Thirty Two

2.7K 118 8
                                    

Maine's POV







Pauwi na kami ngayon sa condo niya at hindi mawala ang ngiti sa mga labi namin. Akala ko katapusan na ng lahat. Mahal din niya ako. At napakasarap marinig nun mula sa kanya. Kanina pa din niya hindi binibitawan ang kamay ko. Nakakainis na nga kasi habang nasa park kami kanina ay panay ang tingin sa kanya ng mga babaeng nakakasalubong namin.









Nasa kotse niya na kami ngayon at ayaw niya talagang bitawan ang kamay ko. Syempre ngayon lang naman ako nagka boyfriend kaya medyo naiilang ilang pa ako at hindi ko maiwasan ang mahiya. Ikaw ba naman mahalin ng isang Alden. Hindi ka ba kikiligin?








"Ang tahimik mo naman. Hindi ako sanay ng ganyan ka e." Malambing ang tono ng pananalita niya at tsaka nilagay ang kamay ko sa may labi niya. Ilang libong kuryente na naman ang dumadaloy sa buong sistema ko.








"Hindi naman. Wala naman akong sasabihin e." Nahihiyang tugon ko pa din sa kanya. Napangisi naman siya at tsaka nilaro laro ang kamay ko. Ang galing din nito e. Nagmamaneho habang nilalandi ako.








"You're blushing. Kinikilig ka. Sabagay, ako lang naman ang naging boyfriend mo kaya tandaan mo Babe sa akin ka lang kikiligin." Tumingin siya sa akin sabay kumindat. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin ng Babe. Natatandaan ko pa noon. Naiinggit ako pag naririnig ko na Babe ang tawagan ng magboyfriend na nadadaan ko. Naiisip ko pa nga kung magkakaron ako ng sarili kong Babe. Grabe! Ang lakas ko sayo, Lord! Thank you!








"Oo na. Alam mo naman yun e." Hinalikan niya muli ang kamay ko at tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho. Medyo gabi na din kasi. Narating namin ang elevator. Magkahawak kamay pa din kami. Nasa hallway na kami papunta sa unit niya ng may mapansin akong isang pamilyar na nasa harapan ng pintuan.









"Ingrid?" Paglilinaw ko pa. At hindi nga ako nagkamali. Ang kapatid ko nga ang nakita ko. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na din siya. "Paano ka nakarating dito? Paano mo nalaman na nandito ako? Sinong kasama mo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaiyak e.









"Ako lang Ate. Sinabi sa akin ni Kuya Alden. Pinasundo niya nga ako sa school kanina. Namimiss na kasi kita Ate e." Umiiyak din na sagot niya habang yakap ko siya. Tumingin ako kay Alden at nakangiti din siya.








"Alam kong namimiss mo na siya kaya ako na mismo ang nagdala sa kanya sayo. And besides, matutuwa si Bianca pag nakilala niya si Ingrid." Masayang tugon ni Alden. Dahil na din sa kasiyahan ko ay napayakap ako sa kanya.









"Thank you! Thank you!" Masayang tugon ko at niyaya namin si Ingrid na pumasok sa loob. Tulad ng inaasahan ay tuwang tuwa din si Bianca na makilala siya. Nag late dinner lang kami at nagkulitan ng konti tapos ay hinatid na namin siya. Gustuhin ko man bumaba at magpakita kay Nanay Connie, alam kong hindi pa dapat. Dahil baka pagbawalan niya si Ingrid na lumabas ng bahay. Baka lalo kong hindi makita ang kapatid ko. Nakatanaw ako sa labas ng bahay namin noon. Hindi ko matatawag na tahanan ang isang to dahil masyadong madaming masakit na nangyari sa akin dito. Nanay Connie, hindi po ako galit sayo. Pero hindi pa ako handang magpakita sayo ngayon.











Alden's POV









Nakabalik na kami ulit sa bahay. Alam kong masayang masaya ang girlfriend ko ngayon. Dahil napakadaldal niya at halata naman sa galaw niya. Katulad ng dati. Sa kwarto ko pa din siya matutulog. Hindi naman ako papayag na hindi.







Kakatapos niya lang mag shower at gusto kong matulala dahil ang ganda niya. Basa ang buhok niya tapos suot niya yung over sized T-shirt ko. Alden! Magpakabait ka! Wala pa ngang 24 hours na naging kayo baka gusto mong mag break kayo agad!





"Hoy! Mata mo!" Sita niya sa akin. Para naman akong batang napatahimik. Pinanood ko lang siya hanggang sa makaupo na siya sa tabi ko. "Magpakabait ka. Kasi pag hindi, sisiksik ako kay Bianca. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Faulkerson?" May halong pananakot na tanong niya at napatango naman ako.






"Opo Boss Babe! Promise papakabait ako. Pero payakap naman. Hindi naman ako sanay ng hindi kita niyayakap e. Please?" Pagmamakaawa ko pa. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa isip niya dahil nakatingin lang siya ng deretso sa akin.






Pumorma na siya ng higa at nagkumot na din. Aba at parang wala yatang balak pansinin ang sinabi ko. "Babe. Hug lang. Please? Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo kasi may respeto po ako sayo." Gusto kong matawa sa sarili ko dahil ngayon lang ako naging ganito. Sanay kaya ako na ang mga babae ang kusang yumayakap sa akin.






"Oo na!" Natatawa pang sagot niya. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at niyakap ko agad siya. Hinawakan niya din ang kamay ko na nakapulupot sa may bewang niya.









"Thank you for making me the happiest man alive. Salamat kasi mahal mo din ako. Ganito pala yung pakiramdam pag may pagmamahal. At sayo ko lang naramdaman yun. I love you." Bulong ko sa kanya. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng matapos. Parang kaya kong mabuhay kahit ganito lang. Basta yakap ko lang siya.







"No. Ako ang dapat magpasalamat sayo. Salamat kasi binuo mo ko. Salamat sa pagmamahal mo. Thank you kasi hindi mo ko pinabayaan. Mahal na mahal din kita, Alden. Ikaw lang." Tinignan niya ako ng mata sa mata. Para namang malulunod ang puso ko sa saya. Kinikilig ako.






"Matulog na tayo. Maaga ka pa bukas." Sita niya sa akin. Pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.






"Maaga tayo bukas. Dahil simula bukas. Sa opisina ka na magtatrabaho. Ayoko ng nasa bar ka." Nanlaki ang mata niyang napatingin sa akin at hindi ko na siya hinayaan magsalita dahil nilapat ko agad ang labi ko sa kanya. "Goodnight Babe. Wag ka ng makipagtalo kasi hindi ka din naman mananalo." Nakangisi kong sabi sa kanya and then I closed my eyes and fell asleep..... smiling.






----



A/N: Sabaw na UD. But still, thank you for the support. I love you all babies! 😘 -Ate Jen/jlovato22

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon