Twenty Nine

2.6K 120 8
                                    

Alden's POV








Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng magising ako na yakap ko siya. Sobrang sama talaga ng katawan ko kahapon pero hindi naman ako mapakali hanggat hindi ko siya nasusundo. Baka kasi may mangyaring hindi maganda sa kanya e.









Pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko maiwasan ang humanga. Nakaawang pa ng konti ang bibig niya pero ang cute niya. Ang ganda ng umaga ko. Minsan nga pinapanalangin ko na sana dito na lang tumira si Bianca para laging sa kwarto ko na lang si Maine.








Hinalikan ko siya sa noo. Siguro ay naramdaman niya yun kasi bigla siyang gumalaw. Ngumiti ako ng ubod ng tamis sa kanya. At ganun din naman siya. "Goodmorning."








"Goodmorning." Ganting bati din niya. Umupo siya at tsaka kinapang muli ang noo ko.








"Wala ka ng lagnat." Nakangiting sabi niya. Napangiti din ako. Para kaming mag asawa. Ang sarap gumising pag siya ang una kong nakikita.








"Oo. Magaling ang nurse ko e." Kinindatan ko pa siya at bahagya naman siyang namula. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na kurutin siya sa pisngi. "Aga aga kinilig ka na naman." Pang aasar ko pa sa kanya.









"Tse. Tatayo na muna ako at maghahanda ako ng almusal. Si Bianca baka gutom na yun. Dyan ka lang. Bawal ka gumalaw kasi baka mabinat ka." Parang boss na sabi niya. Sabay tinalikuran ako. Pinanood ko pa ang pagkilos niya. Damn! She even looks good even from behind! Ang sexy niya tignan habang nagtatali siya ng buhok niya. Para tuloy akong teenager na nakita ang crush niya dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.








Pumasok siya sa CR. Malamang nag hilamos at toothbrush. Ako naman ay parang baliw na napapangiti sa kawalan. Everything has changed since she came at masaya ako sa nangyayari sa amin ngayon.





Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko sila ni Bianca na nagluluto ng pancake. Masayang masaya ang kapatid ko kasama ang Ate Maine niya. Ang ganda nila pagmasdan. Mas maganda lang sana kung nandito si Mommy. Ang tatlong pinakamahalagang babae sa buhay ko. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makilala siya ni Mom. I know her too well. Alam kong magugustuhan niya si Maine.







"At bakit ka tumayo? Sabi ko sayo wag ka muna gagalaw e. Mabibinat ka. Ang tigas ng ulo mo."  Napapailing pa na sabi ni Maine. Si Bianca naman ay nabungisngis sa isang tabi at parang kinikilig.






"Ayan. Napagalitan si Kuya. Nasaan ang pagiging masungit mo? Bakit hindi ka makasagot kay Ate?"  Pang aasar pa ni Bianca kaya naman napakamot na lang ako ng ulo.






"E sorry na. Ginutom kasi ako bigla." Nahihiyang sagot ko. Nakapamewang kasi sila pareho e. Naiiling na lang akong umupo sa mesa at pinanood sila.






"Sige na nga maupo ka na dyan. Tara na Bree ayusin na natin to at gutom na ang Kuya mo." Natatawang tugon ni Maine. Bree ang tawag niya sa kapatid ko. Parang little sister yata yun sa pagkakaalam ko. Ay ewan bahala sila.






Natapos ang pagluluto ng dalawa. Hindi man lang sila nag abalang lingunin ako dahil busy sila sa pagbubulungan. Hindi ko nga narinig kung ano bang pinag uusapan nila. O ayaw lang talaga nilang iparinig.






"Bakit ba kayo tawa ng tawa dyan? At anong pinagbubulungan niyo na hindi ko pwedeng marinig?" Hindi na ako nakatiis at nagtanong na. Inaayos na nila yung lamesa at nagpipigil pa din ng ngiti si Bianca.






"Ano ba kasi yun? Bakit ayaw niyo sabihin sa akin?" Naiinis na ako sa kanila kasi parang inaasar na nila ako e. Si Maine naman ay busy sa pag aayos ng pagkain namin.






"Wala. May crush kasi si Ate." Napatingin bigla si Maine kay Bianca. Ako naman ay napatingin kay Maine. Crush? Sinong crush niya?! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at naiinis ako dahil may nagugustuhan na siyang iba.






"Sige na Ate sabihin mo na kasi kung sino yung crush mo." Nagpipilit na sabi ni Bianca at pinamulahan naman ng mukha si Maine. Mas gusto ko yatang mainis lalo kasi affected siya nung sinabi yung crush niya.







"Wala. Kaklase ko dati." Tipid na sagot niya. Tapos ay nagsimula ng kumain. Parang nag iba ang timpla ko. Imbes na magaan na ang pakiramdam ko lalo pa yatang napasama. Sana hindi ko na lang tinanong kung ano yung pinag uusapan nila.






Tahimik akong kumain at napansin yata nila na wala ako sa mood. Hindi na nga ako nagsalita ulit. Nawalan na din ako ng gana kumain kaya bumalik na din agad ako sa kwarto ko at doon nagkulong na lang. Pilit kong nililibang ang sarili ko pero hindi mawala sa isio ko yung sinasabi ni Bianca na may crush si Maine. Sino ba yung gagong lalake na yun at parang gusto kong sapakin ang mukha?!






"Bakit nanahimik ka naman bigla dyan?" Untag ni Maine. Nagulat pa ako sa pagdating niya pero syempre hindi ko yun pinahalata. Hindi ako sumagot sa kanya at nananatiling nakatingin sa TV kahit na hindi ko naman naiintindihan yung palabas.






"Woi. Ano bang problema mo?" Pangungulit niya pa sa akin. Pero hindi ko pa din siya sinagot. Naiinis pa din ako sa kanya. Lumabas ka na Maine at wag mo na akong kulitin pa. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sayo ang dahilan ng topak ko!






Pero sadya yatang may likas na kakulitan ang babaeng to. Tumabi pa siya sa akin at tinusok tusok ang tagiliran ko. "Nagtatampo ang bata. Ano ba kasing problema bakit ka nagkaganyan?" Malambing na tanong niya pa.






"Naiinis ako! Hindi mo alam kung bakit kaya wag ka ng makulit." Masunget na tugon ko sa kanya at binalik ang atensyon ko sa TV na hindi ko naman naiintindihan ang palabas.






"Pwede ba yun? Sabihin mo  na kasi---"







"Naiinis nga ako! Naiinis ako sayo kasi may gusto ka ng iba! Hindi mo man lang sinabi sa akin! Nakakapikon kasi namula ka nung sinabi lang ni Bianca na may crush ka na! Naiinis ako alam mo ba yun?! Kasi ayokong may ibang dahilan kung bakit ka nangiti! Ayokong may ibang dahilan kung bakit  ka namumula! Ayokong may tinitignan kang iba! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Kasi gusto ko ako lang! Sa akin ka lang tatawa! Sa akin ka lang titingin! Sa akin ka lang dapat laging masaya!" Sunod sunod na lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. Napaawang ang bibig niya dahil sa pagkabigla pero huli na para bawiin ko pa lahat ng nasabi ko na. Nagmamadali na lang akong lumabas at tinalikuran siya.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon