Sixty Eight

2.7K 104 16
                                    

Maine's POV






"Ano?! May nangyari na naman sa inyo?!" Hysterical na tanong ni Nadz at Kath. Tsk. Bakit ko pa kasi naisipan na sabihin sa kanila e. Napabuntong hininga na lang ako. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sa pagitan namin ni Alden. Halos tatlong na yata kaming nakatira sa bahay niya. And yes, I admit it. Talagang may nangyayari sa amin.







"At bakit ngayon mo lang sinabi sa amin huh? Ilang buwan na kayong nagjujugjugan?!" Dugtong pa ni Kath kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nasa restaurant kami ngayon at nandito kami sa office ko. Tamad na tamad akong kumilos na naman. Napapadalas ang sakit ng ulo ko.

"Tsk! Masyadong magulo ang lahat okay? Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o ano! Ni hindi ko pa nga siya napapatawad sa ginawa niya noon!" Napasimangot ako bigla. Hindi pa kasi namin napag uusapan yun e. Lumapit sa akin si Kath.









"Bakit pa? E tapos naman na yun. Siguro naman may napatunayan na din si Alden sayo diba? Nagbago na siya. Kaya sana kalimutan mo na din yung pagkakamaling nagawa niya dahil lasing siya nun! Tsk. Tama na yang drama mo!" Napangiti ako sa sinabing yun ni Kath. At nagmamadali akong kinuha yung bag ko. Miss na miss ko makita si Alden ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto ko siyang makita.






Iniwanan ko silang dalawa at deretsong nagpunta sa office niya. Medyo pagabi na kasi at ang sama pa ng panahon. Yayayain ko na siya umuwi. Nasa entrance pa lang ako ng mapansin kong naambon na pala. Malas naman. Binati ko ang lahat ng taong nakakasalubong ko.








Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita kong may babae na naman sa harapan niya. And she's the same girl I saw in his office two months ago. Nag init na naman ang ulo ko. Pabalagbag kong binuksan ang pintuan at nabigla sila sa grand entrance ko. "Anak ng! Nandito ka na namang bisugo ka? Hindi ka ba talaga titigil hanggat hindi ko nababangasan yang mukha mo?!" Sigaw ko sa kanya at gumuhit ang takot sa mukha niya.






Mabilis akong nilapitan ni Alden at hinawakan ako. "Babe, sandali lang magpapaliwanag ako." Biglang namuo ang luha sa mga mata ko at nanlabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung anong dahilan pero naiiyak talaga ako sa sobrang sama ng loob ko. Nagitla siya ng makita niya akong naiyak.







"Magpapaliwanag ka na naman? You should've done that 2 years ago. Tsk!" Agad kong hinila ang kamay kong na hawak niya at nagmamadaling lumabas ng opisina niya. Narinig ko pa ang pagsigaw niya pero hindi ko siya magawang lingunin. Biglang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi ko na to dapat iniisip e. Handa na sana akong magsimula ng bago. Pero ano na naman to?







Hindi ako nagdalawang isip na sugurin ang ulan. Kahit dito man lang malibang ako. Tiningala ko ang langit at ninamnam ang bawat pagpatak ng tubig sa mukha ko. "Maine! Ano ba? Basang basa ka na! Halika dito!" Biglang tumakbo palapit sa akin si Alden kaya nagmadali na naman akong lumakad palayo. Pero sadyang mas mabilis siya sa akin. Nahigit niya agad ang braso ko.









"Ano na naman? Pati ba naman sa ulanan susundan mo ko? Dun ka na!" Pagtataboy ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita. Kinabig niya lang ako at ikinulong sa bisig niya. Dun ko naramdaman ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko. Nasasaktan pa din ako! Nagseselos pa din ako! Hindi ko pa din kaya na makita siyang hinaharot ng iba.




"Let me go..." Pilit kong pinanlabanan ang yakap niya. Nagtangka akong kumawala pero mas mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Alden, pakawalan mo na ko. Masakit na. Masakit pa din." Napapikit ako habang sinasabi yun.






"Masakit pa din e. Akala ko maayos na tayo. Bumalik ako para ipakita sayo na kaya ko kahit wala ka na. Pero bakit hindi ko pa din magawa? Bakit talo pa din ako sayo? Bakit nasasaktan pa din ako? Bakit hindi ko magawang magalit sayo ng totoo?" I sniffed. Nilayo niya ako mula sa pagkakayakap niya para tignan ang mukha ko. Nakita ko na namumula na ang mata niya. Pero eto na siguro ang tamang panahon para pag usapan ang lahat.

"Mahal kita Alden e. Mahal na mahal. Ikaw yung nandyan nung mga panahong wala akong makasama. Ikaw yung humawak sa kamay ko nung wala akong makapitan. Ikaw yung umakay sa akin patayo. Ikaw yung naging mundo ko. Binuo mo ko. Pero winasak mo din ako e. Alden bakit ganun? Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa mo, bakit mahal na mahal pa din kita? Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na." Patuloy ko pa. "Putcha kasi tong puso ko e. Walang ibang kilala kundi pangalan mo. Pagtawanan mo na ko. Nakikipagmatigasan ako sayo noon pero eto ako ngayon oh." Tinuro ko pa ang dibdib ko. Miski ako ay nagugulat sa mga sinasabi ko. Basta hinahayaan ko lang lumabas yun sa bibig ko.








"Maine, hindi ko sinasadya. I was just mad. Kinain ako ng pagseselos ko. Akala ko kasi nag iba na yung nararamdaman mo para sa akin lalo na nung nagkita kayo ulit ni Kristoffer. Sarado ang utak ko nun. Walang ibang nasa isip ko kundi yung nakita ko. Hindi ko kasi matanggap na tumatawa ka sa iba e. I want you to smile because of me. I'm sorry, Babe. I'm sorry. Nasaktan kita sa mga sinabi ko at sa maling paratang ko at hanggang ngayon pinagsisisihan ko yun. Winasak kita. Sinaktan kita Babe. Ang gago ko kasi sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko! Pero wala akong magawa. Wag mong isipin na hindi kita hinanap. Ginawa ko ang lahat. Pero hindi kita makita. Kaya sinabi ko sa sarili ko na aayusin ko muna ang buhay ko. Para may mukha akong maihaharap sayo. Para ipagmalaki niyo ako ng anak natin. I'm sorry Babe. Hayaan mong ako yung magdala ng sakit. Hayaan mo kong makabawi sa inyo ni Charmaine. Hayaan mong buuin ko ang nawasak. Let me fix you Babe. Please let me." Napatanga ako ng makita ko siyang nahagulgol na sa harapan ko.










At bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Please come back to me. Please babe? Please. I'm begging you. If I have to kneel all over again just to have you back then I'll do it. I love you so much. Hindi ko hinihinging sabihin mo agad na mahal mo din ako. Handa akong maghintay kung kailan mo ko kayang mahalin ulit. Sa ngayon, hayaan mo na muna akong iparamdam sa inyo ng anak natin kung gaano ko kayo kamahal. I love you so much, Babe." Hindi ako makasagot sa kanya. Kaya hinila ko na lang siya patayo. Dun ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin. And then he suddenly kissed me. Under the rain.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon