Alden's POV
Nasa bahay kami ngayon ng parents ko sa Laguna. Matapos kasi namin magkaayos ni Daddy ay gusto niyang magkaroon kami ng family bonding. Nag off tuloy kami ulit ni Maine. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Daddy sa may veranda habang si Mommy ay kasama si Maine at Bianca na naghahanda ng lunch namin.
Para akong nabunutan ng tinik at lumuwag ang pakiramdam ko nung magkaayos kami ng Daddy ko. Akala ko pa naman ay mahihirapan kami ni Maine makuha ang pagtanggap niya. Pero hindi pala. Kaya hindi pa din ako makapaniwala na pagkatapos ng mahabang panahon at madaming sama ng loob, nandito kami ngayon ni Daddy. Maayos na at nag uusap.
"Natutuwa ako na nagkakilala kayo ni Maine." Nakangiting sabi ni Dad kaya naman napangiti din ako. Eto yung namiss ko e. Matagal na panahon kasi ang lumipas. Wala na nga sa hinagap ko na magiging ganito kami ulit ni Daddy.
"Yes Dad. She's a gift. At hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino." Napangiti ako sa katotohanang akin talaga si Maine. Si Dad naman ay nakangiti din sa kawalan at parang may malalim na iniisip.
"You remind me so much of myself when I was at your age. Ganyan na ganyan din ang naramdaman ko sa Mommy mo. Ayaw sa kanya ng mga kapatid ko. Pero pinaglaban ko siya. At pinangako ko sa sarili ko na kahit sinong magustuhan ng mga anak ko. Hinding hindi ako hahadlang. Dahil ayokong iparanas sa kanila ang hirap na naranasan namin noon ng Mommy mo. Wala naman silang nagawa. Kahit na itakwil ako ng Lolo mo. Pinanindigan ko pa din ang Mommy mo." Nakangiting kwento ni Daddy. Na touch naman ako sa sinabi niyang yun. Ngayon ko yata napatunayan na anak niya talaga ako. Dahil katulad niya, handa ko din ipaglaban ang babaeng mahal na mahal ko.
"The food is ready. Tawag na po kayo ni Mommy at Ate." Si Bianca. Nagulat pa nga ako dahil kanina ang messy ng buhok niya pero ngayon ay presentable na siya. Tumayo naman kami ni Dad. Ginulo ko pa ang buhok ng dalagita kong kapatid. Malaki na siya. Nakakalungkot kasi dati baby ko lang siya.
Pero bago pa man ako tuluyang makaupo sa dining area ay parang gusto ng malaglag ng panga ko. Ang ganda ng girlfriend ko! Naka dress siya na knee length tapos nakalugay ang buhok niya. Malamang ay inayusan si ni Bianca at ni Mommy. Nakatingin lang ako sa kanya at siya naman ay parang nahihiya.
"Buddy. Easy lang. Halatang patay na patay ka e." Napatingin ako kay Daddy na nakangisi tapos siniko pa niya ako. Pero shit lang hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa mahal ko. Lumapit siya sa akin.
"Kain na daw. Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Bulong niya sa akin pero nananatili akong nakatingin lang sa kanya. Lagi naman siyang maganda sa paningin ko. Mas lalo nga lang gumanda ngayon.
"Wala. Ang ganda mo." Ngumisi ako sabay namula naman siya. Pinandilatan niya pa nga ako. Naiinis na tinawag kami ni Bianca dahil gutom na daw siya at mamaya na daw kami magtitigan ng Ate Maine niya. Naging masaya ang lunch namin ng araw na yun. Sa bahay na daw kami matulog sabi ni Dad. Nung una ay tumanggi pa si Maine dahil nahihiya daw siya.
"Sa room na lang po ako ni Bianca." Nahihiyang sabi niya kay Mommy. Ako naman ay napatingin sa kanya. Alam ko naman na mahihiya siya at hindi talaga siya tatabi sa akin. I'm ready for that.
"Okay lang naman sa amin na magtabi kayo. Mabuti nga yun para magkaapo na kami." Biro ni Daddy sa kanya kaya lalo naman siyang namula. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Maine at parang nahingi siya ng tulong sa akin.
"Hindi po Tito. Kay Bianca na lang po. Nirerespeto ko po kasi yung bahay niyo. Kaya dun na lang po ako." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang yun. Ngumiti si Daddy at Mommy. Isanh patunay na humanga sila kay Maine. That's my girl.
Maine's POV
"Bakit gising ka pa?" Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Alden. Nasa may veranda kasi nila ako at nilalanghap ang sariwang simoy ng hangin. Hindi pa din ako makapaniwala na tanggap na tanggap ako ng magulang niya. Lalo na ang Daddy niya. Akala ko kasi aayawan niya ako lalo na pag nalaman niya ang naging trabaho ko. Pero hindi pala.
"Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw?" Malambing na tanong ko sa kanya. Pinihit niya ako paharap sa kanya at hinawi ang buhok ko na nilipad ng hangin. Ayan na naman siya sa pagtingin niya sa akin e.
"Ang hirap kasi matulog ng wala ka sa tabi ko. Nasanay na ako e. Dun ka na lang kasi sa kwarto ko Babe." Parang bata siyang naglalambing kaya hindi ko naman maiwasan ang matawa sa itsura niya. Kinawit ko ang kamay ko sa may leeg niya habang ang kamay niya ay nasuporta sa may bewang ko. Pilit kong sinalubong ang mga tingin niya.
"Sana lagi lang tayong ganito. Yung masaya. Walang problema. Alam ko naman madami tayong pagdadaanan pero sana Babe wag kang bibitaw. Kulang na kasi ako pag nawala ka e. At hinding hindi ko hahayaang mangyari yun." Masuyong sambit niya. Hinaplos ko ang mukha niya. Hindi ko yata pagsasawaan na gawin to sa kanya. Bigla kong nilapat ang labi ko sa kanya. Alam kong nagulat siya. Dahil nung una ay hindi pa siya natugon. Pero hindi nagtagal ay sumunod na din siya.
Parang may sariling utak ang kamay ko at kinabig ko pa siya palapit sa akin. Nakasandal na halos ako sa pader. Ramdam ko ang paghinga niya. Ang kamay niya ay nag uumpisa ng maging malikot. Wala na akong pakialam kahit na may makahuli sa amin. Basta ang gusto ko lang ay namnamin ang bawat sandaling ganito kami ni Alden.
"We need to stop Babe. Baka hindi ako makapagpigil." Habol hiningang sabi niya. Nakadikit pa din ang noo niya sa akin. Feeling ko nangapal yung labi ko dahil sa paraan ng paghalik niya. Hinaplos kong muli ang pisngi niya.
"Good night. I love you." Dinampian ko ulit siya ng halik sa labi sabay tinalikuran na. Alam kong kinikilig siya dahil for the first time, ako ang naunang humalik at nag I love you sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang naglalakad papunta sa kwarto ni Bianca.

BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...