Seventy Two

2.7K 102 6
                                    

Maine's POV



Isang buwan na si baby Skyler Richard sa bahay at talaga naman hindi tumitigil si Alden sa pag aalaga sa amin. Especially, when Charmaine is around. Turning 3 years old pa lang si Charmaine so basically, alagain pa din siya. Si Nanay Myrna naman ay nasa bahay pa din. Nagpapasalamat talaga ako kasi hindi niya kami iniwan. To think na mahirap maghanap ng kasambahay na mapagkakatiwalaan.


Kasalukuyang nasa bahay ako ngayon. Inaalagaan ko si Sky. Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko. Sorry! Proud Momma here. Hehehe! Ang buong mukha niya ay kuhang kuha sa Tatay niya. Ganun din si Charmaine. Okay lang naman sa akin. Basta healthy lang sila at magiging mabait na bata paglaki nila. Kahit pa si Alden ang kamukha nilang dalawa.


Speaking, nasaan na kaya yun? Anong oras na hindi pa siya nauwi. Hindi pa din natawag sa akin. Pasado alas kwatro na ng hapon e. Ang bait nga ng Daddy niya kasi pumapasok lang si Alden pag kailangang kailangan sa opisina. Pero pag kaya namaj niyang gawin sa bahay, hindi na siya napasok. Mas hands on pa nga siya sa pag aalaga sa mga anak namin kaysa sa akin e.



Nagsimula na naman umiyak si Skyler kaya naman tumayo ako para kargahin siya at y breast feed. Ayoko ng formula milk lalo na't maliit pa siya. Mas importante kasi ang gatas ng Nanay. Tumigil na si Sky sa pag iyak. Samantalang ako naman ay panay sulyap sa orasan. Damuhong yun! Kaninang umaga pa umalis. Tapos hindi na nagparamdam.


Nung mahimbing na ang tulog ni Sky ay maingat ko siyang nilapag. Sakto namang biglang nag ring ang phone ko. Agad ko yung sinagot ng makita kong si Alden ang natawag. "Hello Babe? Asan ka na ba? Uwi ka na."



"Maine, si Nadz to. May nangyari kay Alden e. Wag kang mag panic makakasama sayo. Dito kami sa bahay. Punta ka na okay?" At biglang namatay ang linya. Agad na nag unahan ang pagdagundong ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko at nagmamadaling umalis. Kahit na bawal pa sa akin ang mag drive, wala na akong pakialam. Pinagbilin ko na lang ang mga bata kay Nanay Myrna. Wala akong choice. Sabi naman niya ay kaya niya.


Pinuntahan ko agad ang bahay nila Nadz. Ang malas ko naman kasi ang traffic pa. Nag uunahan ng tumulo ang luha ko at nanginginig na ako. Pero pilit kong kinalma ang sarili ko kasi baka maaksidente naman ako. Paano naman ang mga anak ko. Kulang na lang ay banggain ko na lahat ng sasakyan para lang makausad. Kung kailan nagmamadali!



Makalipas ang ilang minuto ay agad kong narating ang bahay nila Nadz. Hindi ko na nga napatay yung makina ng sasakyan. Basta na lang akong bumaba at nagtatatakbong kumatok sa pintuan nila Nadz. Alden! Ano bang nangyari sayo. Kinalampag ko talaga ng matindi yung pintuan ni Nadz. Babayaran ko na lang pag nasira. Ang importante ay makita ko si Alden.


Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko yung maid nila Nadz. Hindi ko na siya nagawang batiin dahil agad akong pumasok sa bahay. At hindi ko sila makita. "Ate Maine, nandun sila sa may rooftop. Bilisan mo daw po." Nagpasalamat ako sa kanya saglit at dali daling umakyat para makarating sa rooftop. At ganun na lang ang gulat ko sa nakita ko.



Ang daming balloons at bulaklak na nakapaligid. Simula sa nilalakaran ko. Nakatanga pa din ako at hindi ko maintindihan kung ano bang ibig sabihin nito. Biglang lumabas sa kung saan si Kath at sinalubong ako. "Ang tagal mo naman. Aatakihin na yung jowa mo dun!" Napakunot ang noo ko sa sinabing yun ni Kath. Aatakihin? At tsaka bakit siya nakangiti?


"Mamaya na kami magpapaliwanag. Lumakad ka na dun! Masyado ka ng maganda! Go girl!" Bahagya pa akong tinulak tulak ni Kath at wala sa sariling napasunod na lang ako. Base sa nakikita ko ay ang daming design ng rooftop ni Nadz. Nakita ko si DJ at James na nasa unahan. Nakatingin sila sa akin at parehong nakangiti. Habang si Nadz naman ay nasa hindi din kalayuan.



"Nasaan si Alden? Anong nangyari?" Parang tanga akong nagtatanong. Mas lalo yata akong kinabahan kasi hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Pero imbes na sumagot ay tumingin sila sa may likuran ako kaya napasunod din ako. At halos manghina ang tuhod ko ng makita ko ang lalakeng minamahal ko na nakatayo. May hawak na bulaklak. Napakagwapo niya kahit na simpleng V-Neck shirt lang suot niya. Unti unti siyang lumakad palapit sa akin.



"Babe..." Mahinang usal ko. "A-akala ko may nangyaring---"



"Hi Babe. Sorry, eto lang nakayanan ko. Kanina ko lang to ginawa lahat..." Napahinto siya magsalita nung biglang tumikhim at biglang umubo si James at DJ na nasa likuran pa din namin. Hindi naman nakaligtas sa akin ang masamang tingin sa kanila ni Alden. "Okay. Kanina lang NAMIN to ginawa Babe." Gusto kong matawa dahil diniin niya pa talaga yung salitang namin.


"Pasensya ka na Babe. I failed to plan the biggest surprise that you deserve. Pwede naman akong kumuha ng gagawa nito but I wanted to take charge. Gusto ko ako yung gagawa ng mga bagay na alam kong makakapagpasaya sayo. Before anything else, let me thank you first. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng mga anak. Salamat kasi nakilala kita. Dahil simula nung dumating ka sa buhay ko, sayo ako natuto. There were times that I hurted you. I made you cry. But believe me, hindi ko sinasadya lahat yun. I'm sorry for making you cry Babe. I'm sorry." Titig na titig siya sa akin at pakiramdam ko ay matutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.


"Gusto ko lang malaman mo, na sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko, ako ang pinakamasayang tao sa mundo dahil ikaw ang nakikita ko sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko. Sino bang mag aakala na ang babaeng sumapak sa akin noon ay ang babaeng mamahalin ko pala habambuhay. I'm not gonna promise you a life na walang problema o pagsubok, all I can promise to you is that, I will do my best to keep you in love with me every single day. You are my life's greatest blessing. You are only meant for me. At kahit sa susunod na buhay pa natin, asahan mong hahanapin kita at ikaw pa din ang pipiliin ko." Tumulo ang luha ko sa sinabi niyang yun. Gustuhin ko man magsalita, hindi ko naman magawa. Hinihintay ko kasi ang kasunod na sasabihin niya.


"Hindi ako magaling mag litanya Babe. Sorry. Lahat kasi yun kusang lumabas sa bibig ko at hindi ko pinag isipan. Diba sabi ko nga sayo? Ngunit ang lahat ng ito'y totoo." Natawa ako dun dahil kinanta pa niya yung lyrics ng ipagpatawad mo. Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga.



"Ms. Nicomaine Dei Mendoza..." At walang sabi sabing lumuhod siya sa harapan ko. Dinig na dinig ko pa ang impit na pagtili ni Kath at Nadz. "Will you be my Mrs. Faulkerson? Will you be my wife? Will you marry me?" Bakas sa mukha niya ang kaba at ako naman ay hindi alam ang sasabihin. E hindi ko naman kasi akalain na ngayon na siya magpopropose dahil hindi pa naman namin napag uusapan ang kasal e.



"Tsk. Ang dami mo pang sinabi. Simpleng will you marry me lang ayos na sa akin. Yes! Yes, yes Alden ko. I wil marry you!" Masayang anunsyo ko. Nagsigawan si Nadz at Kath habang si Alden naman ay parang nabunutan ng tinik. Agad siyang tumayo at sinuot sa daliri ko yung singsing. Kitang kita ko ang mga luhang pumapatak sa mata niya at ganun din ako. Hinalikan niya ang kamay ko matapos niyang isuot yung singsing sa akin.


"I love you so much Babe." Masuyong sabi ko. "You, Charmaine & Skyler are my life. At kahit na ilang beses pa tayong magkaroon ng problema, asahan mong hawak kamay nating sasagupain yun hanggang sa problema na mismo ang magsawa sa atin. Mahal na mahal kita." And then I claimed his lips.



****

A/N: Wooh! Hindi ko alam kung magugustuhan niyo yung ginawa ko pero thank you pa din. Btw. May draft na ako ng bagong story na gagawin ko. Sino po pwede mag gawa ng cover? Hehe. Thank you pala sa nagbigay sa akin ng cover ng SM kaya lang di ko pa madownload e. Ayun, kindly message me para masabi ko yung title nung bagong story. Keep on voting and posting comments. I love you all babies ko! Maraming salamat talaga sa pagbabasa! 😘😘 -Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon