Thirty Three

2.7K 126 9
                                    

Maine's POV








Tulad ng napag usapan ay kasama na nga ako ni Alden na papasok sa opisina niya ngayon. Kahit na makipagtalo naman ako sa kanya ay hindi din ako mananalo. Minabuti ko na lang na hayaan siya sa trip niya kahit sa totoo lang ay nahihiya ako. May kasunduan naman kami na hindi na muna namin ipapaalam ang relasyon namin sa mga tao sa company niya. Ayoko lang may masabi sila na ginagamit ko si Alden para lang makapasok dito.







"Baba mo na ko dito. Malapit na din sa entrance. Ako na lang lalakad mag isa." Pigil ko sa kanya. Malapit na kasi kami sa tapat ng building nila. Nakakahiya naman kung bababa ako sa kotse niya.







"Bakit naman kasi ayaw mong sabihin na girlfriend kita? E ako naman may ari ng opisina na papasukan mo kaya wala silang pakialam!" Nagmamaktol na sagot niya. Ang cute niya lang. Lalo na pag nakakunot yung noo niya.







"E basta. Diba napagkasunduan na natin to. Kaya nga ako pumayag e. Mahirap na. Ayokong may masabi ang ibang tao. Temporary lang naman to. Sige na po. Please?" Pagsusumamo ko sa kanya at napabuntong hininga na lang siya. Who would have thought na mapapapayag ko ang isang CEO.







"Fine. But please stay away from those dickheads, Babe. Pag hindi ko nagustuhan ang nakita ko hindi mo na ako mapipigilan at ipagsisigawan ko dun na sa akin ka lang at walang may karapatan na lumapit sayo bukod sa akin. Okay?" Gusto ko na naman matawa sa kanya dahil masyado siyang isip bata. Akala mo aagawan ng laruan e.







"I promise." Nakangiting sagot ko. I kissed him before I went out on his car. Pinauna ko na muna siya bago ako pumasok. Magiliw naman akong binati ng mga employees. Yung isang employee niya na si Ma'am Pia ay sinalubong agad ako. Nakakahiya nga kasi natatandaan niya pala ako.







"Eto ang work place mo. Alam ko naman na kaya mo to. Bookings ang aayusin mo for export and then ako sa import. Pero dapat flexible tayo ah? Halika tuturuan kita." Mabait talaga si Miss Pia. Sabi niya ay Ate na lang daw ang itawag ko sa kanya dahil ganun din ang tawag sa kanya ni Alden.






Madali ko naman natandaan ang mga gagawin ko dahil nag notes na din ako. Nabigyan na din kasi ako ng overview ni Alden about sa magiging trabaho ko e. Hindi ko na namalayan ang oras at lunch break na pala. Kinalabit nga lang ako ni Ate Pia.







"Sige Ate. Mauna na kayo. Maya maya lang susunod na din ako." Ngumiti ako sa kanila. Kasama niya si Barbie at Yassi. Mas bata sila ng konti kaysa sa akin. Ang gaan lang pumasok dito. Kasi hindi naman nila alam na girlfriend ako ni Alden pero ganyan na sila makitungo sa akin.







Patayo na sana ako para sumunod kina Ate Pia sa pantry ng biglang tumunog ang phone ko. "Hel---"









"Babe. In my office. Now." Sabay binaba na niya ang linya. Aba at hindi man lang ako hinintay makasagot?! Kahit na gusto kong saluhan sila Ate Pia sa lunch nila ay hindi ko naman pwedeng tanggihan tong kumag na to. Baka magtampo at sipain ako palabas ng building na to. Dahan dahan kong pinihit ang door knob pero hindi ko pa man naitutulak ang pinto at agad na itong bumukas.







Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng opisina niya at yakap yakap na niya ako. "Hoy bakit ka ba nanghihila?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.







"Gutom na ako Babe. Kain na tayo." Yaya niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit parang trip kong mang asar ngayon. Nauna siyang lumakad papunta sa sariling dining table niya. Hindi naman ako gumalaw.







"E kasi nakapangako ako sa kanila na sasabayan ko sila mag lunch e." Pinipigilan ko ang matawa. Ang failed na kasi ng mukha niya ngayon pa lang. Nagsimula ng kumunot ang noo niya at matulis na naman ang nguso niya. Wag mo kong tinutulisan ng nguso diyan at baka y kiss ko yan.







"Babe naman e. Sobra na yan ah! Ayoko na din kumain pag di mo ko sinabayan. Itatapon ko na lahat yan!" Para siyang bata na nagmamaktol tapos ay nagdadabog pa. Hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa iniasta niyang yun. Lumakad ako palapit sa boyfriend kong hindi maipinta ang mukha ngayon dahil sa inis.







"Tampuhin naman nito. Halika na Babe." Dahan dahan siyang napatingin sa akin at ganun din ako sa kanya. Ang kaninang nakasimangot na mukha niya ay unti unting napalitan ng nakakalokong ngiti. Ay! Natawag ko siya ng Babe!








"Pakiulit nga yung sinabi mo." Nang aasar na sabi niya. Aba naman talaga.








"Sus. Yun lang pala. Ang sabi ko tara na kain na tayo." Ganting asar ko sa kanya.







"Tsk. Hindi yun ganun e. Ulitin mo. Tinawag mo kong Babe e. Dali na Babe. Kinikilig ako e. Ulitin mi na dali naaaaa!" Para na naman siyang bata na nagmamakaawa sa akin. Ano ba tong lalakeng to?







"Ano ka ba? Para ka namang bata dyan! Halika na kasi para matapos na." Hinila hilo ko pa ang kamay niya.







"E tawagin mo muna ako ng Babe ulit tapos kain na tayo. Dali naaaaa." Napabuntong hininga na lang ako. Hindi din naman titigil ang isang to pag hindi ko pinagbigyan.







"Oo na. Halika na Babe. Kain na tayo Babe. Anong oras na Babe. Wag ka ng maarte dyan Babe. Dali na!" Sunod sunod na sabi ko sa kanya at halos mapunit naman ang mukha niya sa lawak ng pagkakangiti niya sa akin. Nagmamadali siyang tumayo sa swivel chair niya at tsaka niyakap ako ng mahigpit.







"Kinikilig ako. Sayo lang ako nakaramdam ng ganito. At hinding hindi ako magsasawa na sabihin na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Corny ko na ba? Hayaan mo na. Kahit na gaano pa kacorny sa pandinig mo. Sasabihin ko pa din to sayo. I love you so much. It might be too early for me to say this but I'm looking forward to the day that I can finally call you my WIFE." And then he claimed my lips.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon