Twenty Four

2.4K 126 4
                                    

Maine's POV






"Ano ba! Umurong ka naman! Mahuhulog na ko dito!" Kanina pa kami paikot ikot ni Alden sa higaan. Single sofa lang kasi ang meron siya sa room niya at walang couch kaya no choice kami. Ayaw naman niya sa sahig. Sabi ko ako na lang pero mas lalong ayaw niya.




Si Bianca talaga. Hindi man lang kami hinintay sumagot at sinarado agad ang pinto. Pati mga damit ko ay nasa kwarto na din ng Kuya niya. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang. Dahil feeling ko safe ako pag si Alden ang kasama ko.





"Tsk. Sabi ko naman kasi sayo. Lumapit ka dito sa akin. Para sa akin ka na lang mahulog." Nakakalokong asar niya sa akin sabay kinindatan ako. Ramdam ko naman ang pamumula ko sa sinabi niyang yun.





"Tse! Matutulog na ako!" Pilit akong tumalikod sa kanya kahit na hindi ko magawang matulog lalo na't katabi ko siya. Parang may libo libong kuryente kasi na nadaloy sa buong sistema ko pag napapadikit ako sa kanya.





"Huy." Marahang tawag niya sa akin. Hindi ako umimik. Pero sadyang makulit talaga siya. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako nasagot.





Pero hindi din ako dalawin ng antok. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko kaya lang ay gising talaga ang diwa ko. Si Alden kaya? Tumigil na siya sa pangungulit sa akin e. Unti unti akong gumalaw para tignan kung tulog na ba talaga siya.






Nakita ko na nakapikit na siya at nagmistulang unan niya ang kamay niya. Ang gwapo naman talaga ng nilalang na ito. Saan kaya siya pinaglihi ng Nanay niya at ganito ang itsura niya.






"Sabi ko na nga ba e. Nagagwapuhan ka sa akin." Halos malaglag ang panga ko ng bigla siyang magsalita. Gising pa pala! Nakaramdam ako ng hiya kaya nagmamadali akong bumaba sa kama pero bago pa man ako makalayo ay hinapit na niya ako dahilan para mapahiga ako sa tabi niya.





"Wag mo ng tangkain lumabas. Hindi kita papayagan. Inaantok na ko. Tulog na tayo." Halos pabulong na sabi niya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil hindi ako makagalaw. Yakap niya ako sa bewang.






Wala sa sariling napangiti ako. Wala naman sigurong masama kung hahayaan kong maging masaya ako kasama siya. Hindi man malinaw sa akin kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ginagawa niya pero hindi na mahalaga yun sa akin. Basta ang alam ko, ngayon lang ako naging masaya ng ganito.






Ipinikit ko ang mata ko at lihim na nagdasal. Nagpapasalamat ako dahil may isang Alden na dumating sa buhay ko para sagipin ako. Ang taong nagbibigay ng kasiyahan sa akin ngayon. At maya maya lang ay nakatulog na din ako.











Alden's POV







Napabalikwas ako ng bangon ng makapa ko na wala na siya sa tabi ko. Napatingin ako sa orasan at pasado 6:30 na ng umaga. Sakto lang ang gising ko. Hay. Napasarap ang tulog ko lalo na nung niyakap ko siya.






Tumayo ako at inayos lang ng konti ang buhok ko. Nakakahiya naman kung lalabas ako ng ganun ang itsura ko. Gusto ko tuloy yakapin ng mahigpit ang kapatid ko dahil sa ginawa niya. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na masaya silang nagluluto ni Maine.





"Goodmorning Kuya!" Masayang bati ni Bianca. Obviously, gusto niya si Maine. Dahil palagay agad ang loob niya. Wala pa nga yatang isang buong araw silang magkakilala pero nakikita ko na gusto siya ng kapatid ko. Humalik sa akin si Bianca. Si Maine naman ay nakatingin at nakangiti lang sa akin.






"Morning. Kanina pa kayo gising?" Tanong ko sa kanila. Nakahain na din sa mesa. Ang sarap gumising ng ganito ang bubungad sayo.






"Yup. Tinulungan ko kasi si Ate na maghanda ng breakfast e. By the way, Kuya. Dito na muna ako mag stay kahit two days lang. Sembreak naman e. Okay lang ba? Kasi gusto ko makasama si Ate e." Nag puppy eyes pa sa akin ang kapatid ko. Paano ko ba naman matatanggihan ang batang to.





"Okay lang naman. Noon ko pa naman sinasabi sayo na dito ka mag stay pag walang pasok e." Nakangiting sabi ko sa kanya at nagliwanag naman ang mukha niya.





"Yehey! Thanks Kuya." Lumapit pa siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Malambing talaga ang kapatid ko sa akin. Masaya kaming kumain. Tinulungan pa niya ang Ate Maine niya na maghugas ng plato. Madami silang pinag uusapan na hindi ko maintindihan kasi mga babae sila.






Parang ayoko tuloy pumasok. Gusto ko dito sa bahay at panuorin lang sila sa mga ginagawa nila.





"Anong oras na baka ma late ka." Sabi ni Maine sa akin.






"Oo nga pala." Sagot ko sa kanya at nagmamadaling nag ayos. Naligo ako at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ay naabutan ko silang dalawa na naglilinis ng living room. Magandang impluwensya si Maine sa kapatid ko. Natututo ng gawaing bahay.






Pero naisip ko agad kung paano ako makakakiss sa kanya e nandito si Bianca! Hindi ko agad naisip na hindi ko siya mahahalikan ng basta basta dahil nasa paligid ang kapatid ko.






"Bianca. Tumawag si Mommy. Mag skype ka daw sa kanya. May sasabihin daw siya sayo. Dun sa kwarto mo daw." Pagdadahilan ko na lang. Napatingin sila sa akin pareho na parang nagtataka.





"Mamaya na yun Kuya. Tsaka bakit sa kwarto pa? Pwede naman dito." Matigas talaga ang ulo ng batang to minsan e. Kailangan ko pang mag isip ng dahilan.





"E sabi nga niya tawagan mo daw siya! Ang kulit mo din e!" Sinadya ko na umastang inis sa kanya. Para lang sumunod siya sa akin. Kakamot kamot naman ang ulong pumasok siya sa kwarto niya. Napangiti ako dun.





"Ikaw talaga bakit mo sinigawan yung kapatid mo?" Tatawa tawang biro ni Maine. Lumapit ako sa kanya at nanlaki na naman ang mga mata niya.





"Kasi hindi ko to magagawa pag nasa paligid siya." Walang ano anong hinalikan ko siya. Hindi naman ako nag eexpect na gaganti siya ng halik sa akin pero okay lang. Gusto ko lang talaga maramdaman ang lips niya.





Tulad ng inaasahan ko ay nag blush na naman siya. "See you later." At nakangiting umalis ako ng bahay.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon