Fifty Six

2K 87 3
                                    

Alden's POV









Nagsisimula ng uminit ang ulo ko dahil nauna pa akong umuwi kay Maine. Pasado alas otso na ng gabi pero hindi pa din siya nauwi. Nauna pa akong dumating sa kanya sa bahay at ang masakit pa, hindi ko alam kung nasaan siya! Inis na inis na ako kaya pumunta muna ako sa unit ni DJ at Kath para itanong kung nabanggit ba sa kanila ni Maine kung saan siya pupunta.








"Hindi namin alam dre." Tipid na sagot ni DJ. Aish! Natatakot na ako e. Baka umalis na naman yun. Hindi ko matawagan yung phone niya! Ano ba namang klaseng buhay to! Kumuha ako ng baso at nagsalin ng brandy tsaka deretsong ininom yun. Kailangan ko ito para kumalma ako. Lumapit sa akin si Kath na hawak ang cellphone niya.








"Ang sabi niya kasi sa akin kanina ay pupunta siya sa grocery." Grocery?! Inabot na siya ng ganitong oras? Nagsalin ako ulit ng brandy sa baso ko at ininom ulit ng deretso. Naiinis na talaga ako! Si Mang Jimmy naman ay walang dalang phone dahil nasira daw. Tinapik ni DJ ang balikat ko. Obviously, they're just trying to calm me down but I can't!








"Wag kang maglasing. Baka naman nalibang lang siya mag ikot ikot kasi hindi na niya yun nagagawa. Babalik yun." Pangungumbinsi sa akin ni DJ.








"Sige dre. Hanapin ko na muna siya. Pasensya na sa abala. Salamat." Hinatid nila ako hanggang sa pintuan. Naglakad ako pabalik sa unit namin ni Maine at agad ko siyang nakita. Nasa likod niya si Mang Jimmy na dala ang mga plastic bags. Yun siguro yung mga binili niya kanina. Tumingin siya sa akin at masayang sinalubong ako.








"Hi Babe. Kanina ka pa? Anong ginagawa mo dun? Galing ka ba kina Kath? Tara na pasok na tayo. Para makapaghanda na ako ng dinner natin." Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Hindi man lang ba siya magpapaliwanag kung saan siya galing?







"Mang Jimmy, ako na po magdadala nyan. Pwede na po kayong umuwi." Magalang na sabi ko kay Mang Jimmy. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil wala siyang kasalanan. Kinuha ko mula sa kanya yung mga plastic bags na hawak niya at nauna akong pumasok sa bahay. Alam kong nakasunod ng tingin sa akin si Maine.








"Teka lang. Maghahanda lang ako---"









"Gaano ba kadami yung pinamili mo? Inabot ka ng ganitong oras dahil sa ilang piraso ng plastic bag na to?" Hindi ko maiwasan ang maging sarcastic sa kanya. Napaawang ang bibig niya. Habang salubong naman ang kilay kong nakatingin sa kanya. Pabalagbag kong nilapag sa mesa ang mga yun.








"Ano kasi Babe. Sorry. Nalibang lang kasi ako kakapasyal kasama si---"









"Para kang hindi buntis kung makapag gala ka. Hindi mo man lang iniisip na may bata sa tyan mo at may naghihintay sayo dito sa bahay. Sa susunod naman Maine magsabi ka kung nasaan ka. Hindi naman kita hinihigpitan e. Pero sanan naman maisip mo na naghihintay ako sayo at natatakot ako na baka layasan mo na naman ako. Matutulog na ako." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Pumasok na agad ako sa kwarto namin. Gusto ko siyang suyuin at sabihin na sorry. Pero sana intindihin niya din ako na hindi sa lahat ng oras, ako ang lalapit sa kanya para lambingin siya.










Maine's POV








Gusto kong maiyak. Eto yung unang beses na natulog kami ng magkaaway. Kagabi, hindi man niya ako pinatapos magsalita. Kahit tingin hindi niya magawa sa akin. Natulog kami ng magkatalikod. Alam ko naman na mali ako. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naisip na sabihin sa kanya kung nasaan ako. Minalas pa ako dahil drained ang battery ko. Biglang nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Kristoffer. Yeah, nagpalitan kami ng number at balak kong ipakilala siya kay Alden. Nagkaintindihan na din kami na magkaibigan lang talaga kami.









"Hello?! Kris, nasaan ka? Samahan mo na naman ako. Gusto ko bilhan si Alden ng gift. Peace offering ba. Nagkatampuhan kasi kami kagabi." Deretsong sabi ko agad sa kanya at narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya.








"At talagang yun agad ang sinabi mo? Hindi mo man lang ako kinamusta. O siya sige. Magkita na lang ba tayo o sunduin kita?" Tanong niya mula sa kabilang linya.








"Magkita na lang tayo. Text ko sayo kung saan. Salamat talaga. Pakilala na din kita mamaya sa kanya. Bye" Binaba ko na ang phone ko at nagsimula ng mag ayos. Tinext ko na din sa kanya kung saan kami dapat magkita. Mabilis ang naging byahe ko. Hindi na ako nagpahatid pa kay Mang Jimmy.








"Oh tara na maghanap. Siningit lang kita sa schedule ko. May date ako ngayon." Pagbibiro niya sa akin. Nabanggit kasi niya na may nakilala siyang babae. Hindi niya na nga daw niligawan kasi nga akala niya mababalikan pa niya ako. Si Joyce.








"Talaga? Si Joyce? Naku. Gusto ko siyang makilala na. Ikukwento ko sa kanya kung gaano ka kaloko at kababaero nung highschool tayo!" Sagot ko sa kanya habang naglalakad kami. Dahan dahan syempre dahil iniingatan ko si Baby Babe sa tyan ko. Baka lalong magalit ang Daddy niya e.









"Sus. Puro ganyan Nicomaine! Isipin mo na muna kung paano kayo magkakabati ng Alden mo bago si Joyce! Halika na." Hinawakan niya ako sa braso at bahagyang hinatak. Punong puno ng tawanan ang buong oras na kasama ko siya. Nakakita ako ng Teddy Bear na may recording tape sa loob. Nag record lang ako saglit tapos hinintay na namin yung operator na mag aayos nun at tsaka kami nagpasyang umuwi.







"Hoy! Salamat talaga ah? Pasensya na at naabala kita. Sayang hindi mo pa makikilala si Alden." Ngumiti ako sa kanya. Hinatid niya kasi ako sa may sakayan ng taxi. Ako na din ang nagpumilit na magcocommute na lang ako kasi alam kong may biglaang lakad siya.








Matapos kong magpaalam sa kanya ay sumakay na ako ng taxi pabalik sa condo ni Alden. Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Alden? Lasing na lasing? At masamang masama ang tingin niya sa akin.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon