Twenty One

2.7K 135 8
                                    

Maine's POV







Nakatulala pa din ako habang yakap niya ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. At sa itsura niya ngayon ay parang takot na takot siyang mawala ako. Ramdam ko ang paghinga niya. Pati na din ang pagiging totoo niya sa sinabi niya.




"Hi-hindi pa naman ako aalis. Wag ka ngang ganyan." Sinikap kong pasiglahin ang boses ko at nagtakangkang kumawala mula sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan.






"Ayoko ng sagot mong hindi pa. Ang gusto kong marinig ay yung hindi ka talaga aalis. Wag kang aalis." Parang batang pagsusumamo niya. Hindi ko magawang kumibo. Dahil ako man ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ginagawa niya. Ayokong bigyan ng ibang meaning yung pinapakita niya.





"Sige na. Tama na wag ka ng ganyan." Niyakap ko siya pabalik. May sariling isip yata ang kamay ko e.




Nung kumalas siya sa akin ay dun ko nakita na may bahid ng lungkot ang mga mata niya. Ganun ba siya katakot na mawala ako sa kanya?




Nauna akong lumakad at pumunta sa living room para manood ng TV. Baka saan na naman mapunta ang usapan e. Naramdaman ko na lang na pasalampak siyang umupo sa tabi ko.






"Napagod ako dun! Nakakaantok tuloy." Nag inat siya ng dalawang braso niya sabay humikab. Grabe wala ba talagang anggulo na panget ang damuhong to? Gwapo pa din e.






"You're staring. Gwapo ko no?" Pang aasar niya tapos ay sinabayan pa niya ng kindat kaya naman namula ako.




"Oo sana kaya lang bawasan mo lang pagiging kampante mo." Pairap na sagot ko sa kanya. Kinuha ko yung remote at tsaka nilipat yung channel.




Laking tuwa ko ng makita ko na Spongebob ang palabas kaya naman aliw na aliw akong manood. Hindi ko din minsan mapigilan ang matawa lalo na pag nagagalit sa Squidward tapos patuloy pa din si Spongebob at Patrick sa pang aasar sa kanya.





"Lipat mo naman yan! Para namang baliw yan e. Ayoko nyan. Gusto ko Tom & Jerry!" Parang bata na atungal niya. Srsly? Tom & Jerry?





"Eeee! Mas maganda yan! Nagsasalita yan e. Si Tom & Jerry naman panay habulan lang!" Inis na sagot ko sa kanya. Tangkang aagawin niya yung remote pero mabilis ko itong tinago sa may gilid ko.





"Isa! Ilipat mo na yan! Nakakapikon yang tawa ni Spongebob e!" Maktol pa niya at hindi ko maiwasan ang matuwa sa facial expression niya dahil ang cute cute niya talaga.




Para akong bingi at walang naririnig. Nagtuloy pa din ako sa panonood. Malamang ay nagsawa na din siya makipag agawan sa akin kaya nanahimik na lang siya.






"Asdfghjkl." Bubulong bulong pa siya habang nagkakamot ng ulo. Gusto ko sanang humagalpak ng tawa kaya lang baka mapikon to sa akin at sipain ako palabas ng bahay niya e.





Naawa naman ako sa kanya kaya nilipat ko na sa cartoon network. Saktong Tom & Jerry ang palabas.





"Ayan na. Baka sabihin mo kinakawawa naman kita e." Tatawa tawang asar ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Ang cute niya talaga. Natuwa din naman ako sa panonood. Nakakatawa din sila lalo na pag naghahabulan.





"Grabe si Tom hindi talaga napapagod habulin si Jerry." Sabi ko sa kanya. Tahimik na kasi e. Siya naman ay tuwang tuwa sa pinapanood niya at naririnig ako ang bahagyang pagtawa niya.






"Ganyan talaga. Mahalaga kasi si Jerry kay Tom kaya niya hinahabol. Kahit pa ang gusto niya lang naman talagang gawin ay kainin si Jerry." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Double meaning ba yun? Para kasing may ibig sabihin e.





"Lagi man talo si Tom bandang huli pero kita mo naman pag nakakita siya ng pagkakataon na habulin si Jerry para mahuli niya ay hindi niya pinapalagpas. Parang ikaw, nung nakakita ako ng butas para habulin ka, sinunggaban ko agad. Mahirap na. Baka maunahan e." Tatawa tawang sabi niya kaya naman mas nagtaka ako. Double meaning na talaga e.





"Anong ibig mong sabihin? Na mukha akong daga?!" Nakairap na tanong ko sa kanya kaya naman tumawa siya ng nakakaloko.



"Hindi. Ang sinasabi ko lang dito. Ikaw si Jerry. Ako si Tom. At kahit anong takbo palayo ang gawin mo, hahabol at hahabol pa din ako sayo." Napakurap ako sa sinabi niyang yun at parang hindi pa nagsisink in sa utak ko. Dahil ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagiging seryoso.





"Halika na. Kain na muna tayo. Para makapagpahinga ka na din." Pag iiba ko ng usapan at nauna na sa kusina. Parang sasabog kasi ang dibdib ko sa kaba at matutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.


"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang nagtitingin sa ref. Wala ng stocks pala.




"Bukas ay may darating dito na groceries para sa atin. Kahit ano na lang dyan. Busog pa din naman ako." Sagot niya sa akin sabay ngumiti pa at parang gusto kong mapangiti din.




Inayos ko na lang ang kakainin namin. Nag cup noodles at hotdog na lang kami. Kumakain kami at panay ang kwento niya kaya naman nalibang ako. Nawala na din ang awkwardness na meron sa amin kanina.



"Anyway, yung sa rules nga pala hindi pa natin napag uusapan." Napakurap ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Hindi pa namin napag uusapan yung tungkol dun.



"Una, pag nagtrabaho ka na. Wag mo kong pipigilan na sunduin ka pag gusto ko. Pangalawa, pag sinabi ko na aalis tayo at hindi ka papasok, hindi ka papasok. Pangatlo, pag may nagawa kang hindi ko nagustuhan may kapalit yun. Kahit anong gusto ko. Pang apat, no one is allowed to touch you except me. Lastly, Pag aalis na ako o aalis ka na, ikikiss mo ko." Nakangising sabi niya kaya naman napanganga ako. As in literal na napanganga ako sa narinig ko!



"Ano?! Bakit naman parang napaka unfair naman ng rules mo! Bakit---" Pinatigil niya ako gamit ang hintuturo niya.



"Quiet! Sinabi ko bang magsalita ka?" Para akong bata na napatahimik sa sinabi niya. Kaya naman nakagat ko ang labi ko.



"That's an order. Because from this day on, you are mine." And then his lips touches mine.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon