Eighteen

2.4K 127 9
                                    

Maine's POV







Isang linggo ang lumipas at nandito pa din ako sa bahay ni Alden. Magaling na din ang mga sugat ko. Pati yung pilay ko ay naigagalaw ko na din. Dahil wala akong magawa. Nagpasya ako na maglinis ng buong bahay. Hindi naman siguro siya magagalit. Isang linggo na ako dito at puro damit niya pa din ang suot ko.



Wala daw kasi siyang time para mag shopping dahil bukod sa hindi pa ako magaling ay busy din siya sa trabaho niya. Kaya naman tiis ako sa malalaking tshirt at long sleeves na hindi na niya ginagamit. Halos hanggang tuhod ko naman lahat yun.



Nagsimula akong maglinis ng ibabaw. Sa kwarto niya muna. Makalat talaga pag lalake. At infairness, medyo makapal na ang alikabok kaya naman dalawang punas ang ginawa ko. Inayos ko din ang closet niya. Humanga naman ako kasi kahit na messy ang room niya, organized naman lahat ng damit niya.




Pinalitan ko ang bed sheet niya at naglampaso na din ako ng sahig. Sinigurado ko na walang kahit isang alikabok ang nakalusot sa akin. Sabay nag spray ako ng air freshener. Nang matapos ko ang kwarto niya ay sinalang ko ang ilang maduduming damit niya sa washing machine.



Habang hinihintay ko ang labahin ko ay nagsimula naman akong linisin ang kwarto na tinutulugan ko. Kumpara sa kwarto niya, mas konti ang dumi dito dahil nung mga nakaraang araw ay nilinisan ko na din yun. Nagpatugtog din ako para naman malibang libang ako.




Mabilis kong natapos ang kwarto kaya naman bumalik ako sa labahan ko. Konti lang naman kaya matapos banlawan at ma dryer ay naisampay ko agad sa may likod. Ang taray lang ng condo na to. May washing area sa likod at pwede ka din magsampay. Tagos ang init ng araw pero may net na nagsisilbing harang sa mga alikabok na galing sa labas.




Natapos ko na ang dalawang kwarto at kusina. Sala naman ang kasunod. Alas tres pasado na. Tatapusin ko na muna tong sala bago ako maligo para malinisan ko na din yung banyo. Well, may sariling CR naman si Alden sa room niya. Ganun din sa tinutulugan ko. Pero bukod pa yung nandito sa labas.


Ginamit ko ang isang upuan para tungtungan at mapunasan ko yung ibabaw. Ang kapal ng alikabok! Ano ba tong lalake na to. Sabagay. Ano pa nga ba ang aasahan ko. Malamang hindi siya marunong maglinis.








Alden's POV






Maaga akong umuwi dahil tinapos ko na nung mga nakaraang araw ang trabaho ko. Kailangan ko na din kasi siyang maibili ng mga damit niya. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko agad siya.




Naglilinis siya? Anak ng. Makulet din talaga tong babaeng to e. Sabi ko ng wag muna gagalaw galaw at baka mabinat siya. Hindi ko naman maiwasan din ang mamangha sa itsura niya. Suot niya yung long sleeves ko at talagang bagay na bagay sa kanya.





"But you make me wanna act like a girl. Paint my nails and wear high heels. Yes you, make me so nervous that I just can't hold your hand. You make me glo-oooooo-ow. But I cover up won't let it sho-oooooo-ow. So I'm putting my defenses up. Cause I don't wanna fall in love. If I ever did that I think I'll have a heart attack---" Parang nag slow motion ang lahat ng makita kong na out of balance siya.




Hindi ko din alam kung paano kong nagawang idalawang hakbang lang mula pintuan hanggang sa living room. At nasalo ko siya. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil nakapikit pa siya.





"You don't want to fall in love? Kasi magkaka heart attack ka?" Nakangising tanong ko sa kanya tsaka lang siya nagmulat ng mata.




"Alden?" Takang tanong pa niya. Hindi ko pa din siya binibitawan.





"Yes I am. At ang kulit kulit mo. Sino bang nagsabi sayo na maglinis ka? Buti na lang dumating ako para saluhin ka!" Panenermon ko sa kanya. Nakagat naman niya ang labi niya. Nakuuuu!




"Wala kasing akong magawa. Pero salamat kasi dumating ka. Pwede mo na kong ibaba. Nakakahiya kasi hindi pa ako naliligo e." Nahihiyang sabi niya. Nawala tuloy lahat ng inis ko kasi ngumiti na siya e. Binaba ko na siya at tsaka akmang sasampa ulit sa upuan para ipagpatuloy ang ginagawa niya.




"Matigas ba talaga ang ulo mo? Kamuntikan ka na ngang mahulog e. Tigilan mo na kasi yan." Awat ko sa kanya pero para naman siyang walang narinig at tinuloy ang ginagawa niya.




"Nasimulan ko na kaya hindi pwedeng hindi ko tatapusin. Okay lang ako. Magpalit ka na muna. Gumawa na ako ng merienda mo dyan. Naisip ko kasi na baka umuwi ka ng maaga. Pahinga ka muna. Tatapusin ko lang to." Ngumiti siya ulit sa akin. Pero hindi ko siya iniwan. Baka mamaya mahulog na naman siya e.




Napansin niya yata na hindi ako naalis sa pwesto ko at nakamasid lang sa kanya. Nakita ko kung paano siya maglinis. Bumaba siya ulit sa upuan para hugasan ang basahan na hawak niya. Ako naman ang gustong mahiya dahil ang dumi pala ng bahay ko.




Sinundan ko siya sa kusina. Naabutan ko siyang nagsasabon ng kamay. Pinagmamasdan ko lang siya. Kinuha niya yung sandwich na ginawa niya at nagsalin ng juice sa baso.





Kaya excited akong umuwi e. Kasi nandyan siya para asikasuhin ako. Ayaw niya pumayag na kumain kami sa labas dahil pagod lang daw yun. Buti na lang at may stocks ako sa ref kaya hindi pa namin agad kailangan mag grocery.




Masarap siyang magluto. Kahit pa naging busy ako sa trabaho ay hindi pwedeng hindi ako kakain pag uwi ko. Gusto kong matikman lahat ng luto niya dahil magana akong kumain.





"Thanks. Bukas mamimili na tayo ng mga damit mo ah?" Panimula ko. Tumango naman siya. Hindi na siya masyadong nakontra sa mga sinasabi ko.




"Sige. Itutuloy ko lang yung ginagawa ko para matapos na tapos maliligo na ako. Then, magluluto ako ng dinner. Pahinga ka na lang muna dyan." Tinapik niya ako sa braso.




"Hintayin mo ko. Para masalo kita sakaling mahulog ka na naman." Makahulugang sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin pero ngumisi na lang ako sa kanya.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon