yun lang ang alam ko. At yun ang importante sa akin ngayon.


"Okay na yung tutulugan mo. If ever na may kailangan ka pa. Don't hesitate to approach me. Feel at home okay?" I assured her and she smiled again. Parang isang magandang tanawin sa akin lalo na pag nakangiti na siya.

"Sige." Tipid na ngumiti siya. Lumabas muna ako sandali para bumili ng pagkain namin. Pwede naman akong magpadeliver pero lalabas na lang ako para makapag ayos din siya ng sarili niya.


Nasa baba na ako ng makita ko si James na nakasandal sa smoking area sa labas ng lobby ng condo. Mukhang malalim ang iniisip ng isang to ah.


"May problema ba brader?" Nagulat siya ng bigla ko siyang akbayan. Ganun kalalim ang iniisip niya kaya hindi man lang niya naramdaman ang presence ko.



"Wala. Dami lang trabaho. Bakit lumabas ka? Sinapak ka na naman ba?" Biro niya sa akin. Sinabayan pa niya ng nakakalokong tawa.


"Bibili ako ng pagkain. Sama ka? Nasaan si DJ? Dun tayo sa unit ko kumain. Tara na!" Hindi ko na din siya hinintay sumagot at hinatak na siya papunta sa parking area.


Bumili kami ng sapat na sa aming apat. Natawagan na din niya si DJ. Pero hindi pa din nakibo ang isang to.


"Dumaan na tayo sa isang mall na malapit dito. Ibili mo ng damit yang girlfriend mo." Dun ko lang naisip na wala nga pala siyang damit na gagamitin. Under garments lang ang meron dun na hindi pa nagagamit ni Bianca.


"Hindi ko alam kung anong gusto niya e. Bukas ko na lang siya ibibili. Halika na." Madali na kaming bumalik sa condo dala ang mga pagkain na binili namin.







Maine's POV





Hindi ko maiwasan ang mapangiti lalo na kanina nung kinarga niya ako. Kaya ko naman maglakad e. Mainipin lang talaga siya. Unti unti na din akong nagiging komportable sa kanya. Hindi muna ako gumalaw. Nahihiya kasi ako baka mamaya may mabasag ako o masira. Madadagdagan na naman ang utang ko sa kanya.


"Sorry natagalan. Gutom ka na ba?" Biglang pumasok si Alden na may dalang dalawang malaking paper bag. Kasunod niya si DJ at si James.


"Hindi pa naman. Okay lang ako. Hi!" Bati ko sa kanila at ngumiti naman sila. Ang gwapo nilang tatlo. Feeling ko pag kasama ko sila, anytime ay may sasabunot sa akin.


"Takot na takot magutom ka. Tsk tsk. Alam ko na kasunod nito." Pang aasar ni DJ. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya naman namula na agad ako.



"Magsalita ka pa! Ipapasok ko sa bibig mo tong kutsarang hawak ko!" Inis na sagot ni Alden. Natawa naman ako dun. Umupo na kami sa dining area. Nagulat pa ako nung akayin niya ako patayo. Hindi nakaligtas sa akin ang mapang asar na ngiti nung dalawa.


"Protective. Hindi naman namin aagawin sayo si Maine." Asar ulit ni DJ. Sinamaan lang siya ng tingin ni Alden. Matiwasay naman akong nakaupo.


"Kaya ko naman. Wag mo na ako alalayan." Nahihiyang sabi ko sa kanya.



"Kaya mo naman talaga. Kaya lang pag pinabayaan ka namin lumakad mag isa. Malamang magiging late dinner na ang kakainin natin." Pagbibiro niya. Hindi ko tuloy napigilan na hampasin siya. At doon ko nakita na mas lumawak ang pag ngiti niya.



"Maiba ako, Maine. Si Kathryn ba..." Napatingin ako sa sinabi ni DJ. Parang mauutal pa nga siya e. Hindi ko mapigilan ang makaramdam agad ng kilig para sa kaibigan ko.



"Hmm. Anong si Kathryn?" May bahid ng pang aasar ang tono ng pananalita ko kaya lalo niyang hindi matuloy ang sasabihin niya.



"May boyfriend na ba siya?" Parang hiyang hiya pa talaga si Daniel. Nagtawanan na naman si Alden at si James. Sinamaan sila ng tingin ni DJ. Nahahawa na tuloy ako sa kanila.



Nilagyan ni Alden ng pagkain ang plate ko. Napatingin naman ako sa kanya na normal pa din ang itsura habang nakikipag biruan sa mga kaibigan niya. Panay pa din ang asar nila kay DJ.




"Naku napana na ni Kupido ang isang to. Parang ikaw Alden! Ang lakas mo makahawa! Nakakadiri!" Pang aasar ni James. Akala ko ay aapela pa si Alden pero imbes na patulan niya si James ay bigla niya akong sinubuan ng isang pirasong gulay.



Hindi ko na kailangan ngumanga pa. Dahil literal na napanganga ako sa ginawa niya. Naramdaman ko na lang na  nasa bibig ko na yung gulay. Nahiya naman ako bigla kaya mabilis ko yung nginuya. At alam kong namumula na naman ako.



Alagang alaga niya ako. To think na ngayon pa lang niya ako nakilala pero hindi ko maramdaman na isa lang siyang estranghero sa buhay ko. Dahil nararamdaman ko na sincere siya sa ginagawa niya sa akin. My real life superman.


---
A/N: Haluuu! Ginaganahan naman ako mag UD dahil sa mga comments niyo. Nakakainspire. Hehe! Thank you babies! I love you!😘😘

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon