Fourteen

2.3K 144 18
                                    

Maine's POV





Nasa kalagitnaan kami ng trabaho sa restaurant ng biglang dumating si Nadz. Naka half day pala si bruha ngayon. Pero nagtaka kami ni Kath dahil nakasimangot siya at hindi maipinta ang mukha.



"Late ka na nga. Nagmamaganda ka pa dyan. Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo? Anong nangyari sayo?" Usisa ko habang nagbibihis siya.




"May nakabangga ako na isang lalake na ubod ng yabang. Parang yung stalker mo ang ugali. Peste talaga bakit ba kasi nagkalat ng ganung klaseng nilalang ang Diyos? Ang yayabang." May bahid pa din ng inis na sabi niya kaya natawa naman ako.



"Oh ngayon alam mo na ang pakiramdam? Hayaan mo na nga yun at magtrabaho na tayo ulit. Hindi na kayo magkikita nun." Tinapik ko ang braso niya at tsaka lumabas ng locker room namin. Mahirap na baka mahuli pa kami na wala sa labas at mapagalitan pa kami.




Lumipas ang maghapon at natapos ang shift namin. Dating gawi. Sa bar naman ako pupunta. Pero hindi kasi ako nakapagdala ng damit kaya naman mapipilitan na naman akong umuwi.





Pero laking gulat ko ng makita ko si Nanay Connie. Akala ko ay ilang araw siyang mawawala. Hindi ko na naman maiwasan ang kabahan. Hindi ko pa nga nasisimulan mag ipon ulit. Nandyan na naman siya. Wala na naman akong magagawa.




Yumanig na naman ang mukha ko pagpasok ko. Sinampal na naman niya ako! Hindi pa man magaling ang sugat sa gilid ng labi ko ay nadagdagan na naman.





"Nay. Ba-kit po?" Kanda utal na tanong ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita. Hinila niyang muli ang buhok ko dahilan para makaladkad ako sa sahig.





"Isang araw pa lang ako nawawala bakit parang ayaw mo na ako umuwi! At bakit wala akong nadatnan na pagkain dito?! Tambak ang tupiin! Ano?! Nagdiwang ka ba dahil wala ako? Nagbuhay reyna ka?! Bakit si Ingrid ang naglaba?! Inaalila mo ba ang anak ko para makaganti sa akin?!" Galit na galit na sabi ni Nanay sa akin. Habang hawak niya pa din ang buhok ko. Hindi pa siya nakuntento. Sinampal pa niya ako ulit. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.




Nalasahan ko ang sarili kong dugo at ramdam na ramdam ko ang pang gigigil niya sa akin. Nakita ko si Ingrid na nakatingin lang sa akin at naiyak.





"Nay. Hindi po ako pinilit ni Ate. Nagkusa po ako." Sabat ni Ingrid habang naiyak. Akmang lalapit siya pero umiling ako. Baka kasi pati siya ay saktan ni Nanay.





"Wag kang makialam! Hindi kita kinakausap!" Sigaw ni Nanay sa kanya at bumalik sa akin. Sinampal na naman niya ako ng isang beses. Hinang hina na ang buong katawan ko at nagdidilim na ang paningin ko.





Namanhid na ang katawan ko. Sunod sunod na ang naging pananakit niya sa akin. Sampal dito. Sampal doon. Sabunot, tadyak. At kung ano ano pa.






"Ang kapal ng mukha mo! Akala ko porket wala ako dito magiging reyna ka na?! Isa kang malaking malas sa buhay ko! Lumayas ka!" Tinulak niya ako palabas ng bahay. Hindi ko na din alam kung sino ang nakatingin sa akin. Nakikiusyoso ang mga kapitbahay namin dahil alam kong tuwang tuwa sila pag may ganitong eksena sa lugar namin.





"Layas!!! Kaya kong buhayin si Ingrid kahit walang tulong mo!" Hindi ko na magawang tumayo. Kaya naman gumapang na lang ako para makaalis sa harap ng bahay namin. Madami akong paa na nakikita pero ni isa sa kanila ay wala man lang tumulong sa akin.





Gumapang pa din ako ng gumapang para makalayo sa lugar na yun. Hindi ko na kaya. Noon, akala ko kaya ko pero hindi na pala. Masyado ng masakit. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? May malaki ba akong kasalanan na nagawa?




Hindi pa din ako tinatantanan ni Nanay Connie. Sinusundan niya pa din ako at sinisipa. Wala na akong pakialam dun. Basta ang alam ko. Aalis na ako sa lugar na to.





"Tigilan mo na ang pananakit sa kanya kung ayaw mong ipakulong kita." May isang boses lalakeng nagsalita. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Dahil na din sa sobrang pag iyak ko ay hindi ko na siya masyadong maaninag.





Pero kilala ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Alden.








Alden's POV







Nasa harapan ako ng bahay nila at buhat buhat ko siya. Kanina pa ako nakamasid dito. Hindi ko na din pinansin pa si James na inaasar ako. Pero nawala din yun nung makita niyang nakahandusay na si Maine sa sa kalsada. Maging si DJ ay hindi na din nakapagpigil. Siya pa ang naunang sumugod para tulungan si Maine.




"Pare. Dalhin na natin siya sa ospital! Tsaka na natin to ayusin." Bulong sa akin ni James. Ayaw niyang iparinig na babalikan namin ang babaeng yun baka kasi magtago.





"Aba at sino naman kayo?! Sige. Dalhin niyo na yang pesteng yan! Bwiset yan! Puro kamalasan ang dala nyan sa akin!" Wala man lang bakas ng takot na sigaw niya sa amin at tsaka nagmamadaling pumasok sa bahay nila.





"Halika na! Dalhin na natin siya sa ospital!" Si DJ. Nagmamadali kaming bumalik sa kotse at dinala siya sa ospital. Nasa bisig ko siya at walang malay.





"Maine. Gumising ka. Maine!" Tinatapik ko ang pisngi niya. Ngayon ko lang naranasan to. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito!





"Daniel! Ano ba?! Bilisan mo naman!" Hindi ko na napigilan ang sigawan siya. Malamang kung hindi lang ganito ang eksena namin ngayon ay sinigawan niya na din ako. Panay din ang busina niya tanda ng emergency ang sakay namin.





"Maine. Gumising ka naman. Ano ka ba!" Kinakausap ko pa din siya. Ang dami niyang sugat. Puro pasa ang mukha niya at duguan pa. Napailing ako. Sa likod pala ng kasungitan niya ay nagtatago ang malungkot na pagkatao niya.





Nakarating na kami sa ospital. Binigyan agad kami ng stretcher at tsaka dinala siya sa emergency room. Nag uunahan ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko. Basta isa lang ang alam ko. Natatakot ako. Ayokong may mangyaring masama sa kanya.

---
A/N: Babies! Comments please. Patabain niyo ang puso ko para ganahan ako. May hater pa din ako. Huhubels. 😢😢 Maraming salamat po sa mga nagbabasa at nagvovote. Much appreciated dun sa mga nagsasabi ng magandang comments hindi puro update ang hinihingi. Actually, tuwang tuwa ako pag may notif ako na may comments tapos nagpapa UD lang pala. Sorry madrama si Ate ngayon. Love ko kayo babies! Maraming salamat. 😍😘 -jlovato22/Ate Jen

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon