Fifty Nine

2.2K 103 13
                                    

Maine's POV









Magkakaharap kami ngayon at masayang nagdidinner. Masaya nga ba? Hindi ko alam e. Basta kanina, nung nagkita kami ulit. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Buti na lang at naitago ko agad yun. Pilit kong inaalis sa isip ko yung kaba na nararamdaman ko. Dapat magalit ako sa kanya. At the same time, kailangan kong umarte na wala na lang sa akin ang lahat.








"Huy! Maine? Outcast? Hindi nakikisali sa usapan?" Untag ni Nadz sa akin. Para naman akong napahiya dahil nakatingin na pala silang lahat sa akin. Damn! Pwede bang tumayo muna ako. Medyo nakakahiya e. Bahagya akong ngumiti sa kanila.









"Gaga! Naisip ko lang bigla si Charmaine." Parang gusto kong pagalitan ang sarili ko. Charmaine. Pinaghalong pangalan naming dalawa. Nakita ko ang tingin sa akin ni Alden. Yung tingin na hindi ko kayang salubungin pero kailangan kong gawin. Hindi na dapat ako magpaapekto pa sa kanya kasi isa na lang siyang parte ng nakaraan.








"Bakit kasi hindi mo na lang sinama ang maganda kong inaanak?" Si Kath naman ang nagsalita. Hindi sila mapaghiwalay ni DJ. At ganun din sila Nadz at James. Pakiramdam ko ay nabaligtad ang lahat. Dati, kami ni Alden yung ganyan. Si Nadz at si James yung hindi mo pwedeng pagsamahin kasi paniguradong puro away lang. Pero iba na ngayon. Iba na ang lahat.









"Loka! Alam mo naman na napakaselan ng anak ko kaya hindi pwedeng ilabas ng ilabas. Besides, gabi na teh! Bata yun! Ano akala mo dun? Sanay ang bumbunan sa hamog katulad mo?" Pang aasar ko kay Kath. Natawa naman si Nadz. Namiss ko yung ganitong eksena namin e. Yung nagbibiruan kaming tatlo. Si Alden ay nananatiling tahimik. At madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.









"Sabagay. E kailan mo siya dadalhin dito?" Pag iiba ni Nadz. Napabuntong hininga ako. Hanggang kailan ko nga ba itatago si Charmaine sa kanya? Hindi naman pwedeng habambuhay.









"Easy lang. You'll be surprised." Kinindatan ko pa si Nadz at tsaka kami nagpatuloy kumain. Matapos ang dinner namin ay nagpunta kami sa garden nila Nadz. Dun na kami nag dessert. Nakaramdam ako na naiihi ako kaya pasimple akong pumasok sa loob ng bahay para pumunta sa restroom. Kailangan ko din tawagan si Kristoffer at kamustahin sila ni Charmaine sa bahay. Mabilis namang sumagot si Kris.









"Kamusta na kayo dyan?" Bungad ko sa kanya habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Narinig ko ang pagtawa niya kaya naman natawa din ako sa kanya.









"Napakahusay talaga ng Mommy mo, Charmaine. Hindi man lang marunong mag hello. Paglaki mo, wag mo siyang gagayahin ah?" Natawa ako sa sinabi niyang yun. Matyaga talaga siya lalo na sa pag aalaga kay baby.








"Ano na nga kasi? Kailangan ko na bang umuwi?" Hindi ko na nga namalayan na nasa banyo na pala ako. Inipit ko sa balikat ko yung phone ko para makaihi ako ng maayos. Multi tasking.









"Hmm. Depende. Kung namimiss mo na ako." May bahid ng pang aasar na tugon ni Kristoffer. Siraulo talaga. "Okay lang kami dito. Ikaw? Okay ka ba dyan? Ano balita?" Napabuntong hininga ako. Alam ko ang ibig sabihin ng tanong niya na yun.








"I'm fine. Anyway, pakitapat mo nga sa tenga ng anak ko yung phone." Utos ko sa kanya. Nung sinabi niya na okay na ay tsaka ako nagsalita ulit. "Baby ko? Miss you anak. Pauwi na si Mommy. Laro laro muna kayo dyan ni Papa Kristoffer ah? Sumbong mo saken pag inaway ka niya." Sambit ko at napangiti ako. Konti pa lang ang salitang nasasabi ni Charmaine pero bawat maikling salita na binabanggit niya ay parang musika na sa pandinig ko. Tumayo na ako para lumabas ng banyo. "See you in a bit, anak. I love you. Hoy Kristofer, yung anak ko ah? Hehehe! Buh-bye pogi!" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot.









"Maine." Napatalon ako at nahawakan ko ang dibdib ko sa sobrang gulat dahil may tumawag sa akin. Nakita ko siya na nakasandal sa may gilid ng pintuan ng CR kaya hindi ko siya napansin. Deretso ang tingin niya sa akin. Pasimple kong inayos ang sarili ko at humarap sa kanya.









"Oh? Gagamit ka ba ng banyo? Tapos na ako." Itinuro ko pa sa kanya yung pintuan. Pero hindi pa din siya nagalaw. Nakatingin pa din siya sa akin. "Okay.... mauna na ako." Medyo awkward na kasi e. Ano to magtitinginan lang kami? Tumalikod n ako sa kanya at naglakad palayo.









"Hinanap kita. Pero hindi kita nakita." Napahinto ako ng magsalita siya. Okay, half of me is expecting that. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis. Hindi ako kumibo at nananatiling nakatayo. Huminga ako ng malalim at pumihit paharap sa kanya. Hindi na niya ako pwedeng makita na mahina. Baka kasi sabihan na naman niya ako ng masasakit na salita.








"Magaling kasi ako magtago kaya ganun." Ngumisi pa ako sa kanya. At kung hindi ako nagkakamali, kitang kita ko ang mata niya. Walang buhay. Walang sigla. Hindi na katulad ng mga mata niyang gustong gusto kong titigan noon.









"Hindi mo man lang ako hinayaang humingi ng tawad sayo. Basta ka na lang umalis." Ang kaninang nakangiting mukha ko ay napalitan ng inis. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang ako pa yung dahilan kung bakit kami nagkaganito?









"Ikaw ba naman insultuhin mula ulo hanggang paa. Hindi ka ba aalis? At tsaka matagal na yun. Dalawang taon na yun. Hindi na dapat binabalikan pa ang mga nakaraang matagal ng binaon sa limot." Madiin na tugon ko sa kanya. Hindi maiwasan na magtagis ang bagang ko sa sinabi niya kaya gumanti din ako ng salita sa kanya. Kulang pa yang salitang yan para maramdaman mo yung sakit na pinaramdam mo sa akin noon.








"Yung... yung anak natin?" Nanginig bigla ang boses niya. At kahit medyo malayo ang distansya namin sa isa't isa ay hindi nakaligtas sa akin ang mga mata niyang biglang kumislap. Iiyak ba siya?









"Anak? Natin? Ako meron akong anak. Ewan ko lang ikaw. Wala kang anak sa akin. Kaya wala kang dapat ipagalala. You can live your life the way you want it to be. I don't fvckin care. Basta wag mo na lang akong guguluhin dahil masaya na ako sa buhay ko....... dahil malaya na ako sayo." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad ko na siyang tinalikuran.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon