Maine's POV
Pag akyat ko sa kwarto namin ay naabutan ko siyang nakahiga at nakatingin sa kisame. Hindi ako manhid. Alam kong may kinalaman yung sinabi kanina ni Kath at Nadz kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya kahit na hindi pa man din siya nagtatanong.
"Mag ayos na tayo. Aalis na tayo before lunch e." Nakatayo ako sa harapan niya pero parang wala siyang nakikita o naririnig man lang. I sighed. Kabago bago namin pero nagkakatampuhan na agad kami. "Alden, let's talk."
"About what?" Cold na sagot niya sa akin. Hindi man lang ako pinagkaabalahang tignan. Naiinis na ako dahil sa inaarte niya ngayon. Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili ko. Napakaliit na bagay lang nun kaya hindi ko siya dapat patulan.
"Wala naman si Kristoffer. Classmate namin siya nung highschool." Mahinahon na simula ko. Hindi pa din siya natingin sa akin. Buti pa yung kisame tinitignan niya. "He's just an old friend. Kung ano man yung narinig mo. Wala namang ibig sabihin yun."
"Walang ibig sabihin? Siguro sayo, oo. Pero sa kanya wala ba? Hindi mo nga nabanggit sa akin ang pangalan nung hinayupak na yun o kung sino man siya e. And it feels like you're having an travel down memory lane during those days. Yung kinasal kayo. Akala ko ako ang unang makakapag suot ng singsing sayo. I didn't know na may nauna na pala. That guy seems so lucky." Cold pa din ang boses niya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang yun. Sabi ko pa naman kanina hindi ko siya papatulan. Or maybe not. Kasi nakakapikon na din!
"Pekeng kasal lang yun Alden! Hindi naman yun totoo! Katuwaan lang yun dahil intrams namin that time. Lahat ng pangyayari nung araw na yun hindi lahat yun totoo! Ang babaw mo naman!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napataas na ang boses ko. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pekeng kasal kasalan na yun ay magkakaganyan siya.
"Kahit na! You still changed vows! Nag 'I do' ka pa din sa kanya at ganun din siya sayo! Tapos parang kilig na kilig ka pa kanina! Kaharap ako na boyfriend mo! Ano sa tingin mo mararamdaman ko? Yung girlfriend ko namumula dahil pinag uusapan yung high school friend niya!" Singhal din niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na pinag aawayan namin ang bagay na to at nagkakaganun siya dahil sa selos niya.
"Alam mo Alden? Napakababaw mo! Pinagseselosan mo yung taong wala naman dito! High school ako nun! Babae pa din naman ako! Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng kilig lalo na nung mga panahon na yun! Pero hanggang dun lang yun! Kinilig ako sa kanya pero hindi katulad ng kilig na nararamdaman ko sayo! Namumula ako pag naalala ko yun dahil parte yun ng kabataan ko! Pero hindi kailanman bumilis ang tibok ng puso ko nun kay Kristoffer katulad ng pagtibok ng puso ko pag ikaw ang nasa harapan ko! At hindi ko siya minahal katulad ng pagmamahal ko sayo! You are my first everything. He maybe happens to be my first crush but you are my first love! Tapos ang datingan ngayon parang napakasama na ng ginawa ko! Yun ba iniisip mo?! Nakakalungkot naman! Para lang dun nag aaway tayo!" Mahabang litanya ko sa kanya. Kasabay ng namumuong luha sa mga mata ko.
Ang kaninang galit na itsura niya at parang biglang nawala. Kitang kita niya siguro na nanlalabo na ang mata ko. Ang sama sama ng loob ko. Dapat masaya kami ngayon dahil nagbabakasyon kami pero hindi. Dahil napakababaw niya. Hindi ko maintindihan ang pinagmumulan niya dahil matagal na yun e. Hindi pa nga kami magkakilala nun.
"Mukhang hindi ka pa yata matured para pumasok sa isang relasyon dahil sa pinapakita mo sa akin. Sige na. Mag aayos na ako. Kung ayaw mo sumama, ikaw ang bahala." Hindi ko na siya hinintay sumagot at tinalikuran ko na siya. Pumasok agad ako sa banyo at doon ko binuhos ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. At kahit hindi ko tignan alam kong namumugto na ang mata ko. Basta hindi pa ako handa kausapin siya dahil nakakabadtrip naman talaga yung ginawa niya. Sa banyo na din ako nagbihis. Buti na lang at malamig dito. Kung hindi, malamang pawis na pawis ako sa loob ng banyo. Huminga muna ako ng malalim. Kahit na kausapin niya ako ay hindi ko pa din siya papansinin.
Paglabas ko pa lang ng CR ay agad na may humaltak sa akin. Alam ko naman kung sino yun. Niyakap niya ako pero hindi ako yumakap pabalik sa kanya. Anong akala mo? Isang yakap mo lang bati na tayo? Neknek mo! Kahit mahal kita, kukutusan pa din kita!
"Sorry na Babe. OA ako e. Nagseselos lang naman ako. Hindi kasi ako marunong magselos. Ngayon lang. Sayo ko lang naman naramdaman to e. Sorry na Babe. Bati na tayo. Alam ko na mali ako. Baka iniisip mo na masamang babae ang tingin ko sayo. Hindi ganun yun Babe. Sorry na. Wag ka ng magalit sa akin." Ang higpit higpit ng yakap niya sa akin. Gusto ko na sanang makipag bati sa kanya pero minsan kailangan mong tiisin para matuto e. Baka masanay siya na isang yakap at sorry niya lang magiging maayos na kami agad.
"Mag ayos ka na. Aalis na. Nakakahiya kung maghihintay sila ng matagal." Kumawala ako sa pagkakayakap niya at umupo sa gilid ng kama para magsuklay at mag ayos ng sarili ko. Nag sweater din ako malamig kasi sa labas e. Alam kong nakatingin pa din siya sa akin pero kailangan ko siyang tiisin talaga.
"Babe." Tawag pa niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Namamaga din ang mata ko kaya hanggat maaari ay ayaw kong makipagtitigan sa kanya. Hindi ako nagsalita.
"Not now, Alden. Ayokong makipag usap." Sinuklay ko ulit ang buhok ko tsaka nagmamadaling inayos ang gamit ko para makababa na ako. Titiisin muna kita. Kahit na mahirap. Kailangan mong matuto e.

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...