Forty Seven

2.5K 114 7
                                    

Maine's POV







"Loka loka! Mag test ka na dali. Kailangan na nating malaman yan. Ang arte arte mo ah!" Inis na sabi ni Kath sa akin. Nasa condo kami ngayon ni Alden. Nalaman ko din na lilipat na siya sa condo ni DJ. Pinitik ko nga siya sa noo e. Akala ko pa naman magpapa hard to get siya. Pero hindi pala. Nangako naman kasi si DJ na pakakasalan siya.







"Sandali nga. Wag mong ibahin ang usapan. Ang tinatanong ko sayo e kung bakit biglang naging kayo ni DJ ng hindi namin nalalaman ni Nadz." Pag iiba ko ng usapan. Pero hawak ko pa din yung pregnancy test kit na binili niya kanina. Actually, lima yun. Lahat daw yun gamitin ko. Nasa CR kasi kami ngayon nag uusap. Si DJ at Alden ay nasa sala. Wala si Nadz. Wala din si James. I wonder kung magkasama sila.







"E basta yun na yun. Tsaka ka na magtanong tungkol sa amin pag naconfirm na natin kung preggy ka talaga." Tinulak tulak niya pa ako. I sighed. Kailangan ko din malaman kung buntis nga ako para naman alam ko kung paano ko aalagaan ang sarili ko.







"Kath? Ano na? Tapos na ba?" Kumakatok na sabi ni Alden. Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil mas excited pa siya kaysa sa akin. "Babe? Ano ng nangyayari sa inyo dyan? Sumagot ka Babe. Sisirain ko tong pintuan!" Sigaw pa ni Alden. Natawa na ako sa sinabi niyang yun.







"Mr. Faulkerson Jr. Wag kang masyadong atat dyan. Matuto kang maghintay. Bumalik ka muna dun kay DJ. Bilis na!" Utos ni Kath sa kanya. Ako naman ay kasalukuyang pinapatak sa limang PT na nasa harapan ko ang naipon kong urine. Kinakabahan ako sa magiging resulta.







"Kath! Ayusin mo ah! Sinasabi ko sayo pag may nangyari sa girlfriend ko dyan ihuhulog ko tong DJ mo sa bintana!" Banta pa ni Alden. Hindi na kami sumagot pa ni Kath. Naghintay kami ng mga ilang minuto. At gusto kong maiyak.







5/5 POSITIVE!








"Menggggggg!!!!" Mahabang sigaw ni Kath. Napatakip naman ako ng tenga sa pagsigaw niyang yun. Tuwang tuwa siyang niyakap ako. "Congratsssss!" Masayang sabi niya. Sasagot pa sana ako pero biglang bumukas ang pintuan at kitang kita ko ang nag aalalang mukha ni Alden. Nasa likod niya si DJ. Hingal na hingal silang dalawa. Napatingin na lang sa pintuan ng CR na wasak na ngayon.







"Anak ng! Bakit niyo sinira yung pintuan?!" Sabi ni Kath.







"E kasi bakit ka nasigaw? Anong nangyari? Babe? Okay ka lang?" Nagmamadaling lumapit sa akin si Alden at kinapa ang noo ko. Niyakap niya agad ako.







"Ano kasi. Babe." Hindi ko masabi sa kanya dahil hindi ko alam kung paano. Si Kath at DJ naman ay nakatingin lang sa amin.







"Sabihin mo saken Babe. Kung negative yan halika na gawa na tayo ulit para maging positive na." Napahagalpak ng tawa si DJ sa likuran namin at sinamaan naman siya ng tingin ni Alden.







"Paano makakapagsalita si Maine e ikaw ang naghi-hysterical dyan. Halika na nga Nhie. Dun na tayo sa labas." Yaya ni DJ kay Kath.







"Babe. Lima kasi yung PT na ginamit ko. Tapos lahat ano kasi.... two lines." Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi kong yun sa kanya. Nakanganga pa din siya at hindi niya alam kung anong sasabihin niya.







"Two--- two lines. Positive Babe? Magiging Daddy na ba ako?" Parang hindi pa din siya makapaniwala at nagtatanong pa din siya.








"Hindi! Magiging Mommy ka na! Tanga lang dre? Malamang! Lalake ka edi ikaw ang Daddy!"  Sigaw sa kanya ni DJ mula sa labas. Hindi ko na naman naiwasan ang matawa.







"Back off, DJ!" Singhal niya sa kaibigan niya. Tumingin siya ulit sa akin. Sabay niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik. "Babe. Thank you. Thank you. Promise, I'll be a good Daddy to our child. And a good husband to you. Lets get married." Sunod sunod na sabi niya. Talagang masayang masaya siya.







"Babe. Wag na muna. After ko na lang manganak. Tsaka na tayo magpakasal. Okay?" Suggest ko sa kanya. Nung una ay ayaw niyang pumayag pero syempre ako ang masusunod. Ayokong ikasal ng buntis ako. Para may ring bearer o kaya flower girl na kami agad.







After namin mag usap ay lumabas na kami sa CR. Agad na tumawag si Alden nung gagawa ng pintuan na winasak niya kanina. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay Ingrid na magiging Tita na siya. Pati na din kay Bianca. Sabi pa nga ni Alden ay siguradong matutuwa ang magulang niya kapag nalaman na magkakaapo na sila. Sinabayan kami kumain ni DJ at Kath bago sila umalis. Masaya din naman ako para sa kaibigan ko.







"Babe. Ako na maghuhugas ng plato okay? Baka mapano si baby e. Upo ka na lang dyan." Inagaw niya sa akin yung hawak kong plato at kasalukuyang sinasabunan.







"Alden, hindi naman mabigat to. Kaya wag kang mag alala. Ikaw ang maupo dyan dahil kanina ka pa paikot ikot e." Tatawa tawang sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo.







"Kung may gusto kang kainin Babe sabihin mo lang sa akin ah? Kahit na ano. Okay?" Malambing na saad niya sabay niyakap ako mula sa likod. Kung kamay niya nasa tyan ko na. "Hi Baby. Si Daddy to. Be strong dyan sa loob ng tyan ni Mommy ah? Hindi na ako makapaghintay na makita ka." Hinihimas niya pa ang tyan ko habang nagsasalita. Hindi ko napigilan ang mapangiti.







Natapos ang paghuhugas ko ng plato at nasa sala na kami. Nanonood ng TV. Hindi maalis ang kamay ni Alden sa tyan ko. Tapos lagi niyang hinahalikan. "Huy. Baka naman malamog yung anak mo dyan sa loob ng tyan ko." Biro ko sa kanya.






"E ang saya ko lang kasi talaga. Bukas magpapacheck up tayo Babe ah? Nag leave na ako sa trabaho. After ng check up mo, sa Laguna tayo uuwi. Hindi na makapaghintay sila Daddy e. Gusto na nilang makita yung resulta. Maraming maraming salamat Babe. Hindi na ako makapaghintay ng ilang buwan para makita yung mini Alden at mini Maine sa tyan mo. I love you." Masuyong sabi niya. Napangiti naman ako dun. Niyakap niya ako ulit at masayang nanood ulit. Wala na yata akong mahihiling pa.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon