Twenty

2.6K 129 4
                                    

Alden's POV






Nasa isang market kami at hindi ako makapaniwala na dito siya bibili ng damit niya. Ang sikip. Maputik at hindi kaaya aya ang amoy. Hindi ako makatanggi sa kanya kaya naman sinundan ko na lang siya. Wala talaga siyang kaarte arte sa katawan e.




"Ay ang gwapo naman ng batang ito!" Nagulat ako dahil biglang nagsalita ang isang babae sa tabi ko. Hinawak hawakan pa talaga niya ako sa braso. Yung akala mo nakakita ng artista.




"Tao yan gaga hindi yan poon! Wag mong lambarasan!" Isang bading naman ang nagsalita. Napangiwi ako nung bigla niyang hawakan ang mukha ko. Pasensya na. Hindi ako sanay sa ganitong lugar at ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng mga tao.



Nakita ko si Maine na natatawa dahil sa nakikita niyang itsura ko. Ang tagal naman bumili ng babaeng to. Para makaalis na kami sa lugar na to.






"Excuse lang po." Pilit ngiting sabi ko sa kanila at tsaka lumapit kay Maine. Kung pwede lang akong magtago sa likod niya ay baka ginawa ko na. Hindi pa din sila natinag sa ginagawa nila at medyo nakakailang na.





"Ang swerte nung babae. Ang gwapo ng boyfriend. Parang artista." Sabi pa ulit nung babaeng humahawak sa akin kanina.





"Matagal ka pa ba? Tara na kasi." Bulong ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pamimili niya ng mga damit.






"Tapos na. Halika na bayaran na natin." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang yun. Pumunta na kami dun sa bandang likod. Nandun kasi yung cashier. Tinignan ko ang buong paligid at nakasalansan yung mga damit. Hindi organized at ang layo layo ng presentation nila sa mga mall na napupuntahan ko. Hindi naka aircon at ang init init. Kung bakit ba naman kasi dito natipuhan bumili ng babaeng to!





"1,300 pesos po lahat." Nagulat ako sa sinabi nung babae sa cashier. Sa dami ng kinuha ni Maine ganun lang ang presyo? Magkano ang damit bawat isa? Thirty pesos?





"Bakit ang mura?" Tanong ko kay Maine pero pinandilatan niya lang ako ng mata. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at hindi ko na hinintay yung sukli dahil hinatak ko na siya palabas. Kailangan na namin makaalis sa lugar na to.





"Hoy sayang yung sukli bakit hindi mo kinuha?" Hawak ko pa din ang braso niya at pinagtitinginan kami ng bawat taong makakasalubong namin dahil hawak ko yung plastic sa kanan at yung kaliwa ko naman ay nakahawak sa kamay niya.





"Bakit dun ka pa bumili? Baka madumi lahat ng yan. Magkasakit ka pa. Wag mo kasi isipin yung presyo e. Ikaw talaga." Naiiling na lang ako dahil sa katigasan ng ulo niya.





"Sayang din kasi. Ano ka ba? Dapat pahalagahan mo yang kinikita mo at samantalahin mo mag ipon dahil hindi araw araw pasko. Naiintindihan mo ba? Kahit pa mayaman kayo. Pag pinaghihirapan mo ang isang bagay, dapat iniingatan mo. Gets mo?" Nandidilat pa nga ang mata niya. Ibang klase talaga. Hindi ko makuhang sumagot dun. Kaya pinisil ko na lang siya sa ilong.




"Hindi kasi ako sanay sa ganitong lugar. Sorry na. Napagbigyan na kita kaya ako naman ang pagbigyan mo. Kumain na tayo." Ngumiti siya at tumango.






"Sige. Pero fishballs lang tas uwi na tayo." Napalingon ako sa sinabi niya. Siya naman ang humatak sa akin papunta dun sa may nagtitinda ng fishball. Kailan ba ako makakatanggi sa babaeng to?!








Maine's POV






Gusto kong matawa dahil sa failed na itsura niya. Ayaw niya sa lugar na ito sigurado ako. Hindi niya lang magawang tumanggi sa akin. Kumakain kami ng fishball. Lihim akong napangiti dahil wala akong narinig na reklamo sa kanya.





As usual, hindi naman nawawala yung mga babaeng lilingon sa kanya at parang hindi na yun bago sa kanya. Sanay na sanay na siya e. Ako tuloy ang naiilang. Baka sinasaksak na ko ng mga to sa isipan nila.





"Halika na. Tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Naglakad na kami pasakay ng jeep..







"Okay ka lang ba? Sorry kung dinala kita dito ah? Gusto ko lang naman kasi ipakita sayo ang ibang parte ng mundo. Para kahit mag isa ka na lang, maalala mo pa din na ako ang nagdala sayo sa ganitong klaseng lugar." Hindi ako makapaniwala na nasabi ko yun. Tinignan niya naman ako.




"Sino naman nagsabi sayo na mawawala ka? Hindi mangyayari yun." Nagbago ang mood niya. Naging seryoso siya bigla e. May nasabi ba akong masama?



"Alam naman natin pareho na may hangganan ang lahat ng ito. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo sa akin." Ngayon lang ako may pagkakataon na magpasalamat sa kanya.





"Hindi ako naniningil. Hindi mo ko pinilit gawin yun dahil ako mismo ang nagkusa. Ang hinihiling ko lang na kapalit ng lahat, ay yung wag kang mawala. Wag kang aalis. Wag na muna." Napanganga ako sa huling salitang binitawan niya. Gusto kong bigyan ng ibig sabihin ang huling kataga na yun pero baka naman mag expect lang ako o hindi ko magustuhan ang magiging sagot niya.





"Hindi pa naman ako aalis." Pinilit kong baguhin ang mood niya pero mas lalo lang siyang sumimangot.






"Walang aalis. Kaya please lang Maine wag mo ng uulitin sabihin yan kasi hindi nakakatuwa! Tara na nga balikan na natin yung kotse ko at umuwi na tayo." Malamig sa sagot niya at tsaka nagpaunang lumakad. Hindi man lang ako hinintay. Nagtatakang sinundan ko siya.





Nakarating kami sa mall para kuhanin ang sasakyan niya ng hindi nagkikibuan. Nakakunot ang noo niya buong byahe at ayokong magtanong baka kasi sigawan niya ako. Nasa bahay na kami at wala pa din nagsasalita. Dumeretso siya sa kwarto niya.







Ako naman ay inayos ang mga damit na binili ko. Sa isang drawer ko lang yun nilagay. Ayokong sakupin yung buong walk in closet kasi baka magalit naman sa akin ang kapatid niya.





Matapos kong maayos ang mga damit at lumabas ako ng kwarto para mag ayos ng dinner namin ng biglang may humaltak sa braso ko. At sa isang iglap ay nasa bisig na niya ako. Mahigpit na niyayakap.






"Wag mo ng sasabihin ulit na aalis ka. Kasi hindi ko hahayaan mangyari yun. Dito ka lang sa tabi ko. I'm sorry kung akala mo galit ako. Pero kasi natakot lang ako." Hindi ko nagawang kumibo sa sinabi niya dahil tulala pa din ako habang yakap niya

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon