Forty Nine

2.4K 112 8
                                    

Alden's POV








Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanya at sa punong tinitignan niya. Hindi ko ma gets kung anong ibig niyang sabihin. Nakapulupot pa din ang dalawang kamay niya sa may leeg ko tapos yung kamay ko naman ay nakahawak sa bewang niya. Nandito kasi kami ngayon sa may garden.








"Babe. Don't tell me...." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Gusto ko kasing sa kanya mismo mang galing. Baka magkamali ako. Mahirap na. Buntis pa naman siya. Ngumiti ulit siya ng matamis sa akin.








"Gusto ko ng makopa. Galing dun sa puno na yun. Okay?" Masayang sabi niya. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi bago naglakad papasok sa bahay. Naiwan akong nakatunganga sa puno na sinasabi niya. Nakahalata yata si Daddy kaya naman lumapit siya sa akin at inakbayan ako.








"Yun ang sinabi ng buntis. Kaya kailangan mong sundin." Bulong ni Daddy sabay tumawa pa siya. Ano bang gagawin ko? Bumili na lang kaya ako sa labas. Hindi naman niya siguro mahahalata yun.








"Dad. Dito ka lang. Bibili ako sa labas. Hindi na niya siguro mahahalata yun." Bulong ko kay Dad. Hindi naman sa ayaw kong gawin yung gusto ni Maine. Pero hindi ko alam kung paano umakyat kasi sa puno e.







"Ang sabi sayo ni Maine, yung makopa na galing sa puno na yun anak. Bahala ka. Baka malaman niya yan siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay dyan ah?" Nagbibirong sagot ni Dad. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Sa likod na ako dumaan para hindi niya ako makita. Kulang na lang ay liparin ko yung palengke para makabili agad at ng makauwi na. Baka kasi biglang lumabas si Maine at makitang wala ako dun sa puno.








Sa awa naman ng Diyos ay nakabili agad ako. Masaya akong umuwi. Gusto ko ng ibigay sa kanya yung makopa na hinihingi niya. Naabutan ko sila ni Mommy na nag uusap sa may sala. Masaya akong lumapit sa kanya at inabot yung dala ko. Tinignan niya akong mabuti. Hindi ko mapigilan ang kabahan kasi sobrang mapanuri yung tingin niya sa akin. Aminin ko na kayang sa labas ko yun binili. E pag inamin ko naman baka magalit siya sa akin.







Dahan dahan niyang binuksan yung plastic na hawak niya. Bawat galaw niya ay nakatingin kami ni Mommy. Si Daddy naman ay parang nagpipigil ng tawa dahil sa nakikita niyang kaba ko. "Hindi mo to kinuha sa puno Alden! Gusto ko yung galing dun! Tsk! Sabi mo gagawin mo lahat para sa amin ni Baby tapos yung makopa lang sa puno na yun ayaw mo pang kuhanin. Huhuhu! Mommy gusto ko yung galing sa puno. Ayoko nito. Hindi na ako mahal ni Alden."








Napanganga naman ako sa pag iyak na ginawa niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Ang sama sama ng tingin niya sa akin habang hinahagod ni Mommy ang likod niya. "Babe. Sandali kukuhanin ko na---"








"Tse!" Masungit na sagot niya. Lumakad siya palayo sa akin.








"Anak naman kasi. Wala kang magagawa. Binuntis mo e. Kuhanin mo na yung gusto niya. Promise titigil na siya pag nakain na niya yun. Part ng paglilihi yan at hindi niya inaarte yun." Paalala ni Mommy sa akin. Natatawa pa nga siya e. Ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. I made her cry. Hindi ko man lang maibigay yung request niya. Anong klaseng boyfriend ako?








"Told you so. You can't argue with a pregnant woman." Asar ni Dad sa akin at tinapik pa ako sa balikat. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa may likod bahay at tingalain yung puno ng makopa. Promise pagkatapos makain ni Maine yung makopa hinding hindi ko na siya papupuntahin dito sa likod bahay!








Buti na lang at nandun yung family driver namin na si Mang Jimmy. Tinulungan niya ako. Siya ang kumuha ng hagdanan. Nag offer pa nga siya na siya na lang ang aakyat pero hindi ako pumayag. Baka magalit na naman si Maine. At gagawin ko to para sa mag ina ko. Nainspire naman ako bigla kaya nagmamadali akong umakyat.








"Woah! Go Tarzan!" Napalingon ako sa nagsalita. At kitang kita ko si James at DJ na pinagtatawanan ako habang nakatutok sa akin ang phone nilang dalawa. Nasa likod nila si Daddy.








"What the fvck? Dude! Put your goddamn phone down!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Pero hindi sila nakinig sa akin. Nakatawa pa din sila at kinukuhanan ako.








"Loko ka! Kuhanin mo na yan! Para may patunay tayo kay Maine na inakyat mo talaga yung puno!" Dinig kong sigaw ni DJ. May point naman.








"Siguraduhin niyong buburahin niyo yan pagkatapos makita ni Maine yan! Kung gusto niyo pang makalabas ng buhay sa bahay ko!" Sigaw ko sa kanila. Nag thumbs up na lang yung dalawa at pinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Sobrang dami ko yatang nakuha. Naubos halos yung bunga e. Mahirap na baka pabalikin ako dito ng mahal ko pag nabitin siya.







Bumaba ako sa puno at sinalunbong ako ng dalawang gago. "Ano bang ginagawa niyo dito?! Hindi ko naman sinabi na pupunta ako dito!" Inis na sabi ko sa kanila. Tinulungan nila ako sa dala ko.








"Si Tito ang nagpapunta sa amin dito kaya hindi namin kailangan magsabi sayo! Ayos! Iba na talaga pag Tatay na. I'm so proud of you man!" Inakbayan ako ni DJ.








"Mamaya ka na maging proud sa akin pag kinain na ni Maine to! Halika na nga!" Pumasok na kami sa loob. Syempre hinugasan ko muna yung pinitas kong makopa bago ko ibigay sa mahal ko. Hindi na din ako nagulat na kasama nung dalawa si Nadz at Kath. Pagkatapos kong mahugasan yung makopa ay lumapit ako sa kanya. Masama pa din ang tingin niya sa akin.







"Babe. Sorry na. Eto oh. Inakyat ko po talaga yung puno. Nakavideo pa nga kay James at DJ e." Malambing na pakiusap ko sa kanya. Tinignan niya din si DJ at James. Sila Nadz ay nagpipigil ng tawa. "Pakita niyo nga yung video!" Asik ko sa dalawang ugok na to.








"Hindi ko na save dre e." Sagot ni James.








"Hindi ko pala napindot yung record. Sorry dre." Sabat naman ni DJ. Gusto ko silang sapakin pareho.







"Joke lang! Eto oh." Nilapit nila kay Maine yung phone nila pareho at tinignan naman yun ni Maine. Gusto ko magtumalon sa tuwa nung kuhanin niya yung basket at kinagat yung makopa. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.








"Thank you sa effort Babe. I love you." Masayang tugon niya kasabay ng sunod sunod na paghalik sa pisngi ko. Napangiti naman ako dun. Whew! Worth it ang pagod!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon