Maine's POV
Balik sa normal ang buhay ko. Nagtatrabaho na ulit ako sa restaurant at sa bar. Pero kay Alden pa din ako nauwi. Habang tumatagal ay mas napapalapit ako sa kanya at parang hindi na ako sanay ng hindi ko siya nakikita. Hindi nga ako makatulog sa gabi hanggat hindi siya nadating.
Si Bianca naman nasa bahay pa din ngayon. Okay lang daw kahit wala ako basta nandun lang siya at nakikita niya ako. Lagi na tuloy ako sa room ni Alden natutulog. Wala naman akong laban sa magkapatid na yun e.
Nasa bar ako ngayon at madaming tao. Isang linggo na din ang nakalipas simula nung bumalik ako dito. Naninibago pero hinahanap hanap na talaga ng sistema ko ang mga gawain ko dito kaya nasanay na din ako ulit. Masyadong crowded sa loob kaya naman hindi na kami magkandahinto sa pagseserve. Buti na lang at day off ko bukas. Makakapagluto kami ni Bianca.
"Hanggang kailan mo balak mag stay kay Alden?" Hindi ko maiwasan ang matawa kay Kath. Nakuha niya pa talaga magtanong.
"Grabe ka talaga sa pagiging tsismosa mo te. Nasa kalagitnaan tayo ng trabaho at kasalukuyang nakikipagsapalaran sa pagseserve sa mga tao tapos nakuha mo pa din magtanong ng ganyan?" Naiiling na tanong ko sa kanya habang nag aayos ng mga orders sa tray na hawak ko.
"E kasi naman parang palagay na palagay ka na sa piling ni Alden. Kayo na ba? Baka naman may hindi ka sinasabi sa amin ah?" Panunukso din ni Nadz. Gusto ko tuloy ibuhos sa kanila yung cocktail na nasa tray ko.
"Hindi. Mabait lang talaga yung tao." Parang may parte sa puso ko na kinurot. Tinutulungan lang niya ako. Yun lang.
"E bakit may bahid ng panghihinayang dyan sa pananalita mo?" Intriga pa ni Kath. Hindi ko na lang siya sinagot. Ayokong sagutin. Kasi kahit ako hindi ko alam. Lagi pa din siyang nahalik sa akin at tuloy pa din ang mga patakaran niya.
"Guni guni mo lang yun kaya pwede ba manahimik ka na lang dyan at magtrabaho na tayo. Sayang ang oras. Day off pa naman natin bukas." Pag iiba ko ng usapan. Sinerve ko na yung hawak ko. Buti na lang at hasa na ako sa pagbalanse ng trays kaya hindi agad nahuhulog kahit na mabangga bangga ako. Umaga at gabi ba naman akong waitress e. Sinong hindi masasanay? Hahaha!
"Eto na po yung order niyo." Ngumiti ako sa kanila at bumalik sa na work station namin. Ang sakit na ng paa ko. Nanlalagkit na din ako. Buti na lang at isang oras na lang ang natitira para mag end na ang shift namin. Nakakasuka na din ang amoy ng sigarilyo at alak sa loob.
Natapos ang shift namin. Nagmamadali kaming magbihis nila Nadz dahil madaling araw na. Gusto ko din makauwi na. Nagpaalam lang kami sa boss namin at tsaka sabay sabay kaming lumabas.
"Tagal mo naman." Halos mapalundag ako ng marinig ko ang boses ni Alden. Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya at bakas ang antok sa mukha niya. Humikab din siya.
"Alden? Bakit andito ka?" Takang tanong ko pa ng makalapit ako sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Para naman akong napaso. Literal. Dahil ang init ng palad niya. Dali dali kong hinawakan ang leeg niya at hindi nga ako nagkamali dahil nilalagnat nga siya.
"Ang init mo. Nilalagnat ka. Kaya mo ba magdrive?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Hindi pa man din ako marunong magmaneho. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa leeg niya.
"Kaya ko. Nag aalala lang ako kasi gabi na e. Okay lang naman ako. Halika na." Hindi na niya ako pinagsalita pa at pumasok na kami sa kotse niya. Pagbubuksan pa sana niya ako ng pinto pero tumanggi na ako.
Napaubo pa nga siya habang nagmamaneho. Mabuti na lang at safe kaming nakarating sa condo niya. Paglabas pa lang namin sa elevator ay agad ko siyang inalalayan hanggang makarating kami sa unit niya. Malamang si Bianca ay tulog na din.
"Halika na. Higa ka na. Magluluto lang ako ng soup para may mahigop ka." Humiga na siya at pinunasan ko siya ng towel na may malamig na tubig para bumaba ang temperature niya. Nung alam kong komportable na siya ay nagmamadali akong nag shower dahil feeling ko ang baho ko na. Sinalang ko na din yung soup pars kumulo na. Multi tasking.
Minadali ko mag ayos ng sarili ko para naman mainit pa yung sabaw na mahigop niya. Pumasok ako sa kwarto dala yung pagkain niya at nakita ko siya na halos nakabaluktot na. Hininaan ko naman yung aircon. Kailangan kasi medyo malamig din ang paligid para mabawasan ang temperature niya.
"Alden. Uy." Bahagya ko siyang niyugyog para magising. Nagdilat naman siya ng mata. Sinapo ko ulit ang noo niya at medyo nabawasan naman ang init niya. "Kain ka na muna para makainom ka ng gamot." Inalalayan ko siya para mapasandal sa headboard dahil hinang hina talaga siya.
"Ikaw naman kasi bakit mo pa ako sinundo. Masama na pala ang pakiramdam mo e." Hindi ko maiwasan ang magsermon. Kasabay ng pagsubo ko sa kanya ng kutsara na may sabaw.
"Okay lang naman ako." Pangangatuwiran niya pa. Sabay umubo ubo pa siya. Pinagpatuloy ko ang pagpapakain ko sa kanya. Hindi niya nga naubos dahil wala siyang gana. "Okay na din yung kinain mo kahit konti. Atleast may laman na ang tyan mo. Inom ka na ng gamot." Nilagay ko sa bibig niya yung paracetamol. Para naman akong nadedemonyo na y kiss siya. Manahimik ka Maine! May sakit na nga si Alden e!
Matapos ko siyang mapainom ng gamot ay tinulungan ko ulit siya para makahiga ng maayos. Kinumutan ko ulit siya. Talaganf masama ang katawan niya. Bumalik ako sa kusina para ayusin ang mga kalat doon at tsaka pumasok sa kwarto. Tulog na siya. Hinipo kong muli ang noo niya at nagpapasalamat ako dahil mababa na ang lagnat niya.
Pero bago ko pa man maibaba ang kamay ko at bigla na niya yung hinawakan ng mahigpit. "Please hug me in my sleep, Maine. You're the only one I need." I'm not sure kung gising siya pero malinaw sa pandinig ko ang salitang binitawan niya. At hindi ko napigilan ang mapangiti.
Sumiksik ako sa tabi niya. Bahala na kung mahawa ako. Niyakap ko siya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm always here Alden. Goodnight." And then I fell asleep.
BINABASA MO ANG
She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATE
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag krus ang kanilang landas. Si Maine bilang waitress sa isang bar na napuntahan ng isang binatang Alden ang pangalan. She caught him off guard. Hindi na nawala sa kanya ang tingin ni Alden. He was smitten...
