Maine's POV
Nasa opisina niya ako ngayon para ibalik ang wallet niya na nahulog sa daan. Gusto kong matawa sa kanya. Akala ko kasi namalikmata lang ako nung nakita ko siya sa may lugawan kagabi. Mabuti na lang at nasundan ko siya agad pero hindi ko naman naabutan dahil ang bilis niya.
"Next time Sir. Wag kayo mag iiwan ng ebidensya. Nahuhuli e." Tatawa tawang asar ko sa kanya. Hindi naman siya makapagsalita. Bakas pa din ang pagkagulat sa mukha niya.
"Paano napunta sayo yan?" Namumutla pa din na tugon niya. Aba naman at ku yan?" nwari hindi niya alam ang nangyari. Haha!
"Hindi ko po alam. Basta nahulog na lang to sa tapat ng lugawan kaninang madaling araw. E sa pagkakatanda ko, sa labas ng bar kita iniwan. Paano nga ba to napunta sa lugar namin?" May bahid ng pang aasar na tanong ko sa kanya at siya naman ay parang naghahanap ng isasagot.
"Hindi ko alam!" Mabilis na sagot niya at parang napataas pa ang boses kaya napailing na lang ako at hindi ko maiwasan ang matawa.
"Sige na nga. Ang galing naman pala ng wallet mo. Naglalakbay sa lugar namin. Parang may sariling isip. Eto lang naman talaga ang sinadya ko dito. Hindi ko yan pinakialaman. Tinignan ko lang yung cards mo para malaman kung saan ko yan dadalhin. Sige." Nilapag ko sa desk niya yung wallet niya at tsaka lumakad papunta sa pintuan. Hindi ko na din siya hinintay na sumagot pa.
"Sandali." Syempre napahinto ako sa paglalakad.
"Wala akong time makipag kwentuhan kasi unang una, hindi naman tayo magkaibigan. Hindi nga tayo close e. May trabaho pa ko. Wag ka na magpasalamat para quits na tayo." Paunang salita ko sa kanya. Hindi ko na nga siya nilingon. Naglakad ako ulit palabas ng opisina niya.
Nagpaalam ako kay Ma'am Pia. Mabait kasi siya. Akala ko kasi mapagmataas lahat ng taong nagtatrabaho sa isang malaki at kilalang kompanya. Don't judge the book by its cover nga kasi Meng.
Lumabas na ako ng building niya at tsaka nag abang ng jeep papunta sa restaurant. Aminado ako na magaan ang araw para sa akin ngayon dahil wala si Nanay Connie na umaga pa lang ay imbyerna na sa akin.
Sasamantalahin ko ang ilang araw na wala siya para makapag ipon. Sayang din kasi yun. Mag oovertime ako ulit sa bar mamayang gabi pars masulit ko. Minsan lang mangyari ito at paniguradong bubulyawan na naman ako ng Nanay nanayan ko pag uwi niya para lang bigyan ko siya ng pera.
Nakarating ako ng restaurant at maaga pa ko ng ilang minuto. Nag in na din ako agad. Bawat minuto ay mahalaga. Sinimulan ko na ang trabaho ko ng maaga. Dumating na din ang mga kasama ko at ang mga customer kaya naging abala na ako.
James's POV
"Oh bakit parang nabuhusan ka ng tubig na malamig dyan?" Bati ko kay Alden. Tulala kasi siya at parang malalim ang iniisip. Hindi man lang niya namalayan na dumating na ako.
Pumasok ako sa opisina niya at umupo tulad ng nakasanayan. Pero nakakapanibago ang kaibigan ko dahil hindi niya man lang ako binulyawan o sinita kasi inistorbo ko na naman siya.
Ang pamilyang kinabibilangan namin ay isa sa mga pinaka kilalang pamilya sa buong bansa dahil sa kabi-kabilang negosyo na meron kami. Pero hindi naman lumaki ang ulo ko dahil dun. Mayabang ako pero hindi ko pinagmamalaki na galing ako sa mayamang pamilya.
"Dre. Ano ba? Nakakainis na yang ginagawa mo." Sita ko pa din sa kanya tsaka lang siya napatingin sa akin.
"Kanina ka pa?" Himala talaga dahil malumanay ang pagsasalita niya.
"Ihampas ko kaya sayo yang laptop mo o kaya tong upuan para matauhan ka! Ano bang nangyayari sayo at tulala ka?" Deretso ang tingin na tanong ko sa kanya pero hindi naman nagbago ang itsura niya.
Alam ko na to. Kahit hindi niya sabihin sa amin ay alam namin na tinamaan siya kay Maine. Kilalang kilala na namin ang isa't isa. Mga bata pa lang kami ay magkakasama na kami.
"Alam mo kung gusto mo pormahan si Maine, wala naman napigil sayo! Kesa yung ganyan ka na natutulala ka dyan. Para kang hindi lalake e. Tsk." Hindi na ako nakatiis at inunahan ko na siya.
"Hindi siya interesado sa akin dre. Sinabi niya yun sa pagmumukha ko mismo." Naguguluhang sagot niya at gusto kong matawa.
"Edi suyuin mo. Ibig sabihin ba nyan, umaamin ka na gusto mo nga siya?" Pang aasar ko sa kanya at napalitan naman ng inis ang kaninang seryoso niyang mukha.
"Wala akong sinabing ganun! At tsaka pakialam ko ba sa babaeng yun. Nagpapakipot lang naman saken yun. Hindi ko yun hahabulin kailanman! Itaga mo dyan sa bato!" Inis na sagot niya saken. Bahagya akong natawa sa sagot niya. Ang lakas mag deny.
"Sabi mo e." Iiling iling na sagot ko sa kanya. Natapos ang kwentuhan namin tsaka ako nagpasyang bumalik sa trabaho ko. Hindi naman kalayuan ang building namin sa building nila Alden kaya naglalakad lang ako.
Pero bigla na lang akong may nakabanggang isang babae na nagmamadali.
"What the heck! Bakit ba hindi ka natingin sa dinadaanan mo?!" Bulyaw ko sa kanya. Pero imbes na mag sorry siya ay tinignan pa niya ako ng masama.
"Hoy! Wag mo nga akong sinusungitan dyan at nagmamadali ako! Late na ko sa trabaho ko! Tsaka na tayo magrematch! Chura nito! Akala ko kinapogi mo yan! Tabi nga!" Napanganga ako ng bigla niya akong tabigin at nagpatuloy sa paglalakad.
Sinundan ko na lang siya ng tingin at hindi ako makapaniwala sa inasta niyang yun. Sa kabilang banda, parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan pero alam kong nakita ko na siya.
Hindi ko na lang pinansin yung babaeng yun at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa building namin. Sana madapa siya. Haha! Ang angas kasi e. Parang si Maine. Talaga bang hindi lahat ng babae ay magkakandarapa sa mga gwapong katulad namin? Bakit may ibang babae pa din na palaban at parang walang pakialam? Hindi ko mabigyan ng kasagutan ang tanong ko kaya pinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari.
BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Novela JuvenilSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...