Two

2.9K 126 4
                                    

Maine's POV




Matapos ang agahan ay nag ayos na ako papunta sa isang restaurant naman. Katulad ng trabaho ko sa gabi, waitress din ako dito. Siguro kung sarili ko lang ang binubuhay ko ay sapat na sa akin ang trabahong ito. Isang fine dining restaurant ang pinapasukan ko. Karamihan ng customers dito ay mayayaman. Nakapasok ako dito dahil sa kaklase ko. Pamangkin kasi siya ng may ari nito.



"Maine. Ano kamusta ka naman? Para ka na namang zombie!" Puna sa akin ni Nadine. Isa sa mga kasamahan ko. Isang malapit na kaibigan. Tatlo kaming laging magkakasama sa trabaho. Yung isa ay si Kathryn. Palibhasa kasi ay pare-pareho kaming salat sa buhay. Kaya sa umaga ay nasa disenteng restaurant kami. Sa gabi naman ay nasa bar kami.



"Maaga akong nagising kasi. Ang hirap matulog lalo na pag puyat e." Dahilan ko na lang sa kanya. Alam naman nila ni Kath ang kalagayan ko e. At madalas silang magalit kay Nanay Connie.



"Kasi naman akala mo may anak kang binubuhay e! Daig mo pa pamilyado kung mag over time ka sa bar. Diyos ko Maine! Alagaan mo yang sarili mo." Palihim na sermon sa akin ni Kath. Napailing na lang ako. Tama naman kasi sila e.




"Tara na at magtrabaho na tayo. Mamayang lunch break bilisan natin kumain para naman makaidlip tong kaibigan natin." Si Nadz ang nagsalita. Tumango na lang ako at nagsimula ng magtrabaho.


Mabilis na lumipas ang oras at nagbibihis na kaming tatlo dito sa locker room. Sa bar naman kami pupunta. Nagbabaon kami lagi ng damit. Sa bar kasi ay dapat maikli ang short at kita ang cleavage. Wala kaming magawa kundi ang sikmurain na lang ang lahat dahil mas importante sa amin ang kumita ng pera para mabuhay. Hindi mapapakain ng hiya ko ang pamilya ko. Gusto kong matawa. Pamilya? Mayroon nga ba akong pamilya?


Mabilis kaming nakarating sa bar. Madaming tao ngayon panigurado dahil weekend. Gigimik ang mga kabataan. Pumasok kami sa dressing room at mabilis na nagpalit ng uniform namin. Yung palda na halos isang dangkal lang ang haba. Kapag tumuwad ako ay kitang kita na ang singit ko. Naglagay din ako ng konting make up lang. Para lang mawala ang pamumutla ko.


Oras na para lumabas at nagpunta na kami sa area namin. Si Nadz kasi ay sa VIP naka assign. Madami ding babae dito na nakiki table sa mga guests. May nasayaw sa harapan tapos sinasabitan ng pera ng mga kalalakihan. Kami lang ang naiiba sa kanila dahil waitress lang talaga ang ipinasok namin dito.



Madaming tao at maaga pa. Kung kaya't hinanda ko na ang sarili ko dahil malamang sa malamang ay magkakanda ekis ekis ang paa ko sa dami ng aasikasuhin ko.






Alden's POV




"Naboboring ako dre. Mag bar hopping nga tayo. I need someone to give me a head." Maktol na sabi ni James. Isa sa mga kaibigan ko. Nandito kami sa opisina ko. At tulad niya ay nag aadjust pa din kami dahil bago lang kami sa trabahong ito. Wala kasi kaming inatupag nung summer kundi ang mambabae e.


Ako nga pala si Richard Faulkerson Jr. Kakagraduate ko lang ng management at ako ang future successor ng Faulkerson Shipping Lines. Nasa line kami ng impor/export. Kaya talagang every detail ay kailangan kong aralin.



"Shut up you dickhead! Puro pambabae na naman ang nasa isip mo!" Biro ko pa sa kanya sabay bato ng papel na hawak ko.


"Aba at bakit ikaw hindi? Si DJ, ikaw at ako. Iisa ang takbo ng isip natin kaya nga magkakaibigan tayo hindi ba? And sleeping around with a woman naked in our bed is our thing. Kaya wag kang umarteng masipag ka dyan kasi dre kinikilabutan ako!" Nandidiri pa ang ekpresyon niya kaya naman mas natawa ako.


Yeah. Yun kami. At hindi ko yung itinatanggi. Lalaki lang ako. Ano bang magagawa ko pag may naghubad na sa harapan ko diba? Edi grab the opportunity. Lahat ng gusto ko nakukuha ko.


"Halika na kasi! Para ka namang bading dyan na hindi maiwan ang trabaho e! May bukas pa naman!" Iritadong sigaw niya sa akin. I sighed. Hindi naman ako titigilan ng unggoy na to pag hindi ko napagbigyan. Madali kong inayos ang gamit ko. Si DJ ay papunta na din daw. Pag babae talaga ang usapan mabilis pa kay the flash ang mga to e.

Sa isang bar kami pumunta kung saan kaibigan ni James ang may ari. Si JC daw ang pangalan. Pagpasok pa lang namin ay bumungad na sa amin ang maingay na crowd. May mga babae din kasing nasayaw sa unahan na halos wala ng suot.

"Akala ko bar to? Bakit parang club to?" Tanong pa ni DJ. Ang mata ng isang unggoy na to ay kumikinang sa tuwa dahil sa mga babaeng nasayaw sa stage.



"Ganun na din yun." Sagot ni James na napapaindayog pa sa tugtog. Madami ding kabataan na nasa dance floor. Sigurado ako na estudyante ang mga ito. Ganyan na ganyan kasi kami nun.


"JC! Dude, kamusta na? Ayos tong bar mo ah." Bati ni James sa kaibigan niya na may ari ng bar na ito.


"Loko loko. Kamusta na din? Okay lang ako." Bati din ni JC.


"Ayos lang. Mga kaibigan ko nga pala. Si Daniel at Alden." Pakilala niya sa amin at nilahad naman namin ang kamay namin para makipag kamay sa kanya.



"Nice to meet you man." Bati ko sa kanya. Matapos ang simpleng introduction ay nagpaalam na din si JC.


Nasa unahan kami. Kung saan malapit sa amin ang mga babaeng nagsasayaw ng naka bra at panty lang. Aliw na aliw yung dalawa. Ako naman ay nakaupo lang at hinihintay ang ipapadalang alak ni JC.



"Sir. Eto na po yung pina order ni Sir JC para sa inyo." Anang isang babae. Napatingin ako sa kanya at sa hindi sinasadyang pangyayari ay hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya.


Simula nung nilapag niya yung alak sa table namin hanggang umalis siya ay hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Sino kaya ang babaeng yun?

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon