Fifty

2.4K 91 12
                                    

Maine's POV








Balik trabaho na kami makalipas ang ilang araw na pagpapahinga. Hindi kasi kami pinauwi ni Tito Richard at Tita Cherrie. Gusto nilang makapag bonding kami kasi isa na daw kaming ganap na pamilya. Hindi ko maitatanggi na napaka swerte ko dahil kahit na hindi nila alam kung saan ako nagmula. Hindi nila ako tinuring na iba.








"Hey. Congrats Maine. Sabi ko na nga ba e." Bati sa akin ni Ate Pia. Kakarating lang din niya at kasalukuyang inaayos ang gamit niya. "Nagbigay ng instructions si Alden na wag ka daw magpapa stress. Kung ano lang daw ang kaya mong gawin, yun lang ang gagawin mo. Wag matigas ang ulo mo ah? Ayoko mapagalitan." Biro ni Ate Pia. Natawa naman ako dun. Hindi talaga mawala sa kanya yung pagiging istrikto niya lalo na ngayong buntis ako.








"Babe. Nainom mo na ba yung vitamins mo? Nagugutom ka ba?" Nagulat ako ng bahagya nung sumulpot si Alden sa may cubicle ko.








"Tapos na. Okay lang ako dito kaya wag ka ng mag alala dyan. Sige na. Magtatrabaho na ko." Pabulong na sagot ko sa kanya. Nakakahiya kasi sa mga nagtatrabaho e. Nginitian niya naman ako ng ubod ng tamis.








"I love you Mommy Babe!" Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. Mommy Babe?! Para siyang tanga na ang tamis tamis ng ngiti niya sa akin. Narinig ko ang pagtawa ng mga kasama namin. Kinikilig yata sila.








"Mommy Babe mo mukha mo! Dun ka na nga!" Inis na tugon ko na lang sa kanya. Madalas kasi ay naiirita ako sa kanya ngayon. Minsan naman ay hinahanap ko siya. Matapos ko siyang pandilatan ay tsaka lang siya umalis. Ang ganda ng mood ng Daddy mo anak. Pero infairness, nakakakilig yung Mommy Babe kahit na sobrang cheesy.









"Kamukhang kamukha ni Alden yang baby niyo sigurado ako. Obvious naman na pinaglilihian mo siya." Bulong ni Ate Pia. Sumang ayon naman ako sa sinabi niyang yun at kinwento lahat ng nararamdaman kong inis kay Alden. Part daw talaga yun ng pregnancy lalo na pag nasa first trimester. Nagsisimula pa lang kasi mag strike yung hormones. Sana lang maging mahaba ang pasensya sa akin ni Alden.








Lumipas ang maghapon. Tulad ng bilin niya ay hindi ko pinakialaman yung mga bagay na maiistress ako. Pinabayaan ko na din kay Ate Pia. Nahihiya man ako sa kanya, isa din siya sa nagbabawal sa akin na gawin yun. Hay! Bahagya akong nakaramdam ng antok. Gusto ko na yatang umuwi.







"Babe. Uwi na ako. Inaantok na kasi ako. Papahatid na lang ako kay Mang Jimmy. See you at home." Mabilis na sabi ko sa kanya. Hinalikan ko siya agad sa labi at hindi na hinintay pang sumagot. Sa amin na kasi ngayon si Mang Jimmy. Para daw pag wala si Alden, panatag pa din ang loob nila Tito na may makakasama ako. Nagpaalam lang din ako sa mga kasamahan ko.








Nasa daan na kami ni Mang Jimmy ng biglang may humarang na sasakyan sa harapan namin. Agad naman akong napamulat. "Mang Jimmy, anong--"









Biglang pumasok si Louise at para siyang tanga na ngiting ngiti sa akin. Wala ako sa mood makipag away ngayon at may iniingatan na akong baby sa tyan ko. "Ano na naman yun?" Iritadong tanong ko sa kanya. Umaalsa na nga ang dugo ko pag naiisip ko siya lalo na ngayong nasa harapan ko na siya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.








"I heard about the news. Congratulations on your pregnancy. But I have one important thing to tell you. Leave Alden alone. Or I will destroy him and his family." Deretsang sabi niya sa akin. Tinignan ko siya at hindi ko maitatanggi na kinabahan ako sa sinabi niyang yun. Nag aapoy ang mga mata niya sa galit kahit pa nakangiti siya sa akin. "Oh? Bat umurong yata ang dila mo batang Sampaloc?" Pang aasar niya pa sa akin.








"Louise. Ano bang ginagawa mo? Bakit ba ayaw mong tantanan si Alden? Madami siyang connections. I'm sure hindi niya iindahin kahit na bitawan mo yung share mo sa company nila." Pinatatag ko ang loob ko kahit na kinakabahan na ako. Ayokong may mangyaring hindi maganda kay Alden.








"What about his Father? Ano na lang ang sasabihin niya kung sakaling bumagsak ang negosyong itinayo niya? Mas madami akong koneksyon kay Alden. Hindi mo alam ang kaya kong gawin Maine. Kaya ngayon pa lang, if you really love Alden and his family, ikaw na ang lumayo. Gawin mo yung dapat. Dahil sigurado ako na hindi kakayanin ni Tito Richard pag nawala ang negosyong pinaghirapan niya ng dahil lang sa isang katulad mo!" Sigaw niya sa akin. Napatingin ako kay Mang Jimmy na nasa labas ng sasakyan. May nakatutok na baril sa kanya.







"Louise. Stop. Nakikiusap ako sayo. Wag na wag mong gagawin yan." Nanginginig na ang boses ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong may mangyaring masama sa pinakamamahal ko.








"Then, do me a favor in return. Lumayo ka at wag ng magpakita pa!" Yun ang huling salitang binitawan niya bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Naiwan akong nakanganga at litong lito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paano ko ba sasabihin kay Alden. Baka may mangyaring hindi maganda sa kanila pag pinili kong mag stay sa kanya.








Lutang kami parehong umuwi ni Mang Jimmy. Sumalubong sa akin ang condo unit ni Alden at gusto ko na namang umiyak. I need to make a choice. At kahit na magalit siya sa akin, basta wag lang siyang mapahamak ay handa akong magtiis. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko habang kinukuha ang mga damit ko.








Gusto ko sanang gumawa ng sulat para sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Magalit na siya kung magagalit sa akin. Buo na ang desisyon ko. Kahit na nanghihina ay binilisan ko ang pag aayos ng gamit ko. Nasa pintuan na ako at sa huling sandali ay tinignan ko ang kabuuan ng bahay na ito. Dito nagsimula ang lahat. At dito din pala matatapos. I'm sorry Alden. Kailangan kong gawin to.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon