Twenty Seven

2.7K 126 6
                                    

Alden's POV







Ganadong ganado ako ngayong araw na magtrabaho. Naging maayos na ang lahat kagabi at masaya kaming nag breakfast ni Maine. Bawat araw na kasama ko siya ay lagi kong ipinagpapasalamat. Mas nagkaroon ng kulay ang buhay ko.







"Nabalitaan ko yung nangyari kagabi. Grabe ka pala magmahal dre. Iba ka!" Hindi na ako nagulat sa dalawang kaibigan ko ng pumasok sila sa opisina ko. Routine naman nila yan e.






"Tsismoso talaga kayo e no? Ang bilis niyo nasagap. Wala pa ngang 24 oras na nagaganap. Haha!" Pagbibiro ko sa kanila. Kung babae lang siguro sila, malamang ay lagi silang napapaaway dahil sa pagiging tsismoso nila pareho.






"Nag report agad si JC sa akin dre. Iba ka talaga. Kayo na?" See? Tsismoso diba? Tinawanan ko lang sila. Parang tanga silang dalawa na tutok na tutok at naghihintay ng sagot mula sa akin.






"Mali ka naman ng tanong. Dapat ang tinanong mo ay kung mahal na ba niya." Pagtatama ni DJ sa tanong ni James. Dun ako biglang napahinto sa ginagawa ko. Mahal ko na nga ba siya?







"Hindi ko alam. Ano ba kayo? Bakit ba dayo kayo ng dayo dito sa akin?" Pag iiba ko na lang ng usapan. Mahirap na. Baka lumayo pa ang usapan at magisa na naman ako ng wala sa oras.




"Wala! Para ka naman bago ng bago sa amin!" Naiiritang sagot ni DJ. Wala ako sa mood magsungit ngayon dahil sadyang masaya ako. At gusto ko ng hilahin yung oras para makauwi na ako.





"Mahal mo si Maine. Halatang halata ka. Kaya kahit hindi mo sagutin ang tanong namin ay alam namin ang totoo." Nginisian pa ako ng nakakaloko ni James. Hindi ako makaimik. Kasi hindi ko naman alam kung love na ba tong nararamdaman ko. Ang alam ko lang kasi ay masaya ako pag kasama ko siya.





Nung wala na silang mahitang sagot sa akin ay inis na inis silang umalis. Talagang mga tsismoso. Kalalakeng mga tao. Inayos ko ang trabaho ko para makauwi na ako.




Nakarating agad ako sa bahay at napangiti ako ng makita ko si Maine na nakahiga sa couch. Bukas yung TV pero siya ay nakanganga. Malamang nakatulugan na niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at dun ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan siya ng sobrang lapit.





"Bakit ba ang ganda ganda mo? Kahit na napakasungit mo. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko." Kusang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko at parang mag nagbubulong sa akin na halikan siya.





"Gusto ko ng isipin na sakit mo na ang panghahalik sa akin e." Napaatras ako sa sobrang gulat ko dahil bigla siyang nagsalita.





"Tsk. May dumi ka kasi sa mukha!" Nahihiyang sagot ko sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa buong buhay ko. At alam kong namumula ang pisngi ko.





Nakakaloko siyang tumawa kaya mas lalo akong nahiya. "Sus. Palusot pa more. Hahaha! Kumain ka na at mukhang nalilipasan ka na ng gutom." Tumayo siya at biglang hinatak ako. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.





Hindi na ako nakapagpigil at hinatak ko siya pabalik sa akin para yakapin. God! I missed her scent.





"Alden." Bulong niya sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya. Sabay tinitigan siya sa mata.





"You're beautiful. And I love it when you're blushing." Nakangiting tugon ko sa kanya. Napakagat siya sa ilalim ng labi niya kaya naman hindi ko napigilan ang matawa. Hindi niya kasi masalubong ang tingin ko sa kanya.





"Tatayo na ako para makakain na---" Hindi ko na siya pinatapos pa magsalita. Pinatigil ko na siya sa pamamagitan ng labi ko. Hindi pa muna siya gumalaw nung una hanggang sa nasabayan niya na din ang galaw ng labi ko.





Kapwa kami naghahabol ng hininga nung pakawalan ko siya. At tulad ng inaasahan ko, nakayuko lang siya at pulang pula ang mukha. Kinabig ko siyang muli at kinulong sa mga bisig ko. Okay na sa akin ang ganito. Basta magkasama lang kami. Ayos na ako.





"Ha-halika na. Kain na tayo." Nagmamadali siyang tumayo at iniwan ako. Naisandal ko ulit ang ulo ko sa sofa at hindi ko napigilan ang mapangiti.









Maine's POV







Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa kahihiyan. Hindi ko man lang nagawang tumanggi sa kanya. And a part of me is hoping for more. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit parang nasasanay na ako sa mga halik niya. E hindi ko nga alam kung ano nga bang role ko sa buhay niya.





Sinikap kong umarte ng normal. Affected na nga ako, ipapakita ko pa ba? Baka mag iwasan na lang kami lagi nyan. Huminga ako ng malalim at naghanda na ng dinner namin. Eto na din siguro yung perfect timing para masabi ko sa kanya na gusto ko na bumalik sa trabaho.





"Alden. Kain na." Sinikap kong tumingin sa kanya. Sumunod naman siya agad at nagsimula na kaming kumain. Sanay na din kasi ako na pinagsisilbihan muna siya. Masaya ako sa ginagawa ko.





"Hmm. Alden. Ano kasi. Ah-- sasabihin ko lang sana na gusto ko ng bumalik sa bar. Nakakahiya na kasi kay Sir JC." Kinakabahan na sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.




"Gusto mo ba talaga?" Parang naniniguro pa ang tanong niya. Tumango lang ako. Sana naman pumayag siya.





"Oo. Sana." Parang nawawalan na ako ng pag asa. Kasi nakakunot pa din ang noo niya at hindi ko mabasa kung ano bang natakbo sa isip niya.






"Sige. Pero susunduin kita. And that's final." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niyang yun kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.





"Yehey! Thank you Alden!" Parang bata akong nagtatalon sa tuwa. At siya naman paghalakhak niya.






"Pero may isa lang akong hihilingin sayo." Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya napatingin naman ako.






"Ano yun?" Tinignan ko din siya mabuti. "Baka katawan ko yan jusko Alden kahit gwapo ka masasapak kita!"





"Baliw! Hindi no!" Napakamot siya sa ulo niya. Sabay hinawakan ang kamay ko. "Ayokong may makikitang kasama kang lalake maliban sa akin." Bigla niyang hinalikan ang kamay ko at may kung anong kiliti ang dulot nun sa puso ko.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon