Nineteen

2.4K 107 1
                                    

Maine's POV






Nasa isang mall kami at gusto kong malula dahil sa mahal ng mga damit na gusto niyang bilhin sa akin. Hindi din maiwasan na may lilingon na babae sa kanya sa bawat sulok ng mall na to na madaanan namin. Napakagwapo naman kasi talaga niya.



Naka polo shirt siya tapos naka pants na medyo fit sa kanya. Naka shades din siya kanina kaya head turner talaga ang lalakeng to. Hindi ko tuloy maiwasan mahiya dahil ako ang kasama niya.




"Ang daming babaeng nakatingin sayo. Baka mamaya may sumugod na lang sa akin dito." Bulong ko sa kanya habang abala siya sa pagtetext.




"Hindi na bago sa akin yun. At hindi naman ako natatakot dahil kahit na sugurin ka nila, alam ko naman na lalababan mo sila. Ang lakas mo pa naman manapak." Biro niya sa akin kaya naman napalakas ang tawa ko. Nakuha ko ang atensyon ng mga taong nasa loob ng botique. Kaya naman napayuko ako.




"Sorry! Medyo napalakas lang ang tawa ng girlfriend ko." Tatawa tawang tugon niya kaya naman napatingin ako sa kanya at hinampas ko siya.




"Girlfriend ka dyan! Ang sama na nga ng tingin nila sa akin. Ginagatungan mo pa!"  Bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Inakbayan pa niya ako sabay tumingin dun sa nagkukumpulang mga babae na malapit sa amin.




"Wag ka ng magselos. Hindi naman kita ipagpapalit." Nakangising sabi niya at kitang kita ko na ang panghihinayang sa mukha ng mga babaeng nasa paligid namin. Isa isa silang nag alisan.





"Isa pa! Gugulpihin na kita." Bulong ko ulit sa kanya habang nandidilat pa ang mata. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at tumawa. Kung alam niya lang na bawat hawak niya sa akin ay libo libong boltahe ng kuryente ang nadaloy sa buong sistema ko!




Bumalik ako sa pamimili at naghanap ako ng medyo murang damit. Karamihan sa mga nandito ay mas malaki pa sa sahod ko kada kinsenas ang presyo. Binitawan ko na lang yun at tsaka hinatak si Alden na prenteng nakaupo sa may sofa sa tapat ng fitting room.



"Wag na tayo dito. May alam akong mabibilhan natin." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Hinatak ko na siya. Hindi ako mananalo sa kanya pag sinabi ko kung saan ko siya dadalhin kaya mas mabuti ng hindi ko na lang sabihin.




"Te. Ang bilis mo naman. Hindi po ako kaladkarin." Pagbibiro niya habang hinihila ko siya. Hindi ko na naman napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya.




Nasa labas na kami ng mall at akmang hihilahin niya ako sa parking lot pero mabilis ko din siyang hinila pabalik.




"Wag ka ng mag kotse kasi wala ka naman paparadahan dun." Pigil ko sa kanya kaya naman nagtaka siya.




"Paano tayo makakarating dun kung walang sasakyan?" Takang tanong niya pa.





"Ayun! Nakikita mo yun?" Tinuro ko yung mga nadaang jeep sa may kabilang kalye ng mall. Tumango naman siya. "Yan! Yan ang sasakyan natin."




"What?!" Nagulat siya as usual dahil hindi naman siya sanay sa ganung klase ng sasakyan pero hinila ko na siya kaya wala din siyang nagawa.





Pagkasakay pa lang namin ay hindi niya mapigilan ang matuwa. First time niya kasi. Buti na lang at may barya ako kaya ako na ang nagbayad. Malamang puro credit cards at libo libo ang laman ng wallet niya.





"Ang saya naman dito. Ngayon lang ako nakasakay dito." Para siyang bata na tuwang tuwa. Ang babaw niya pero nakakatuwa siyang pagmasdan. Tulad ng inaasahan ko, hindi talaga pwedeng walang titingin sa kanya. Napailing na lang ako.




Nakatingin siya sa daanan at hindi niya alintana ang mga alikabok na nasisinghot niya. Sino bang mag aakala na makakasama ko siya sa ganitong klaseng lugar. Walang siyang kaarte arte sa katawan.





Nakarating kami sa pupuntahan namin. Sa isang mumurahing tiangge kami napunta. Panay pa din ang tanong niya.




"Wag ka ngang magpahalata na bago ka sa lugar na ganito. Madaming snatcher dito kaya bantayan mo yang wallet mo okay? Halika na. Wag kang bibitiw sa akin." Hinatak ko siya ulit.




"Hindi naman talaga ako bibitaw sayo. Wag kang mag alala." Double meaning na naman ba yun o guni guni ko na naman. Ganun din siya kagabi. Pero malamang wala lang yun. Walang ibig sabihin yun.









Kathryn's POV







Nasa restaurant kami ni Nadz at nakakapanibago lang dahil hindi kami inuutusan ngayon. Parang may special treatment na nagaganap. Hindi namin alam pareho kung bakit pero minabuti na lang namin na wag na magsalita. Miss na miss na din namin si Maine.




"Nakakapagtaka naman bakit biglang parang naging instant boss tayo dito? Ayaw pala nila tayong pagalawin e bakit pa tayo pumasok dito?" Inis na bulong ni Nadz sa akin. Pareho talaga kaming walang alam sa nangyayari sa paligid namin.




"Kath, Nadz. Table 4. Pinapatawag kayo." Tumayo agad kami ni Nadz. Hay salamat may gagawin na din. Nakakaburyo kaya magbilang ng oras.




Pero hindi pa man kami nakakarating sa table 4 ay naaninag ko na agad kung sino ang mga nakaupo. Si James at DJ! Gustong lumipad ng panty ko sa sobrang kilig ko.




"E bakit nandito yang mga yan?! Ano akala nila dito? Bar na ipapatawag lang ang pwedeng maki table sa kanila?!" Inis na tanong ni Nadz. Tatalikod sana siya pero pinigilan ko siya.




"Gaga. Wag kang masyadong magmaganda dyan. Tandaan mo, sila ang tumulong sa kaibigan natin kaya may utang na loob tayo sa kanila. Isipin mo nga! Bakit ba ang bitter mo? Pinuntahan tayo ng maayos dito kaya pakiharapan mo din ng maayos!" Pabulong na sermon ko kay Nadz. She just rolled her eyes.




Pinuntahan na namin sila. Okay Kath. Wag masyadong magpahalata na kinikilig at baka ma turn off sayo si DJ.





"Yes po Sir? Bakit niyo po kami pinatawag?" Kinakabahan na tanong ko. Parang gustong umurong ng dila ko dahil si DJ ang unang tumingin sa akin tapos ay ngumiti ng ubod ng tamis.




"Hi! Upo muna kayo." Sinunod namin sila. Lihim kong siniko si Nadz dahil bakas na bakas ang boredome sa mukha niya. Ganun din si James na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ay bahala sila. Haha!

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon